Ipinikit ko ang aking mata sa paglampas ng hangin sa akin. Ito na, my most awaited part. Dahan-dahan kong itinaas sa magkabilang gilid ang aking mga kamay at inamoy ang aking kilikili. Joke. Nilalanghap ko lang naman ang sariwang hangin sa paligid. Siguro pati utot ng mga kapwa ko estudyante ay nasimhot ko na rin. May mabaho eh. Nag fefeling San Cai ako ng Meteor Garden na nasa rooftop ng isang building. Bakit kaya sa isang highschool story eh palagi nalang paboritong lugar ng bida ang rooftop?
Naistorbo ang pagpapantasya ko sa dream guys ko like Mario Maurer, Dylan O'brien at Coco Martin nang biglang bumukas ang gate ng rooftop.
"Ms.President!" Nakita ko ang co-officer kong si Shawn slash bestfriend for life kasi nga may forever. Ewan ko nalang sa mga na bestfriend zone dyan! Natamaan ka 'no?
"Okay. Breathe in, breathe out!" Bakit ba hingil na hingal 'to? May ginawa ba siyang nakakahingal like nakakapagod na bagay? Ah siguro tumakbo ito.
"Nandito ka lang pala! Pinaghahanap kita sa buong campus!" Singhal niya ng nakapamewang. Teka, nasabi ko bang hanapin niya ako incase na mawala cuteness ko sa paningin niya? Hindi naman ah.
"May gulo na naman ba?" Tinaas ko ang kaliwang kilay ko. Pamaldita effect para ibigin. Haha! Okay. Korni. Parang dejavu ang nangyayari ngayon. Last month ganitong-ganito rin ang scene except dun sa part na nahimatay si Shawn. Langya nagalit ba naman sa akin nang sinampal ko siya. No choice ako kasi kailangan siyang gisingin.
"May nag aaway na dalawang babae sa baba! Walang maka-awat sa kanila! Please awatin mo sila." Omg bakit ba ako naging peace keeper sa school na 'to eh ang role ko president!
"Hmmm. Pag-iisipan ko." Nakakastress kayang responsibility yan. Tinalikuran ko siya at finefeel ang hangin.
"Ana!" Sigaw niya sa akin. Gusto kong tumawa sa itsura niya ngayon na mukhang natatae! Gusto kong umirap dahil kahit na parang natatae siya eh ang ganda niya pa rin. Che! Cuteness overload naman ako.
"Pinagtitripan lang naman kita!" Pagkatapos tumawa ako ng malakas. Oh my gosh! Priceless ng mukha niya. In return sinamaan lang niya ako ng tingin.
"Okay sorry bes. Pupunta na ako doon ha!" Sabi ko at kinindatan sya.
"Dali! Bilisan mo." Sagot niya at pinagtulakan ako sa hagdan. Langya ‘to muntik na akong masubsob.
"Dito lang ako. Pinagod mo ako sa kakahanap sayo kanina." Dagdag niya. Ngumiwi lang ako.
"Hoy kaunting sakit lang ha." Paalala niya. Nagsmirk ako sa kanya.
Patay kayong mga babae kayo.
Nagtungo ako sa lugar kung saan maingay dahil sure akong doon may nag aaway. Palapit ng palapit na. Tinaas ko ang sleeves ng aking uniform at huminga ng malalim.
"Si Ms.President!" Sigaw ng nakapansing estudyante sa akin. Hanep may announcer. Lumingon lahat ng nakapaligid sa dalawang babaeng nag-aaway sa direksyon ko at nagsialisan sila sa daraanan ko. Nafefeel niyo ba? Kasi ako, feel na feel ko ang pagiging reyna! Charot.
"Walangya ka! Sinadya mo talagang tapunan ako ng juice kanina 'no?!" Panggigigil ng babaeng nakakapit sa buhok nung isa.
"Crazy. You're just hallucinating. Nakadrink ka ba ng drugs ha?!" Sagot nung isang pang babae. Taray ni girl ang conyo. Well, let's see kung makakapag conyo ka later.
"Excuse me." Bored kong sabi.
Aba’y hindi nila ako napansin at tuloy parin sila sa pagsasabunutan. Tinignan ko lang ang dalawa na nagpang-abot na sa sahig. Nagkakalmutan pa. Kung bigyan ko kaya sila ng pusa isa-isa?! Para naman di masayang effort nila sa pagkalmot.
BINABASA MO ANG
Chances With Fate
Roman pour AdolescentsHe's on the top. He's the number one student. He's the best. She's one step behind him. She's always the second student. Always the second best. An encounter with some people will eventually make them work together. Can they do their best to make e...