Chapter 4: Calyx Santiago <3

3 0 0
                                    

Quinn Light POV

NAUNANG bumaba si Dark sa sasakyan nang makarating kami sa UAHC. Oo nga pala, UAHC means University of Amherst Highschool and College. Pag-aari 'to ng mga Brennan. So meaning, it's Dark's own school. President dito si Granny, ang lolo ni Dark. Nakasanayan ko ng tawagin siyang Granny dahil para ko na din siyang Lolo. Iba siya pag nasa bahay at iba din sa school.

Kapag nasa campus kami, tinuturing niya kaming parang ordinaryong estudyante lang. No special treatment which is really good for us. Ayaw naming isipin ng mga students na porke't kamag-anak namin ang may-ari ng school e, gagawin na namin ang lahat ng gusto namin.

Anyways, this school has two campus. One for highschool and one for college students. Amherst ang pinangalan sa school dahil yun ang pangalan ng yumaong asawa ni Granny. Sayang nga e, hindi ko siya naabutan.  Namatay daw kasi ito dahil sa brain cancer.

"O to the M to the G! Andito na si Fafa Hayes!" Sigaw ng isang babae.

"Akin kana lang Hayes!"

"Hayes, panagutan mo ako!" WTF?!

Seriously? Sabagay, sa dami ng naka-one night stand ni Dark di malayong makabuntis siya. Magpapaparty talaga ako pag ganun. But knowing these girls? Hindi sila yung mga pinapatulan ni Dark kaya sure akong di nagalaw ni Dark iyan.

MAGKASABAY kaming pumasok ni Dark sa room. Umupo ako sa pinakalikuran. Tumabi naman sa'kin si Dark. Well, lagi naman ganyan e. Kung saan ako nakaupo, dun din siya. Maya maya pumasok na ang Professor yata namin.

"Good morning new fourth year students or should I call you Saint Scholastica. I'm your professor for the whole school year." Binigyan nga kami ng isang maamong ngiti. "Just call me Miss Chan."

Ang ganda ni Miss Chan. Tan ang kulay ng balat niya. Nakakainggit.

Bumulong ako kay Dark. "Ang ganda ni Miss Chan 'no?"

"Yeah."

"Okay, class. Alam kong maiinis kayo sa sasabihin ko dahil sa limang taon kong nagtuturo e, ayaw na ayaw niyong nagpapakilala sa harapan. But, I have no choice. I want to know all of you. So students, kindly intr—.

Naputol ang sasabihin ni Miss dahil may pumasok.

"Hi miss sorry I'm late." ani ng lalaking pumasok.

"OMG. Kaklase natin si Calyx!!! I can't believe this. Im gonna die! This section is amazing!

"Oo nga gurl! May Hayes na may Calyx pa. Ihhhhh!"

Loading...

Loading...

Loading...

Loading...

Calyx daw? Calyx. Calyx. Calyx.

HOLY SUPER MEGA STARFISH. SI CALYX? AS IN CALYX SANTIAGO?!

Nag-angat ako ng paningin at si Calyx nga! Si bebe calyx. Ohmygod! Lord, I love you na talaga. Magpapakabait na po ako.

"Sssshh! Quiet class! As i was saying. Introduce yourselves infront. Mister, ikaw na ang mauna." sabi ni Miss.

Naglakad papunta sa gitna si Calyx.

"Hi classmates. I'm Calyx Santiago. 18 years old. I hope we can all be friends." at binigyan nya kami ng isang pamatay na ngiti.

Ang pogi talaga niya!

"Okay lang ba kung more than friends? Hihihi." malanding sabi ng kaklase ko.

Hmp! Ang pangit niya. Isa siyang hipon! Hipon! Hipon! Akin lang si Calyx.

Nagkamot ng batok si Calyx na parang nahihiya. Ang cute niya. "Hindi pwede e. May iba kasi akong gusto." sabay tingin sakin...? Teka sakin nga ba?

At ano daw? May iba siyang gusto?! No fucking way! Kung sino man ang babaeng 'yun, isa siyang pangit na starfish!

"Okay class. Enough. Mr. Calyx, kindly take your seat beside the girl at the back." utos ni Miss.

At the back? Tumingin ako sa likod ko at nakita kong wala ng upuan dun. So ako yung girl?

AAAHHHH! I love you na talaga Miss Chan. Lagi akong magrerecite sa class mo. Mwah! Pumunta na si Calyx sa tabi ko at umupo.

So ito ang seating arrangement namin.

| Dark | Ako | Calyx | Bintana. 

"Hi. I'm Calyx. Nice to meet you." binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti.

Matagal ko ng alam ang pangalan mo. Isa kaya ako sa die hard fan mo! Gusto kong isigaw pero siyempre hindi ko sasabihin yun. May pride pa din ako 'no. At saka baka maturn-off siya sa 'akin. Magpapakilala na sana ako pero siniko ako ni Dark. Bwisit! Chance ko na 'yun e.

"WHAT?!"pabulong na sigaw ko.

Lumingon ako sakanya at nakita kong ang tatalim ng tingin niya sakin. Problema nito? Tsk.

"Ikaw na daw sabi ni Miss. Landi ka kasi ng landi e." then he rolled his eyes.

"Sorry ha? Nahiya talaga ako sa mga babae mo e." sarkastikong sabi ko.

Pumunta ako sa platform. I smiled sweetly.

"Good morning classmates! I'm Quinn Light Salvini. 17 years old. You can call me Quinn. I love Spongebob Squarepants." then I winked.

"Ang ganda naman niya. No wonder, bestfriend niya si Hayes."

"Mas maganda ako duhh! At mas bagay kami ni Hayes."

Ay ganon? Push mo yan ate. Saksak mo sa baga mo si Hayes. Leche 'tong hipon na 'to.

Bumalik na ako upuan ko pero inirapan ko muna si Dark. Tumayo naman siya dahil siya na ang susunod.

"Hayes Dark Brennan. 18." ayun lang at umupo na siya.

Nag-iimpit naman ng kilig ang mga kababaihan sa loob ng classroom namin. Psh! Ano ba nagustuhan nila dito? Ang sungit naman. Laging may PMS!

AFTER TEN MINUTES, natapos na din ang 'Introduce yourselves'. Nagpakopya ng mga Rules and Regulations si Miss Chan para daw iwas gulo sa classroom. Agad ko naman kinuha ang ballpen at notebook ko na may design ni Patrickstar.

"Ahmm. Quinn, right? Can i borrow some your extra pen? Nawalan kasi ng tinta yung ballpen ko e." sabi ni Calyx na parang nahihiya.

Agad naman akong tumango. "Yes! Yes! I mean oo naman. Hehe."

Basta na lang akong dumukot ng ballpen ko sa bag ko at ibinigay yun sakanya.

"Here." then I smiled.

Fuck. No! Yung ballpen na binigay ko sakanya! Lord, lamunin na po sana ako ng lupa ngayon. Please!

"Calyx Santiago? Really? Crush mo ako ' no?" he chuckled.

Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Lupa, lamunin mo na ako ngayon na! Pano ba naman kasi yung ballpen na binigay ko pala sakanya e, yun yung pinacustomize ko na ballpen na may pangalan niyang 'Calyx Santiago <3'.

Bwisit. Punyeta. Hayop. Leche.

"Hey, wag kang mahiya. Sanay na naman ako e." He laughed.

"Ah ganon pinagtatawanan mo ako? Hoy! Di porke't crush kita, hindi na kita papatulan! Hmp!"

Syempre kunyari lang na naiinis ako. When the reality is, hiyang-hiya na ako. Mag-gagalit galitan na lang ako. Diba? Diba?

"Hey! Sorry na. I didn't mean to offend you. Magpapanggap na lang ako na wala yung pangalan ko dito. Okay?" pacute na sabi niya.

Ihhh. Naman e! Wag kang ganyan Calyx! Kinikilig ako. HIhi.

"Kahit na, ganun pa rin 'yun. Alam mo na na crush kita." I pouted.

He just laughed.

Damn. Ang gwapo niya kapag tumatawa! Hindi na ako nagsalita at pinagpatuloy na lang ang pagsusulat ng may ngiti sa labi.

a/n: dark be like: hello andito pa ako! hahahaha.

Chasing Dreams (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon