The Jerk

45.2K 932 23
                                    

The Jerk

 

 

"Anak! Si Mama mo!" natatarantang sabi ng ama ni Kurt nang makarating na siya sa bahay. Gabi na kasi siyang umuuwi nitong mga araw dahil sa pagmomodelling niya. It gave him an extra cash kaya naman he grabbed the opportunity to help his family. Daniel de Vera, his father being a college professor, didn't have enough salary to maintain their family alive.

 

"Bakit pa? Anong nangyari kay Mama?" pag-aalalang tanong niya. He knew his mother had a heart disease and thinking about that makes him hysterical too.

 

"Inatake na naman! Bilis, kailangan natin siyang dalhin sa ospital!" mabilis na tinungo ng mag-ama ang kwarto kung saan nakahiga ang walang malay na babae.

 

Mabilis na nilapitan ni Kurt ang walang malay na ina niya at kaagad kinarga ito. "Ma, hang on, please.."

 

Kaagad silang lumabas sa kwarto at papunta na sa may pintuan ng bahay nang may nagsalita.

 

"Kuya.. Saan kayo pupunta ni Papa?" biglang sumulpot ang dalawang nakakabata niyang kapatid na sina Eric at Trixie na halatang kakagising lang.

 

"Trixie, dito lang kayo ni Kuya Eric, Eric, bantayan mo si Trixie. Saka h'wag mong kalimutan yung gamot niya mamaya, ipainom mo." He commanded kaya naman tumango ang 13-year-old niyang kapatid na lalake na si Eric. May sakit kasi sa baga ang bunsong kapatid niyang si Trixie na 8 years old pa lang. Gaya rin ng Mama niya, may maintenance din ito para sa mga gamot.

 

---

 

"Kurt.. Ano.. Kulang yung pera ko para sa operation ng Mama mo.. Kasya lang kasi ang sweldo ko para sa bayarin ng bahay saka maintenance ng mga gamot ni Trixie at ng Mama mo.." nakayukong sabi ng Papa ni Kurt sa kanya matapos sabihin sa kanila ng doktor na kailangan ng immediate heart operation ang Mama niya para mabuhay. Four hundred thousand pesos ang kailangan para doon.

 

Kurt bit his lip. Ito ang kinakatakutan niya, ang wala silang pera para maipagamot ang mga mahal nila sa buhay. Hindi niya rin pwede sisihin ang Papa niya kasi ang sweldo nito, nauubos sa maintenance ng mga gamot ng kapatid at nanay niya. Marami na nga rin itong mga na-iloan dahil sa kanila.

 

 Kaya nga siya pumasok sa iba't-ibang mga trabaho—waiter, delivery boy at kahit modelling. Aminado kasi siyang may itsura siya kaya may kumukuha sa kanya na mga brand products na maging model siya. At doon na rin siya mismo kumukuha ng pambayad ng tuition fee niya sa college.

 

"May.. one hundred fifty thousand pa naman akong naisave sa banko Pa.. Pwede nating gamitin iyon." He suggested kahit alam niyang kulang pa rin iyon.

 

"Pero anak..Pambayad mo yung sa college mo.. H-hindi pwede.."

 

"Para sa inyo Pa, gagawin ko ang lahat.. Pero kulang pa rin.. Hahanap po ako ng paraan." He said firmly.

 

Chasing Alice (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon