"Hello." Sagot ko sa kanya."Hoy ana magkakilala pala kayo?" Bumulong si Bianca sa akin. Nagbigay naman ako ng pilit na ngiti. Again, parang nababali na ang aking cheek muscles. Meron ba nun?
"Be good with him class ha? Sorry ako pa ang nag-introduce sa kanya sa inyo. Dapat si Sir Ardinal, your class advisor, ang gumawa nito eh. Pero he has a seminar to attend kaya wala siya ngayon." Sabi ni Maam. Alam na namin yan maam wag mo nang ulit-ulitin pa. Hindi kami lady gaga.
"Babalik din siya bukas." Dagdag niya. Nabuhayan naman ng loob ang mga classmates ko. Ang ilan ay humiyaw pa. Ang paplastic nila, eh alam naman nilang babalik si sir bukas eh.
"You may sit hijo." Sabi niya kay Bryan na kanina lang nakapamulsa. Bakit ba ang hilig ng mga lalaki ng nakapamulsa? May tinatago sa sila sa bulsa nila? Granada o dragon balls?
Ngumiti naman siya ng pagkalaki-laki at tumabi sakin. Nagulat ang ilan sa ginawa niya. Kahit ako.
"Ah Bryan, may nakaupo kasi diyan. Nasa CR baka nagwewi lang." Explain ni Bianca.
Tumayo naman kaagad si Bryan at nagsorry.
"Sorry! Akala ko wala eh." Napakamot siya ng ulo.
Tanga din 'to. Hindi ba niya nakita na may bag sa armchair? Vuvu much.
"Maam, pwede po bang sa tabi nalang ako ni Anastasia?" Sabi niya. Kumunot naman ang noo ko. Feeling close mo masyado.
"Ka-kasi po, siya lang ang kakilala ko dito eh." Ngumiti siya ng mala-closeup na ngiti. Nagpacute pa sa guro.
"Ahmm pwede naman, kung papayag si Charmaine." Sabi ni Maam. Halaka! Nadala sa charms si maam! Isusumbong ko 'to sa asawa niya. Hintayin niya lang.
Ngumiwi naman ako sa pangyayari sakto namang kakalabas lang ni Charmaine sa CR at tsaka nagtaka kung bakit nakatingin kaming lahat sa kanya.
"Charmaine di ba?" Sabi ni Bryan kay Charmaine with matching smiley eyes. Nagulat naman ang babae at namula. May pa blush blush pa siya.
"Yeah."
"Pwede bang ako na lang ang umupo dito? Transferee kasi ako and si Anastasia lang ang kakilala ko." Mapanuyo niyang sinabihan si Charmaine. Ang isa naman parang natulala na. Kailangan ko pa siyang sipain para bumalik sa earth.
"Uhm sure!" Kinuha agad ni Charmaine ang mga gamit niya at lumipat sa upuan na walang nakaupo.
Halos umirap nalang ako sa kawalan. Ang mga lalaki talaga ginagamit ang charms para makuha ang gusto. Pero kapag ginamitan naman ako ng charms ni Enrique Gil ay ibibigay ko pa sa kanya ang kamay at paa ko. Char.
Ang swerte ko naman. Tsk.
Buong recess namin tinatanong siya ng mga kaklase ko. Syempre akong si usisera nakinig naman. Aba'y masarap kaya pakinggan ang kwento ng kapwa mo. Meron kang mapupulot, malalangoy, at masusungkit na aral.
Dito raw talaga siya dapat nag-aaral simula noong grumaduate siyang with flying colors sa school niya. Ang kaso, may naging complications sa pag enroll niya kaya ngayong grade 10 lang siya nakapasok.
"Bakit ngayon ka lang nakapasok dito after 3 years?" Pagsingit ko sa pagkukwento niya.
Ang daldal niya ang sarap ishoot ng eraser sa bunganga. Langya.
"Ah! Kasi ngayon ko lang gustong mag aral dito!" Tumatango pa siya.
"Mabuti naman at tinanggap ka ng principal." Sang-ayon ko. Itinuon ko ulit ang atensyon ko sa paglalaro ng candy crush. Sayang. 2 matches na lang sana. Tsk.
BINABASA MO ANG
Chances With Fate
Fiksi RemajaHe's on the top. He's the number one student. He's the best. She's one step behind him. She's always the second student. Always the second best. An encounter with some people will eventually make them work together. Can they do their best to make e...