Prologue

1.6K 53 4
                                    

7 years ago..

Meron akong bestfriend na manhid at na-inlove ako sa kan'ya. It's been 7 years na huli naming paguusap. Ang pinakahuli ay yung umamin ako sa kan'ya, after that. Wala na. And now, may sarili na kaming mga buhay. Balita ko, break na sila ni Penny. At..

Dumating ang araw na hindi ko inaasahan..

"Hindi mo ko noon pinatapos sa sasabihin ko, bestfriend. Yung nag-sorry ako." sabi niya.

Ngumiti ako ng pilit, "Bakit? Kapag ba hinayaan kitang tapusin yun, ano bang sasabihin mo? 'Diba si Penny pa rin ang mahal mo noon? At ikaw na nga ang maysabi na Bestfriend Love lang ang pagmamahal na binibigay mo para sa akin." sabi ko.

Hinawakan niya ako sa pisngi, "Oo, sinabi ko yun pero ang totoo talaga, mahal kita. That... I love you too, bestfriend. More than friends." sabi niya.

Napatingin ako sa kan'ya at nilapit niya ang kan'yang mukha sa akin. Hanggang sa naramdaman ko ang labi niya sa labi ko.

Ang hindi ko inaasahan, ang matagal ko ng hinihiling. Na sana mahal niya din ako at natupad iyon, pero hindi madali ang sitwasyon namin ngayon, lalo na't may boyfriend na ako.

Should I say I love you too, bestfriend?

I Love You Too, Bestfriend [A JaDine Fan Fic] [Short Story] #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon