III

714 38 8
                                    

G/N: Huhuhu! Bakit niyo inaaway si Evan? 😂. Inosente siya xD.

~*~

Stryx's Pov

Napatingin ako sa lalaking pumasok at nilapitan si Haylee. Kung hindi ako nagkakamali, siya yung first dance ni Haylee nung Junior Prom namin pati na rin Senior Prom. Nung Senior Prom namin, hindi ko siya nakasayaw dahil nga hindi niya na ako pinapansin at kinakausap. Ang tanga ko kasi.

"Stryx? Ikaw ba yan?" tanong nung lalaking katabi ni Haylee.

Magkaholding hands sila at fck sht! Masakit!

"Ah, yeah. Who are you?" tanong ko.

"Evan, dati mong kaklase? Kaklase ko kayo ni Haylee nung Junior and Senior tayo sa highschool." sabi ni Evan.

Tumango-tango ako. Triny kong tamaan yung gaze ni Haylee pero pilit niya itong iniiwas sa akin. Pakshet! 'Di naman nila kailangan magholding hands dito, eh! Putek!

"Mauna na ako, bye Haylee. Evan, ingatan mo yung bestfriend ko, ah?" sabi ko.

"Best....friend?" tanong ni Evan.

"Yeah, bye." sabi ko at kinuha ko yung phone ko at shades at pumunta na sa kotse ko. Nagseat belt na ako at nagdrive na pauwi sa bahay---kila Mama.

I need her advice, ang sakit ng puso ko!

~*~

Haylee's Pov

Inalalayan ako ni Evan pumasok sa shotgun seat at sumakay na rin siya sa driver's seat. Tahimik lang ang paligid at alam kong magtatanong siya. Alam kong marami siyang tatanungin. Hindi pa rin niya pinapaandar yung sasakyan, tahimik lang kaming dalawa.

"G--gutom ka na ba?" tanong niya.

"Nope." sabi ko.

"Si Stryx pala yung kasama mo sa photoshoot." sabi niya.

"Yeah, nagulat lang ako doon." sabi ko.

Ayokong kausapin niya muna ako kasi masyadong occupied na ang utak ko sa nangyayare. Putspa kasi si tadhana, eh! Pinagkita pa kami ni Stryx.

"Totoo nga yung sinabi ni Penny, 'no? Na modelo rin siya." sabi niya.

Tumango lang ako. Bakit ba ito ang pinaguusapan namin? Ugh!

"How's the shoot?" tanong niya.

Sumandal ako sa upuan at pinikit ko ang mata ko.

"It's nice, at nakakapagod." sabi ko.

Dinilat ko yung mga mata ko at tumingin sa kan'ya. Nginitian niya ako at hinaplos-haplos yung buhok ko.

"Halata ngang pagod ka, baby." sabi niya at binigyan ako ng smack kiss sa lips.

Nagdrive na siya at pinikit ko na lang ulit yung mga mata ko. Bakit ganun? Nung palapit ng palapit sa akin kanina si Stryx, ang bilis ng tibok ng puso ko? Bumabalik ba yung feelings ko para sa kan'ya? Ugh! Hindi pwede 'to! Ayoko nang masaktan pa at isa pa may boyfriend na ako, si Evan. Once is enough, ayoko nang masaktan ulit.

~*~

Stryx's Pov

Naabutan ko si Mama sa sala.

"Hi, Ma." sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Oh, anak? Natapos na ba yung photoshoot mo?" tanong ni Mama.

Tumango ako 'saka tumabi sa kan'ya.

"May problema ka ba, anak?" tanong ni Mama.

"Nagkita kami ni Haylee kanina." sabi ko.

Napatakip sa bibig si Mama, "Nagkita na kayo ng bestfriend mo? Anong nangyare? Kamusta na siya?" tanong ni Mama.

Ngumiti ako ng mapait, "May boyfriend na siya Mama." sabi ko at tumulo yung luha ko.

Fck sht! Ang bakla ko tignan. Kainis! Niyakap ako ni Mama.

"Nasa huli kasi ang pagsisisi, 'nak. Naka-decide na siya at nasaktan siya. Hayaan mo na lang siya maging masaya, sila ng boyfriend niya." sabi ni Mama.

"Paano naman ako Mama?" tanong ko, "Ang tagal kasi mag-sink in ng puso ko, eh. Nung una akala ko pagmamahal bilang kaibigan lang ang nararamdaman ko para sa kan'ya, hindi pala. Akala ko si Penny pa din ang mahal ko, yun pala si Haylee na, Mama."

Tinignan ako ni Mama, "Anak, kung mahal mo talaga siya, iparamdam mo sa kan'ya na mahal mo siya pero wala eh, may boyfriend na siya. Pero kung aakalain mong may feelings pa siya para sa'yo, iparamdam mo sa kan'ya na mahal mo siya. Na siya lang ang mahal mo at hindi bilang bestfriend, kundi higit pa doon." sabi ni Mama.

Tumango ako, "I will, Ma. Thank you." sabi ko.

"Pero anak, tandaan mo. Sobrang nasaktan si Haylee, 'wag mo na ulit siyang sasaktan." sabi ni Mama.


Yes..

To be continue..

~*~

G/N: Sino mas bet niyo? Si Stryx o si Evan?

Stryx pronounced as Strix

I Love You Too, Bestfriend [A JaDine Fan Fic] [Short Story] #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon