Chapter Five - How Awesome Is This?

53 4 2
                                    

Chapter Five

Sabado. Ang sabi sa akin ni Bryle 'nung nagkausap kami sa telepono. Hindi ko na daw kailangan ng interview o ano. Tanggap na raw ako. Dalhin ko na lang daw ang resume at bio data ko. Malakas daw kasi ang backer ko, siya. Ang kailangan ko lang daw ay pumunta sa address na binigay niya.

Block 2 no. 1 Green Woods Estate, South

Noong una wow. Saan 'to sa ibang bansa? O_O?

Pero sabi niya hindi naman daw, dun pa rin naman daw iyon sa Batangas. Sinabi niya sa akin kung ano ang pwede kong sakyan papunta dun. Sinunod ko lang siya at dito nga ako nakarating.

Ang laki nung itim na gate na may malaking sign na Green Woods Estate tapos sa tabi 'nun ay yung guard house. Lumapit ako dun. Ipinakita ko lang 'yung ID ko tapos sinabi kung bakit ako nandun. Pagkatapos tumawag sila dun sa bahay na sadya ko. Nang i-confirm dun na may inaasahan silang bisita ay pinapasok na ako.

WOW lang ang nasabi ko. Alam niyo 'yung pangarap ng lahat na tirahan? Eto na yun e! Eto na! Parang napasok ako sa ibang dimension. Hindi ako OA. Ganun lang talaga kaganda 'yung lugar. Malinis at maayos 'yung daan. Tapos may isa pang gate dun. Domicilio del Uno. Ang sabi nung guard kanina nandun daw iyong bahay na hinahanap ko. 

Ang lalaki nung mga bahay. Iba't iba ang style nila pero ang lalaki lahat. Ang yayaman siguro talaga ng nakatira dito. Hinanap ko na 'yung block 2. Tapos 'yung bahay na sadya ko. Number one? Nasaan?

Noon biglang tumunog ang cellphone ko. Si Bryle ang tumatawag.

"Hello Bryle?"

"Izzie hi! Nasaan ka na?"

"Actually nandito na ako sa subdivision. Sa block 2. Pero..uh.. hindi ko makita 'yung bahay na number one."

"Yeah. I figured you will have a hard time finding the house so I called. You're in block 2? Face the house in front of you."

Sinunod ko ang sinabi niya. Halos malula ako sa pagtingala sa bahay na nasa harap ko. Mediterranean inspired iyon. It was massive with the capital "M". Mataas ang kulay puting sementong bakod niyon so ang nakikita ko lang talaga ay iyong itim na bubong. Pero kahit iyon pa lang ang tanaw ko. Wow! Ito na ang dream house ko!

"Okay. What now?"

Tumawa ito. "Izzie that's it."

Her jaw dropped. "This is it?"

"Yes. That's the only house in block 2. Sakop niyan ang buong block."

O____________O

"No kidding!"

"Yeah, no kidding. Okay. As much I would want to talk to you I have to say bye. I just want you to be in the right house."

House? Mansion more like!

"Okay. Maraming salamat talaga Bryle. Promise ko sa'yo kapag sweldo ko ikaw ang una kong ililibre," nakangiting sabi ko.

Natawa ulit ito. "Awesome! I'm looking forward to that! Bye."

"Bye!" :D

Pagkatapos kong makipag-usap kay Bryle hinanap ko 'yung gate nung bahay. Naglakad pa ako ng fifty steps ata bago ko narating 'yung malaking black and rust gold gate. Napanisn niyo siguro na puro "malaki" yung adjective ko. E totoo namang malaki ang lahat sa subdidvision na ito e! Nanliliit na nga ako sa height kong 5'7.

Nag-door bell ako. Weird nga lang kasi wala akong nakitang gwardiya sa may gate. Walang sumagot sa door bell ko. Magdo-door bell ulit sana ako ng biglang may nagsalita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Breath of FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon