Encounter 4

0 0 0
                                        

Napabalik ang tingin ko sa likod kung saan papalapit si Camille sa kanya. Magkakilala pala sila? Hindi ko knowings. Sa apat na taong pagiging enemies namin ni Troy ay hindi ko pa sila nakitang mag-usap. Not that I'm always looking at him pero sa pagkakaalam ko lang.

Nagmadali akong bumaba nang napatingin si Troy sa akin.

Hala! Baka isipin nun chismosa ako! Langya.

"Ms.President!"

O baka naman isipin niya na may gusto ako sa kanya kaya ako tumingin sa kanila at nagseselos ako. Ew. Ganun kasi napapanood ko sa--

"Ana!"

mga korean novela. Parang ganung scene.

"Anastasia Bermudez!"

Nagulat ako nang iniharap ako ni-- sino nga ba 'to? Teka, hinahanap pa ng utak ko kung anong pangalan ng lalaking light brown ang mata na nakatingin sa akin. Ting!

"Bryan!" Napaturo ako sakanya. Naalala ko rin ang pangalan niya. Yehey!

"Kanina pa kita tinatawag. Hindi ka lumilingon. May problema ka ba sa tenga mo?" Tanong niya ma may hindi makapaniwala look. Hindi pa kapanipaniwala na ang isang cute na gaya ko ay may problema rin? Charot.

"Wala 'no. Marami kaming cotton buds sa bahay kaya nalilinis ko tenga ko. Bakit ba?" Pero tingin ko rin isang linggo na akong di nakakapaglinis.

"Itour mo ako sa campus." Isinukbit niya ang kanang kamay niya sa kaliwang kamay ko.

"Okay ka lang? Ang init. Init. Init!" Ang init naman talaga. Biruin mo gusto niyang itour ko siya sa 12:30 ng hapon! Tinanggal ko naman ang kamay niyang nakasukbit. Feeling close talaga.

"May payong ako." Ngumiti siya na wari nagtagumpay na. So what if may payong siya--

"Payong? Ba't may payong ka? Bakla ka ba? Hindi nagdadala ng payong ang mga lalaking kakilala ko." Sabi ko. Babae naman kasi parati ang nagdadala nun sa school. Hindi ko maatim na-- okay aaminin kong gwapo siya at malakas ang charms-- ay masasali sa pederasyon! Tsk.

"Hindi lang para sa mga babae ang payong Ana." Tinaas baba niya ang kanyang mga kilay. K.

Itinanong ko kung bakit ako pa ang magto-tour sakanya. Ang sagot niya kasi raw busy yung pinsan niya so ako ang pinuputakte niya ngayon. Pumunta kami sa car niya para kunin ang payong. Pagkakita ko sa itsura ng payong niya di ko na mapigilan ang tumawa.

He looked at me with confusion. Naconfuse pa siya. Pagkakalma ko sa sarili ko ay lumapit ako sa kanya. Sayang talaga siya.

"Umamin ka nga sa akin. Bakla ka 'no?" Hininaan ko ang boses ko.

"Huh? Hindi nga ako bakla. Sabi ko di ba hindi lang babae ang pwedeng gumamit ng payong."

"Weh? Paano mo ee-explain ang color pink with butterflies mong payong?" Pinaningkitan ko siya ng mata. May point siya nung una pero ngayon pink with butterflies na payong ay sure akong pambabae.

"This is my sister's."

"Ows. Paliwanag mo. Hindi masama magladlad Bryan." Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil. Lumaki ang mata niya sa ginawa ko. "Sa panahon ngayon marami na ang tumatanggap sa inyo." Ngumiti ako sa kanya for encouragement. Tingin ko kailangan lang niya ng konting push at understanding. Parang may nalaman akong top secret.

Seryoso siyang nakatingin sa akin. Kinuha niya ang kamay'ng hinahawakan ko. Bigla niyang pinisil ang pisngi ko gamit ang kamay na yun. Napadaing ako sa tindi ng pagkakapisil niya.

"Hoy. Ar-aay! Iti--gil mo nga y-an." Saway ko. Pinalo ko ang kamay niya pero hindi pa rin niya inaalis. Langya. Ang sakit!

"Ang cute cute cute mo kasi!" Tumawa niyang inalis ang kamay pero lumanding naman ito sa taas ng ulo ko at ginulo pa niya ang buhok ko. Napasimangot naman ako sa ginawa niya. Iniisip ko na mas nagiging cute ako sa pagsimangot. Joke.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chances With FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon