Nagsimula ang araw ko nang nalaman ko na late ang gising ko. Oo cliché na cliché. Gaya gaya sa wattpad stories. Paki niyo ba eh sa ganito ang gusto ng author. No choice me kailangan gawin para di niya ako sisantihin.
Shut up ka nalang.
Daniel Padilla ikaw ba yan?
Author dis.
Aw k.
Anong pinuputok ng butse mo?
Wala naman ah. Tinignan ko, wala ha.
Aw k.
Okay. Back to reality.
Napatingin ako sa naglalaway kong kapatid. Kaswerte ng babaeng 'to. Mamayang hapon pa ang klase nila. Langya.
"Titang! Ba't di niyo ako ginising?!" Sigaw ko mula sa CR. Naliligo ako at kabadong kabado na baka malate ko.
"Ay nako dear! Ginising kaya kita. Tulog na tulog pa you eh! Mukha kang sleeping beauty kanina tulo laway pa nga and I don't want to disturb your beauty sleep." Sabi ng niya.
Natapos ako sa wisik-wisik na pagligo at ofcourse dali-daling nagbihis. Naabutan ko pa siyang nagtutunaw ng kape. Ibinaba niya ang kutsarang ginamit at tinikman ang kape niya.
Tuloy naman ako sa paghahanda sa school. Feeling ko dinaig ko pa si The Flash. Pwede na kaya akong mag apply bilang si The Flash? Girl version pwede?
"Ay kulang ng sugar." Rinig kong kumento niya.
Pagkatapos ng limang subo na pagkain ko ay nagpaalam na ako upang umalis sa mundong ibabaw. Joke.
"Bye Titang!" Paalam ko at hinalikan ang left cheek niya. Kinuha ko na rin ang baong hinanda niya.
Pagkalabas ko ng bahay namin ay nakasalubong ko sa aming gate ang lalaking malaki ang katawan, nakasando at may bigote. Si Nestor "the great bwisitor".
Nag-iba agad ang mood ko. Napalitan ng pagkabushet. Ang aga-aga nagmumura ako.
Bad influence si Ana. Wag gayahin si Ana.
"Good morning Anastasya!" Ungol ng hayop. Ngumiti pa siya at nakita ko ang ngipin niyang yellow na yellow. Napaismid ako. Sa sobrang dilaw nito pwede mo na itong isangla sa pawnshop as gold.
"There's no good in my morning if that ridiculous face of yours greets me." Mariin kong sabi at padabog na naglakad sa kumpol ng tricycle malapit sa aming bahay. Narinig ko naman siyang nagtaka.
"Ano? Good morning tapos face? Ang gwapo ko talaga pang good sa morning ang face ko!" Pumasok na siya sa gate. Napaface palm ako sa sinabi niya.
Dadalawin na naman ng hayop na yun ang titang ko. Ilang beses na silang nagbreak dahil babaero yang mukhang kabayong yan feeling gwapo. Nagkakabalikan pa rin naman sila kasi sabi ng titang ko mahal daw talaga niya si Nestor pati na rin ang biceps nito. Lumalaklak ng steroids 'to, sureness.
Sumakay na ako ng tricycle para sa school.
Ang tita ko na ang nagpalaki sakin at ang tunay na pangalan niya ay Piolo. Yes, beki ang titang ko at ang tawag sa kanya sa amin ay Pia. Ang mommy nasa ibang bansa. OFW siya sa Qatar. Mahal na mahal ko si mommy at alam ko ang paghihirap niya mapaaral lang ako ng mabuti kaya I'm doing my best para maging successful.
Mahal na mahal ko rin naman ang titang ko kaya ayoko ang babaerong si Nestor para sa kanya. Mukha pa lang ni Nestor masasabi ko nang palagi siyang may masamang balak. In short, mukhang snatcher.
Pagbaba ko ng tricycle ay binigyan ko ng fifty pesos ang driver. Kumulo ang dugo ko nang ang bagal niyang magbilang ng sukli.
"...10..11..12..13..14..15.." Mabagal na bilang niya sa mga tig-pipisong barya. Kinarer talaga ang "barya lang phowzxs sa umaga" na nasa loob ng tricycle niya. Jejemon malamang ang nagdikit nito. Nagpapakalat ng lahi nila. Galeng nila.
BINABASA MO ANG
Chances With Fate
Teen FictionHe's on the top. He's the number one student. He's the best. She's one step behind him. She's always the second student. Always the second best. An encounter with some people will eventually make them work together. Can they do their best to make e...