Be civil, No personal issues

35.8K 821 28
                                    

(Pasensya na sa mga typo errors)

Be civil, No personal issues

 

 

Nakajacket na pumasok si Alice sa isang 24-hours na fastfood restaurant para kumain. Bigla kasi siyag nagutom habang gumagawa ng thesis niya sa condo niya kaya napag-isipan na muna niyang magsnacks sa fastfood restaurant na malapit lang sa condo.

 

Hindi masyadong matao sa resto. Sa tingin nga niya, mga dalawang tao lang ang kumakain. Of course, it was already past midnight. Pupunta na sana siya sa counter para umorder din nang mahagip ng tingin niya ang isang pamilyar na lalake na nasa isang table na malapit lang sa counter. Nakawaiter uniform ito tapos parang namumublema habang binibilang ang mga pera na nasa table nito.

 

Kinagat ni Kurt ang ibabang labi niya. Four thousand pesos lang ang nakuha niya sa sweldo niya bilang crew sa fastfood restaurant. Six thousand sana iyon kung hindi lang siya umabsent ng isang linggo para sa libing ng kapatid niya.

 

Five thousand pesos kasi ang kailangan niya. Yung three, ibabayad niya sa bill ng bahay nila tapos yung two naman, para sa isa pa niyang kapatid, si Eric. Kailangan kasi sila ang bumayad sa pagpunta nito sa Japan, napili kasi ang kapatid niya bilang representative ng school sa isang art contest. Yung pera kasi ng papa niya, naubos sa pagpapalibing ng bunsong kapatid niyang si Trixie. Kalilibing lang kasi nito last week kaya medyo hirap pa sila. Hindi rin kasi pwedeng magtrabaho ang Mama niya dahil sa sakit nito sa puso.

 

Huminga na lang siya ng malalim at ibinalik na sa pitaka niya ang pera. Maghahanap na lang siya ng ibang paraan para kumita. Hindi na kasi pwedeng humingi siya ng tulong ulit sa mga Torres, ang laki na ng utang na loob niya sa mga 'to at ayaw na niyang dagdagan iyon. Baka magmomodel na lang ulit siya. May kumukuha rin kasi sa kanya na magmodel ng isang produkto, brand man o local. Pero hindi rin naman ganun kalaki ang sweldo niya kasi part-time lang naman siya.

 

Tapos malapit na ang second semester. Naubos ang mga naipon niyang pera dahil sa operation ng nanay niya. May konting parte rin kasi siya sa bayad nito, hindi kasi siya pumayag na bayaran ng buo ng mga Torres ang operation kasi nahihiya siya. Sobra-sobra na rin kasi ang two-hundred-fifty thousand na naitulong nito. One-fifty lang yung sa kanya.

 

"K-Kurt de Vera?" Naiangat niya ang ulo niya nang may nagsalita. Kumunot ang noo niya. When did Alice Santillan came here and eat at a fastfood resto? He knew she was rich. Pinsan ito ni Nick Torres, so of course, mayaman din ang pamilya nito.

 

"Alice Santillan?" hindi niya makuha kung bakit nandito ito ngayon at kinakausap siya. Never in the million years na magpansinan sila ulit dahil sa insident 'nung naguidance siya. Tapos kung tama ang pagkaalala niya, pinagtawanan pa siya nito 'nung umiiyak siya dahil sa kapatid niya, thinking that it was his karma for being a womanizer.

 

She nodded and sat opposite to him. Umorder ito ng fries saka burger.

 

"Uhm, why are you here?" he asked. At sa table pa niya ito kumain. Baka mamaya, sasabihin na naman nitong bastos siya. But he really gonna admit, maganda  talaga ito. Simple and sexy.

 

"To eat, I guess?" obvious na sagot nito sa kanya.

 

Chasing Alice (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon