Chapter IV

10 0 0
                                    

           

Chapter IV

Alyn's POV

Habang nagmamaeho si Michael ay iniisip ko pa din kung bakit pumayag siya. Eh hindi naman niya ako kilala. Sigurado ako dun. Tama kayo. Kilala ko siya pero hindi niya ako kilala. Sounds weird, right?

Tiningnan ko siya. Wala siyang reaksyon. Seryoso lang siya habang nagmamaneho. Nabigla ako nung lumingon siya at bigyan ako ng "what's-the-matter look". Umiling na lang ako at ibinalik na ang tingin sa daan. I wonder kung anong naiisip ni Michael ngayon.

I frowned my face nung mag park siya. "Di tayo mag drive-thru?" Dismayadong tanong ko.

"No. We're not. I have a lot of things to ask you so we are dining in."

"Teka, alam kong pagod ka. Di naman natin kailangang mag dine-in. I know you need some rest."

"Alyn, right?" Tumango ako. "Alright Alyn, you know I'm tired so you need not to argue with me. First, you barged inside my car and frightened me. Second, you bothered me to go to a fast food chain. Third, I already brought you here. Fourth, if you want to pay some respect, answer all my questions. Later while we are eating. Okay?"

Napanganga ako sa haba ng sinabi niya. Hmm. Tama naman siya. Dapat lang na ako mismo ang mahiya dahil ako yung nang abala sa kanya. So pumayag na ko.

"Sorry Michael." Nag puppy eyes pa ako sa harap niya. Nakita ko namang nagulat siya dahil lumaki yung mata niya. Pati yung butas ng ilong niya! Hahaha! Gusto kong matawa kaso baka mag speech na naman ng mahaba si Michael eh. "Kain na tayo?" Naka ngiting sabi ko.

Hinila ko si Michael at pina upo ko siya sa lamesang table for two. "Pagod ka diba? Just sit back and relax! I'll order for the two of us." Masayang sabi ko. Maglalakad na sana ako palayo pero hinila niya yung kamay ko. "No. You sit. I order." Hinawakan niya ako sa dalawang balikat at iniupo sa upuan. "Stay there." Tinanguan ko na lang siya.

After a few minutes dala na niya yung tray na may lamang pagkain. Isang tray lang ang dala niya pero siksikan dun yung mga pagkain. Hahaha. Kinawayan ko siya para makita niya ko. Binaba niya yung tray at sinimulang ilapag sa table yung mga pagkain. Pagkaupo niya, that was when I realized na chicken McDo with rice, regular coke, regular fries at sundae yung akin. Tapos yung kanya, Aloha Champ, Mc Flurry, Chicken fillet at large fries yung kanya.

"Kainan na!!!" Si Michael yan. Nagsimula na siyang kumain kaya kumain na din ako. Napansin siguro niya na parang hindi ko naman ginagalaw yung pagkain ko. "Oh. Bakit hindi ka pa kumakain? May problema ba?" Umiling ako at sinimulang himayin yung chicken at sinubo yun. "Tell me, what's wrong? Ayaw mo ba ng inorder ko para sayo?" Grabe. Hindi naman sa ayaw. Pero kasi...

"Hindi naman sa ayaw ko pero kasi... ewan ko ba. Nagkataon lang siguro na yung mga inorder mo ang gusto ko." Malungkot na sabi ko. Nakita ko siya na napahinto sa pagkagat nung champ. Napayuko ako kasi natatakam ako dun sa kinakain niya. Tatayo na sana siya pero pinigilan ko siya. "Oh, san ka pupunta?" Takang tanong ko sa kanya. "Uhm. Oorder ulit?"

"Naku, hindi na kailangan. Okay na to. Kakain na ko." Paninigurado ko sa kanya. "No. I insist. Di naman ako makaka kain ng maayos niyan kung alam kong hindi nasisiyahan yung kasama ko sa kinakain niya no." Natatawang sabi niya. Binigyan ko siya ng tiger look.

"Sino ba nagsabing hindi ako nasisiyahan sa kakainin ko? Bahala ka kapag bumili ka, aalis ako. Kahit ito hindi ko kakainin." Sabi ko sa kanya habang nakapamewang. Bigla naman siyang sumeryoso, kaya naman nagsimula na akong kumain.

Nagulat ako nung hatiin ni Michael yung champ at ilagay yun sa plato ko. Lalo naman akong nagulat nung pagsamahin niya sa isang plate yung fries namin. At ipinalit niya yung Mc Flurry niya sa sundae ko!

"O ayan, okay na? Share na lang tayo para hindi nakabusangot yang mukha mo. Hahaha!" Tumatawang sabi niya. Grabe guys! Ang macho niya tumawa! Lalaking lalaki ang dating! So, dahil nga dun, ginanahan na akong kumain. Kasi masarap at madami na akong pagkain.

Habang kumakain...


























A/N: Hello sayo na nagbabasa ng story ko :) Thank you sa paghintay ng update hahaha. Tagal ko tong hindi inupdate dahil busy sa school. Anyway, kwento ko kung bakit meron ulit update. :)

I was using my laptop nung may nakita akong weird na file. Tas nung binuksan ko nakalagay, chapter IV. Sabi ko, mukhang part to ng isang story ah. So binasa ko. Habang nagbabasa ako kinikilig ako. Hahahah lol. Tas naalala ko na ako pala may gawa ng story na yun. Kaya naisipan kong ipost. June 23 last year pa pala naman kasi huli kong update. hahaha

anyway ulit, encourage niyo ako ituloy yung story and i promise i'll make time para sa update :) Salamaaaaaaaat! Kamsahamnida! ^_^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Girl Who Cried WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon