Makalipas ang 30 minuto nakarating na rin sila sa council building.
rex, ihatid niyo ng una ang mga gamit nila sa academy, sa likod kayo dumaan para hindi kayo makita nang mga estudyante.- bilin ni enrique
masusunod pinono,- wika nang driver
Pinagbuksan naman nang pintoan si enrique at ang mga apo nito ni ramon
hindi pinansin nang matanda si ramon kaya ang magkapatid nalang ang nagpasalamat.
Patoloy lang sa paglakad ang matanda at ang magkapatid habang nakasunod sa kanilang likod ang apat na butler. Lahat ng kanilang nadadaanan ay yumuyuko nalang. Kapansin pansin din na bumalik sa pagiging cold ang magkapatid na sapherre at peter. Napansin naman ito ng apat na butler kaya napa iling nalang sila dahil alam nilang seryuso ang dalawa.
Huminto sila sa tapat nang malaking gold na pintoan, binuksan naman ito nina kenji at kian. Agad namang tumayo ang mga tao sa loob at sabay sabay nilang binate ang kanilang pinono. Pumasok na bagong dating at nagsiupo na rin ang mga taga council, habang ang apat na butler ay nakatayo sa likuran nang apat na magkakapatid.Pinono, akala po namin may importante kayong sasabehin. Bakit po may walong bata tayong kasama?- wika ng lalaking nakasuot nang kulay blue na suit.
napatingin naman dito ang apat na magkapatid. Kinilabotan naman ang mga tao dahil sa pinakawalang aura ng magkapatid kahit ang apat pangbata na itinakda din, maliban ngalang sa apat na butler kay enrique at sa mga magulang ng mga tinakda.
nandito kayo para sa importante kong sasabihen. Hindi para tanongin kong sino ang mga ito princepe inigo at kong ano ang ginagawa nila dito.- malamig na wika ni enrique
Natahimik naman ito kaya agad na sumalita si enrique
Nandito ako para sabehin sa inyo na ang mga tinakda ay pupunta na ngayon sa academy.- wika ni enrique.
Masyado naman po atang maaga ang pagdating nila. Diba po ba dapat ay sa susunod pang buwan sila pupunta dito.- takang tanong nang nakabrown na coat.
Alam ko yon princesa alyana,kailangan nilang pumunta dito nang maaga para na rin madagdagan ang pag-eensayo nila para sa dadating na digmaan. At alam ko na alam niyo rin na kahit anong oras ay susugod dito si hadeon, maaring ngayon, bukas, next week, next month, next year. Hindi natin alam kong kilan siya susugod, kaya mas mabuti nang nakahada tayo at ang mga nakatakda.- wika ni enrique
Nasaan na ba ngayon ang mga tinakda para mamuno sa digmaan pinono. Parating na ba sila?- wika ng nakagreen na coat.
Nandito na sila ngayon at nasa harapan niyo na sila.- wika ni enrique
Nabigla naman ang lahat, maliban kay enrique sa magkapatid na butler at sa grupo ng mga magulang ng mga ito.
Ngayon ipapakilala ko sa inyo. Ang walong itinakda, Andreanica Guevarra at Aldrinico Guevarra kambal na anak ni allisha at miguel. Janica Tretya Villanueva anak ni troy at jessica. Lemmuel Cydric Ferrer anak ni cynthia at lance. At ang apat na magkakapatid na anak ni tanya at john. Sina Peter Quin Suarez, Sapphere Jade Suarez, Edward Micheal Suarez at si Lyka Michelle Suarez. Councils silang walo ang tinakda para sa digmaan sa pamumuno nang panganay kong apo at ikalawang apo. Walang iba kundi si Peter Quin at si Sapphere- wika ni enrique
Bakas ang pagkagulat sa mga mata nang taga council dahil kanina pa pala nila kasama ang mga tinakda.
Maligayang pagdating mga tinakda.- wika nang mga taga council sabay sabay din silang nagbow.
Maari na po kayong umupo mga ginoo, binibini at ginang. Pero sana po, wag niyo napo kameng tawagin sa iba pang pangalan. Natutuwa kame na tinanggap niyo kameng walo bilang inyong taga pagligtas.- wika ni peter