hi guys! soo eto na! diba sabi ko kahapon matra-TRY ako?? soo eto na try ko.. and @daretoplaymaygame, oh.. etoh na atey! haha.. LOLS.. dedicated din sayo.. kasi sayo ako nagpramis! thank you sa support ha.. ;)) alam niyo bang ginawan niya ko ng ala-cover sa story ko? haha.. thank you talaga!! just click on the external link guys! at makikita niyo ang art ni @daretoplaymygame! thank you! thank you! :***
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KAYLA’s POV
Nandito na nga pala kami sa maynila..
Pero.. san ako titira?
“ahh.. ser, san nga po pala ako titira?” tinanggal niya naman ang eye mask niya..
“tinatanong pa ba yan?? Tss.. syempre sa bahay namin” sabi niya.. ahhh.. wait! Sa bahay nila?! Yey!! Hahahahaha! Ang saya ko!! Kasama ko na sa iisang bahay ang ultimate crush ko!! Whoo!! Ako na ako na swerte!
Bumaba na kami ng kotse..
WOW! *u* ang laki ng bahay ni bossing! XD grabe!
Pumasok na kami sa loob..
May mga maids na nagassist kay ser..
Syempre ako hindi isa kaya ako sa nagassist.. XD
Pinasok ko na sa kwarto niya ang gamit niya.. yung mga gamit ko bitbit ko parin >___< ang bigat!
Lahat color blue sa kwarto niya! Pati kama tsaka curtains!
Parehas pala kami ng favourite color! :’’>
Pinababa na ko ni ser.. ililigpit ko pa kasi tong mga gamit ko eh..
“ay, ija halika dito.. dito ang kwarto mo” sabi sakin ng isang maid.. hindi pa naman siya ganun ka tanda mga 20-30 yrs.old
Nakarating na kami sa kwarto ko.. maliit lang siya pero.. carry! Haha..
Nagbihis na ko tapos pumunta sa may kusina.. wala makikiusyoso lang.. XD
“ayy, basta! Sakin 1 month!” hmm? Anong pinaguusapan nila??
Nagtago muna ako.. papakinggan ko muna ang pinaguusapan nila..
“ako naman 3 weeks” 3 weeks??
“nako! Bahala kayo basta ako.. 1 week!” boses lalaki yung isa..
“ahh.. ano po bang pinaguusapan niyo??” tinanong ko sila.. lumabas na ko sa pinagtataguan ko..
Dalawang babae pala ang maid ni bossing tapos isang lalake.. driver niya siguro..
“ahhh.. ehh.. ikaw.. ikaw ang pinaguusapan namin” sabi nung isang maid na medyo mataba XD
Binatukan naman siya nung isang maid na sobrang haba yung buhok.. tapos payat XD
“ano kaba! Pero since sinabi niya na.. sige..ikaw ang pinaguusapan namin.. nagpupustahan kasi kami eh..” sabi niya… huh?
“pustahan?? Ako??” tumango silang lahat..
“kasi pinagpupustahan namin kung ilang araw o ilang buwan ka magtatagal kay ser” paliwanag nung isang mataba
“sige.. sasali ako sa pustahan niyo.. ang akin.. 10 months!” yun kasi yung pinirmahan kong kontrata eh.. 10 months.. eksaktong 10 months na may klase… pagkatapos graduate na ko ng college, maghahanap ako ng magandang trabaho tapos kapag mayaman na ko hindi ko na kailangang maging PA lang ni bossing.. magiging kami na! =) ang saya noh?? Syempre wala namang pangarap na malungkot diba?? XD