Continue.....
may pamilyang na ninirahan sa america na tahimik at simple, Yun ay ang pamilya ni Jaquin Querubin at ni Maritez Querubin, sila ay may anak na lalake. Ilang taon na silang nakatira sa america nang masaya at tahimik, kilala rin ang pamilya nila sa america na isa sa sampong pinakamayamang pamilya. At kahit sa america sila naninirahan, pinalaki nang magasawa ang kanilang anak sa kulturang pilipino, kaya lang lahat nang yun nagbago. Dahil sa trahediyang nangyari sa kapatid ni maritez na bago ang kanilang buhay. Ayaw man nilang umuwi sa pilipinas pero kinakailangan talaga dahil namatay ang nagiisang kapatid nang matandang babae, lahat nang kayamanan nang kapatid ay naiwan kay maritez dahil wala itong pamilya, isang araw may nagpadala nang sulat sa pamilya yun ay galing sa eskwelahang kung saan matagal nang iniwan at tinalikuran ng magasawa, ang eskwelahang ito ay Star Light University. Ang universiting ito ay pagmamayari ng pamilya ni maritez at jaquin, nong una ayaw na ayaw ni maritez pangalagaan ulit at sundin ang sinasabe nang sulat. Ngunit isang gabe nahuli sila nang kanilang anak na nagaaway habang ang mga ito'y may kausap na hinding kilalang mga tao. Hindi rin sadyang narinig ng binata ang kanilang secreto, walang pasabe sabe na binuksan na binata ang pintoan at bakas ang takot, lungkot, at kaba nang makita nila ang sanhi nang pagbukas ng pintoan ay ang kanilang nag-iisang anak. Walang nagawa ang mag-asawa kundi sabihin nalang sa anak ang kanilang matagal nang tinatagong secreto. Dahil taglay na mabait at maintendihin ang bata pinatawad niya ang kanyang mga magulang ngunit yun pala ay may kapalit na isang kondisyon. Kondisyon na mangalagaan muli at ipasok sa paaralang pagmamay-ari nila. Noong una, hindi sumangayon ang ina nito sa gusto niyang mangyari, pero hindi sumuko ang binata sa pagpapaintendi sa kanyang ina kong bakit yon ang kanyang gustong mangyari. Naabutan pa ng ilang buwan bago nito napapayag ang kanyang ina. Pumasok sila sa nakatagong pinto sa library nang kanyang magulang, ang pintong iyong ay konectado sa kung saan nakaukit ang nakatagong eskwelahan. Akala nang binata ang paaralan ay simple lang katulad ng ibang university ngunit iyon ay malaking akala lang pala. Dahil bumungad sa kanya ang mga estudyanteng nagliliparan at may mga kapangyarihan. Pinakilala ang binata bilang nag-iisang anak at nag-iisang tagapagmana nang mga ari-arian nang nakakataas sa kanila, ngunit sa staff lang nang paaralan pinakilala ang binata dahil yun ang gusto niya. Nilihim nila sa lahat nang estudyante ang tungkol sa pagkatao nang binata. Sasabehin lang nila ito kapag nahanap na nang binata ang tinakda para sakanya. Dahil ang binata ay ang taong nakasulat sa prophesiya na magliligtas sa buong mabubuting hinding ordinaryong tao. Ilang linggo palang ang binata sa SLU ay nakuha niya na agad ang loob nang ibang estudyante, dahil hindi rin naman siya mahirap pakisamahan naging kaibigan niya din ang tanyag na pinakamalakas na estudyante sa kanyang paaralan. Ito rin ang mga naging katuwang niya sa lahat nang bagay, sila ang tumutulong sa binata para magpalakas at ito rin ang tumutulong sa kanya magpaintendi sa mga bagay na hindi niya maintendihan. Sa loob nang 6 na buwang pagtitira nang binata sa SLU aral at pagiinsayo lang ang ginawa nang binata kasabay ang mga kaibigan niya. Dahil sa naging malapit na ang saloobin ng binata sa kanyang mga kaibigan pinatawag niya ito sa kanyang office, at doon nalaman nang kanyang mga kaibigan ang tungkol sa kanyang buhay. Noong una nagulat ang kanyang mga kaibigan dahil sa loob nang ilang buwan ang anak pala nang nakakataas sa kanila at ang taong nakatakda ay nanakasalumuha na nila. At dahil din doon naging mas matatag na ang kanilang pagkakaibigan lalong lalo na ang binata at ang dalagang si Natashia, hanggang sa hindi na namalayan ng dalawang bata na mahal na pala nila ang isa't isa at si natashia pala ang nakatakda na mamahalin niya at ang taong magiging katuwang niya sa digmaang darating. Lingid sa kaalaman nang mga bata sa university ay sa labas pala nang portal papasok sa kanilang paaralan ay nagsisimula nang umataki ang kampo ni hadeon ang pinono nang kadiliman, tanging mga guro at staff nang paaralan lang ang nakakaalam at naging alerto din sila. Kasama sa mga nakikipaglaban ang mga magulang ng binata, ni natashia at nang mga kaibigan nito para pigilan ang kampo ni hadeon na hindi makapasok sa portal. Gustong patayin ni hadeon ang binata dahil ayon sa prophesiya kapag nakita na nang tinakda ang kanyang katuwang sa digmaan na nagtataglay nang dalawang kapangyarihan yun ay ang apoy at lupa ay maaaring ito na ang katapusan nang buhay ng mga masasama sa mundo ng mahika. Pero huli na ang lahat dahil na kita na nang binata ang katuwang nang kanyang kapangyarihang hangin at tubig ang lupa at ang apoy. At ang dalagang nagtataglay nang kapangyarihang yun ay ang dalagang nagngangalang NATASHIA SANCHEZ...- don enrique