Chapter III
~ Quite somehow
Michael's POV
Hayyy. Sa wakas makakauwi na din ako. It's been a long and tiring day. I've been doing this routine for 6 months pero ngayon pa lang ako nasasanay. Gigising, pupunta ng university, magtuturo, uuwi, gagawa ng lesson plan, matutulog, then repeat the cycle.
Naglalakad na ako papunta ng parking lot. I opened the door at the back seat para ilagay doon ang mga dala kong gamit. I then seated at the driver's seat.
"Hi Michael!"
"Hi." Wala sa isip na sagot ko.
"Sobrang pagod ka no? Hindi ka dapat nagpapagod masyado, papangit ka niyan eh! Massage kita, gusto mo?"
"Please." Wala pa din sa isip ko ang pag sagot. Ganito ata talaga kapag sobrang pagod, kung ano ano ang naririning at kung ano ano ang sinasabi. Tsk. Pati ba pakiramdam na parang may lumapalapit sayo, nararamdaman din ba ng lahat ng napapagod?
Naisiksik ko ang sarili ko sa pintuan nang makita ko ang isang mala anghel na babae. Pero kahit na maganda siya, hindi yun ang mahalaga ngayon!
"Aaaaah! Sino ka!? Anong ginagawa mo dito? Pano ka nakapasok ng kotse ko!? Magnanakaw ka no! Aaaaah! Magnanakaw! Magnanakaw!!!!!" Sigaw ko sa babaeng nasa loob ng sasakyan ko.
"Ano ba yan, crush pa naman sana kita! Kaso mas malakas ka pang tumili kaysa sa akin!" Sabi nung babaeng mala anghel. Nagagawa pa niyang magbiro sa lagay na yan ah!
"Tsaka, grabe ka ah! Ganda kong to para maging magnanakaw lang no! Tss." Well, totoo naman. May point siya, but no. She need to get out of my car!
"Sino ka ba kasi?" Sigaw ko sa kanya.
"Alyn is the name!" Sabi niya habang nagpapa cute. "Magpapadaan sana ako sa McDo. Nagugutom na kasi ako eh. 2 oras mo kaya akong pinaghintay! Gutom ka na din naman diba? Tsaka alam ko na paborito mo ang McDo. Treat kita!"
Sa hinaba haba ng sinabi niya, ang naintindihan ko lang ay yung McDo at yung treat kita. Sink ba namang tatanggi sa libre diba?
Ewan ko ba, kahit dapat na tumanggi ako, pumayag pa rin ako at nagsimula nang mag drive.
I don't know what charm does this lady have on her pero magaan ang loob ko sa kanya kasi ililibre niya ako sa McDo. Hahaha!
Pwera biro, magaan talaga ang loob ko sa kanya. Somehow.
BINABASA MO ANG
The Girl Who Cried Wolf
RomanceSabihin niyo nang papansin ako pero gagawin ko ang lahat para lang mapansin ako ni Michael. -D.L.B.