Hey Mr., I Love You!

101 2 2
                                    

Prologue:

Jaycee:

Ano ba ang feeling ng mainlove at magkagusto?

Siguro marami sainyo ganito ang nararamdaman…

Dadaan lang sa harap mo kinikilig kana.

Pareho lang kayo ng color ng damit sasabihin mo na kaagad na ‘Uy! Meant to be kami!’

Mapatingin lang sayo iisipin mo na gusto ka na rin niya.

Ang saya ng feeling no? Lalo na kapag nalaman mo na gusto ka din talaga niya.

Pero alam nyo ba na hindi palaging masaya ang mainlove..

Tulad na lang ng nangyari sakin..

Nagmahal ako ng isang tao na di naman ako mahal at walang pakealam saakin.

Yung taong kapag nakasalubong mo ni isang hi man lang walang lalabas sa bibig niya.

Yun kahit nadapa kana sa harapan niya wala man lang sasabihin kahit na ‘okay ka lang ba?’.

Yung kahit mamatay kana siguro ay wala man lang pakealam.

Ang sakit diba? Yung kahit anong effort mo wala siyang pakealam kase hindi ka niya mahal..

Pero alam nyo ba kung ano yung pinakamasakit sa lahat?

Yun ay yung malaman mo na for once ay minahal ka din pala niya pero ng dahil sa isang di inaasahang pangyayari ay akala niya ay nabaliwala mo lang lahat ng yun.

Mahal niya ako, oo.. pero dati nga lang..

At ngayon?

Gagawin ko ang lahat para lang makuha ulit ang pag ibig niya..

At sisiguraduhin ko na balang araw ay masabi niya ulit sakin ang tatlong katagang…

‘I love you’

Hey Mr., I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon