Chapter I

12 0 0
                                    


Chapter I

~The Beginning of Everything
It's been four years simula nang magkagusto ako kay Michael. Dito mismo sa lugar na ito. Dito ko siya unang nakita bilang my knight in shining armor. Dito ko siya nagustuhan.

4 years ago...

Today is my first day of being Freshman College. This is also my first time being alone in this university. Without my brother, how can I found my respective room? Of course, it's free to ask!

Lumapit ako sa dalawang nursing student. Obviously, pang nursing student ang uniform nila. "Uhm, excuse me po, san po ba ang building ng room na 'to?" Pinakita ko sa kanila ang pirasong papel na hawak ko kung saan nakasulat ang classroom ko.

Saglit silang nag-isip at nagka-tinginan. Humarap sa akin si ateng matangkad, "Freshman ka no? Dun ata 'to sa may 3rd gate. Medyo malayo pa ang lalakarin mo." Sabi niya sa akin. Nagpipigil naman ng tawa yung kasama niya. Si ate na mukang nakalimutan magsipilyo. Pwede namang tumawa ng malakas. Psh.

"Ah. Ganun po ba? Sige po. Magtatanong na lang din po ako sa iba. Salamat po." Nang makapagtanong na ako kung paano magpunta sa 3rd gate, naglakad na ulit ako. Sad to say, hindi din alam nung guard sa 3rd gate ang classroom ko.

Hayyyyyy. Kanina pa ko lakad ng lakad. Kaninang 7 am pa ko dito sa school. 8:30 na pero di ko pa din nakikita yung classroom ko. Napatigil ako sa paglalakad ng biglang umulan.

"Aish. Pambihira naman oh! Hindi ko pa naman nadala yung payong ko." Nagsisimula nang maglabas ng payong ang mga estudyanteng nakakasalubong ko. Samantalang ako, tumatakbo habang tinatakpan ang ulo ko gamit ang dalawang kamay ko.

Huminto ako ng hingalin ako. Talaga nga namang nananadya ang kalikasan. Paghinto ko ay siya namang paglakas ng ulan. Nakagat ko ang labi ko sa sobrang inis. Makikisama na sana ang mga mata ko sa panahon ng maramdaman kong hindi na pumapatak ang ulan sa akin.

May lalaki akong katabi ngayon at pinapayungan niya ko. Napakunot ang noo ko. "Sino ka!?"

"Michael is the name. Ayaw mo naman sigurong magkasakit diba? Nakangiting sabi niya. Tumango ako. Psh. Wala naman sigurong may gusto na magkasakit sila diba? Napatingin siya sa id lace ko. Tiningnan niya rin ako from head to foot.

"Freshman ka no? And I'm 100% sure na hindi mo Makita ang classroom mo, right?" Tumango ulit ako. "What room then?" Binigay ko sa kaniya yung papel na hawak ko kanina. Medyo lukot na nga lang. Tiningnan niya saglit yung papel at tumingala na para bang nag-iisip. Nagulat ako ng bigla niya akong akbayan at nagsimula ng maglakad.

"T-teka, saan mo ako dadalin!?" Nilagay niya sa kamay ko yung papel at naglakad na ulit.

"Wala kang payong diba? Ituturo ko sayo yung classroom mo. Sabi niya ng hindi tumitingin pero nakangiti. "Ito, building ng mga engineering students. Ito naman Education building. Ito sa mga nursing students. Napahinto ako ng marinig ko yun. Tinanong naman niya ako kung bakit.

"Nanggaling na ako dito kanina." Malungkot na sabi ko.

"Trust me. Malapit na tayo." He smiled so we started walking again.

Naglakad kami papunta sa likod ng College of Nursing. Na-realize ko na ito yung building na nakasulat sa papel. May sinasabi si Michael pero hindi ko siya naiintindihan dahil naalala ko yung ginawa nung dalawang nursing student.

Ang layo ng tinuro nila sa akin tapos dito lang pala sa likod ng building nila yung hinahanap ko! Naku, naku! Kapag nakita ko sila ulit...

Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako. Dun ko lang din napansin si Michael. "Hey, you okay? Kanina pa kita kinakausap."

"Yeah. I'm okay. Ano ulit yun?" pinunasan ko yung luha ko.

"Sabi ko, ayun na yung room mo oh." Turo niya sa isang classroom. "Mukhang nagka-klase na sila."

"Yeah. Salamat Michael!" Tumalikod na ko at nagsimulang maglakad papunta sa room ko. Nakaka ilang hakbang pa lang ako pero may humatak sa akin. Si Michael.

"Uh. Uhm, I'm also asking for your name earlier. It seems that you haven't heard me." Kakamot-kamot siya sa ulo habang sinasabi ito. I don't know why, pero nung mga panahong yun, para siyang kumikinang. I was stunned. He looked gorgeous. I went back to my senses when he poked my nose.
"So, you are?"

"I'm yours. Ah. I mean, Dea! I'm Dea." I went inside the room without looking back. Gosh. My heart. It's pounding."

The Girl Who Cried WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon