Chapter 5: Disaster

1 0 0
                                    

Hayes Dark POV

Is this what they called jealous? Nagseselos ba ako kasi nakikita kong masayang nag-uusap si Light at Santiago? Kasi nag-tatawanan sila habang parang wala lang ako dito? Right. I'm jealous then. *sigh

"Kung andito kayo para maglandian pwes lumabas kayo, kanina ko pa naririnig yang mga tawanan niyo." walang buhay na sabi ko.

Lumingon si Light sa akin. "Ha? Ano yun?"

"Sabi ko, tigilan nyo ang paglalandian sa classroom."v

Wala e, sumabog na talaga ako. Alam kong magagalit siya sa'kin pero masisisi niya ba akong nagseselos ako? Alam kong wala akong karapatan pero hindi naman napipigilan yun e.

"Excuse me?! Naglalandian? Wow! Coming from you pa talaga." bakas ang sarkasmo sa boses nito.

"Is there any problem Mr. Brennan and Ms. Salvini?" biglang nagsalita si Miss Chan.

Lumingon ako sa harapan.

"Ahmm, wala po Miss, humihiram lang po ako ng ballpen kay Dark. Hehe." palusot ni Light.

Miss smiled. "Okay. By the way class, after 15 minutes pa yung recess niyo pero since first day pa lang naman, you may now take your recess and be back before the ring bells. Okay?"

"YESSSS!"

"AYUN! ANG BAIT TALAGA NI MISS."

"WOOOOH! MISS KO NA PAGKAIN SA CAFETERIA."

As usual, magdidiwang na naman ang mga kaklase ko. Nilingon ko ang katabi ko na nakikipag tawanan pa din kay Santiago. Siniko ko siya.

"Recess na daw."

"I know right. Anyway, mukhang di kita makakasabay ngayon i'll find my friends kasi." aniya

I frowned. Yun ba talaga o dahil kasabay niya kakain 'tong isdang to?

"If you're thinking na kasabay ko si Calyx. You're wrong, hahanapin ko talaga sila Zaley so magkita na lang tayo dito sa room, okay?" She smiled kaya napabuntong hininga na lang ako.

Isinukbit na niya ang hermes bag niya sa balikat niya at lumabas ng room. Wala sa sariling napalingon ako sa mga babaeng nasa gilid ko. Lumapit sila sa akin na parang bulating kinikilig. Aish! Girls and their attitude.

"Hi Hayes. Are you free tonight?" kagat labing sabi ng isang babae sa akin.

Tumayo lang ako at nilagpasan sila. Lumabas ako ng room at tumungong library. Matutulog na lang ako.

"It means yes ata yun girl! You na talaga."

"Hey Hayes! I'll wait you sa gate mamayang uwian!" rinig ko pang sabi nung babaeng nag-yaya sa'kin kanina.

Quinn Light POV

For the first time di ko kasama si Dark kumain sa cafeteria. I think some things will change now. Hindi din naman pwede yung lagi kaming magkadikit sa isa't isa diba? Haaayy! Nabo-bother naman ako, wala pa namang friends si Dark dito.

Dumako na akong canteen at ginala ang mga mata ko para hanapin sila Pen. Wala pang masyadong students, sabagay ang aga kaya naming nagrecess.

"L!" Someone shouted.

Ohh, mukhang kilala na iyang boses na yan ah. Nakakabingi, yung parang nakalunok ng microphone. And, sila Pen lang naman ang tumatawag sa akin ng 'L' e, tinamatad daw kasi sila sa Quinn or Light. Mga baliw talaga.

"Pen! Ano ba, you're so cheap. Wag ka ngang sumigaw. My god!" masungit slash maarteng sabi ni Zal.

Naglakad ako para salubungin sila.

Chasing Dreams (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon