Chapter Three - This Cute Angel

110 6 9
                                    

 This chapter is ddcated to the amazing AngelValguna. Super thank you sa support. :D :D  Andito sa chapter na 'to si Bryle, gaya nung request mo. Sana magustuhan mo. Though hindi ako ang nagsulat nito kundi si AuthorT. Hope you'll be her fan too. This is her first chapter so please support her everyone!:D:D:D

 AuthorS

Chapter Three

So I left. Naiinis pa rin ako. Pero sa halip na ubanin ako sa kaiyamutan naghanap na lang ako ng ibang tao, just so I can buy the fruitcake na kanina pa hinihintay ng mga kaibigan ko. Luckily, wala akong nakitang multo--well, yung takot ko sa multo nabawasan ng konti kasi nakakilala na ako ng halimaw na mas higit na nakakatakot-- at may nurse akong napagtanungan kung saan ang cafeteria at ang daan papunta doon. Pero I consider myself malas pa rin. WHY?

Because one: ground floor pa ang cafeteria... tamad kaya ako..most of the times

Two: nakita ko pa ang gwapong engot na asungot na lalaking yun. Kuu! Pinag-iinit niya ang dugo ko!

Three: fruitcake is worth my allowance for three days... awww! Syempre. Private hospital ito. Mahal lahat....

Nabili ko na yung fruitcake na hopefully ay masarap. Dahil kung hindi, madidismaya lang talaga ako. Ang mahal kaya!

I'm on my way sa elevator ng may makita akong babae na sa sobrang dami ng dalang bags ay hindi na makita ang up button nung elevator. At since I'm so nice, nag-step up na ako at pinindot ko na iyon para sa kanya. Besides e talaga namang kailangan ko ring pindutin iyon. Pataas rin ako e.

"Ah, thank you," nakangiting sabi niya.

"Okay lang," ngumiti rin ako. Bumukas 'yung elevator. Pumasok kaming dalawa.

"Saang floor ka?" tanong ko.

"Tenth."

"Okay. Ako rin e." Pinindot ko 'yung button na may number ten.

Binaba niya 'yung mga dala niya. Buti naman. Nahihirapan ako para sa kanya e at tsaka I can barely see her face at nahihirapan akong makausap siya kasi nga ang dami niyang dala.

"Ako nga pala si Xandra," in-extend niya 'yung kamay niya sa akin at bahagyang ngumiti.

Woooahh! Ang ganda niya lang. Angelic face. Beautiful eyes and nice white skin. Pero weird ha? 'Yung mata niya it reminds me of someone else's. Hindi ko lang matukoy kung sino?

"Ah, Izzie.." inabot ko 'yung kamay niya.

"So sinong dinadalaw mo?"

"My friend. Ikaw?"

"My brother. He's pretty ill but he's too stubborn to admit it. Gosh! Sometimes I swear I can kill him on my own when he won't take up his medicines."

0_0? Napasarap ata sa kwento itong si Xandra. But it was evident na he loves his brother. Siguro kong si Kathleen, yung sister ko ang may sakit hindi rin ako papayag na hindi nito inumin ang gamot nito.

"So your friend, bakit siya nandito? Iniinom ba niya ang mga gamot niya?" tanong niya.

"Ah, meron siyang skin rashes.. at uh, yeah sa tingin ko naman iniinom niya ang mga gamot niya.."

"Oh.." hindi ko alam pero parang bigla ata siyang nalungkot? "Good for her."

Bumukas na iyong elevator. She began to pick up her stuff. Nang makita kong obviously ay nahihirapan siya I picked up two of her bags. Nagtatanong ang mga matang tumingin siya sa akin.

"Tulungan na kita," sabi ko. She smiled broadly. "Thank you. You're so nice."

Balak ko talagang ihatid siya sa tapat ng room na pupuntahan niya and apparently magkatabi iyong mga rooms nung brother niya at yung room ni Meanne. Ibinaba ko 'yung bags dun sa tapat ng pintuan nung kwarto.

A Breath of FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon