Twice is enough but how about a chance, again?

29K 653 21
                                    

Lewis Tan as Kurt.

Typo errors are a lot.

Twice is enough but how about a chance, again?




"Axel, ang sakit.."

"Ate," Hinahaplos-haplos naman ni Axel ang likod ni Alice habang yakap-yakap ito. Isang linggo na kasi itong nagmumukmok sa loob ng bahay nila. Hindi kasi ito umuwi sa condo unit at 'dun muna umuwi sa bahay nila.

Sinumbong kasi ni Alice ang lahat ng nangyari sa kanilang dalawa ni Kurt. Araw-araw siyang umiiyak dahil nagpakatanga na naman siya sa lalake. Buti na lang talagay ay nandiyan ang nakakabata niyang kapatid na si Kier Axel na handang damayan siya.

"Ate Alice," Binigay naman ni Esme sa kanya ang isang basong tubig. Kasa-kasama rin kasi nila si Esmeralda na girlfriend ng kapatid niya. She really appreciated Esme's presence kasi kahit papaano ay napapatawa siya kapag nandito ito sa bahay. Esme was really bubbly.

"Axel, ang mga pinaghirapan ko, ang mga hotel, nasa kanya na. Napakatuso nila." Hinanakit niya rito. Ang sobrang sama ng loob niya. Ang mga hotel na pinaghirapan niyang itayo at pinalago ay napunta lang sa wala--sa walang kwentang tao. Kung alam lang niya na hindi siya lolokohin at gagamitin, hindi sana siya pumayag at nagsuggest na imemerge ang SLG hotel chains sa Star International.

"Ate, you should have let Kurt explain," Sabi naman ng kapatid niya sa kanya kaya napabitaw siya mula sa pagkakayakap dito. She was looking daggers at her younger brother, "Baka may iba naman siyang dahilan, his real own reason kung bakit ganun ang ginawa niya. I knew him, Ate. Mabait naman siya."

Inirapan niya ito, "Reason? Dalawang beses na niya akong niloko--na pumayag na naman siyang lokohin ako kung meron na namang umutos sa kanya o sumali na naman siya sa isang pustahan."

"Pinupuntahan ka niya rito lagi. Pero pinapaalis ko na lang kasi galit ka pa." Sabi pa nito sa kanya. Naiinis na naman siya. Kinakampihan ba ng kapatid niya ang lalake?

Halatang namang manloloko talaga. Once a jerk, always a jerk. Pero heto, nagpaloko na naman siya.

"Ayoko ng makita siya," She bitterly said, "Ayoko ng makita ang pagmumukha niya habang buhay." Kung pwede nga lang niyang ipadeport ito sa Pilipinas para hindi na niya ito masalamuha sa kahit saang lugar. O ipabalik sa China tutal may lahi naman itong Chinese. Kaya pala ito mapaglinlang kasi intsik.

"I lost everything I worked hard for because of that asshole," She gritted her teeth, "May kakilala ka bang mangkukulam, Axel? Ikaw, Esme? Kahit mambabarang meron ba?"

Bigla namang tumawa si Axel sa sinabi niya. Pati rin naman ang nobya nito ay natawa rin. Hindi niya tuloy maiwasang mainggit sa dalawa. Siya na tumatanda na, pinagdadamot pa rin ng magandang love life.

"Ate, don't stress yourself," Axel replied, still chuckling, "Kung totoo man ang panloloko niya sayo, bahala na ang karma. Saka you did not lost everything, we still have the other companies, the restaurants, the construction firm and the pharmaceutical. Saka hindi naman natin kailangan ng maraming pera e. I'm even fine if I would not inherit any of our companies. Malapit din naman akong gragraduate ng engineering, I can manage to have my own job "

Napangiti na lang siya sa sinabi ng kapatid. Hindi niya talaga kasi aakalain na babalik ito sa dati. Knowing that after her parents died ay naging bakla ito but she hired Esme to make him a man again--no--para ibalik sa dati ang kapatid niya and she succeeded at nagkadevelopan pa ang dalawa. She's really proud of his brother. Malaki kasi talaga ang ipinagbago nito.

Pero sa mga panloloko na ginawa ni Kurt sa kanya, mas mabuti na sigurong tumanda siyang dalaga.

"And we're here. Huwag ka ng malungkot. Bibigyan ka na lang namin ni Esme ng pamangkin para hindi ka mabored."

Chasing Alice (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon