Ang aking Bestman (One shot)

139 5 3
                                    

Lungkot. Inis. Galit. Sakit.

Halo-halo ang nararamdaman ko. Na taliwas sa DAPAT kong maramdaman. Dapat masaya ako. Dapat ako yung unang taong magiging masaya para sa kanya. Para sa kanila. Pero di ko kaya. Di ko magawa. Kase ngayong araw, kasal ng bestfriend ko na .....

may bestman na epal!

Akala niyo mahal ko yung bestfriend ko noh? Pwe! Di cliche 'tong story ko noh. Pero seryoso, naiinis talaga ako sa bestfriend ko. At feeling ko, mapapatunayan ko na nag-eexist ang forever. Dahil mukhang forever na 'tong inis ko sa kanya!

2 hours before the wedding

"WHAAAAAAAAAAAT?!!! ANONG SABI MO ZEKE?"

"Bingi lang bes? Sabi ko si Ace ang bestman ko. At dahil ikaw ang bride's maid, magiging escort mo siya."

"HOY EZEKIEL JOSE ISTANISLAO! NANANADYA KA BA? HAH?!"

"HOY KA RIN MARIA JOSEPHINA CARPIO! Di ako nananadya. Di ko naman alam na hanggang ngayon, bitter ka pa rin."

"A-anong bitter?! Loko ka! Nang-iinis ka lang eh. Bwiset! Di naman ako sisipot sa kasal mo."

"Edi wag. Lalo mo lang pinatunayan na bitter ka talaga! Di mo pa rin nakakalimutan yung pang-iindian niya sayo nung prom. Hahaha!"

"Lul!"

"Wag na kasing bitter bes. Move on! It's been six years for Jollibee's sake!"

"What does Jollibee has to do with the issue?"

"Wala. I'm just trying to obey the second commandment :)"

Ewan ko sayo -__-"

Present

"Marj!"

"Marj!"

"Maria Josephina!"

"Ay! O?"

"Bat nakatunganga ka pa dyan? Magline ka na dun. Ayun na yung partner mo oh! Malapit na yung bride." Bulyaw sakin ng coordinator nung wedding. Which is a friend of mine.

"Oo na po. Excited ka teh?"

Shoot! Kanina pa pala ako tulala. Lutang eh. Ayaw mag-sink in sa utak ko na escort ko si Ace. Brrrr. Panget ng pangalan niya. At sakin pa talaga nanggaling? Kamusta naman pangalan ko? Hala! Inaaway ko ang sarili ko. Creepy >< Anyways, naglakad na ko papunta sa pwesto ko. 

"Eto pala ang magandang tanawing di ko nasilayan nung prom :)"

Compliment ba yun o pang-inis? Psh -__-

"Kamusta na Marj?"

In my mind: Eto bwiset dahil sayo!

"Uhmm. Hey Marj! Di mo ba ako nakikilala?" 

In my mind: Loko ka! Kilalang kilala kitang epalogs ka! Ikaw ang sumira ng pinaghandaan kong prom. Ikaw ang sumira ng High School life ko!

"Ah! Siguro nagi-guilty ka dahil di moko sinipot nung prom noh?"

"WHAT THE HELL ACE?!! Seriously? Eh ikaw nga 'tong di---"

"Nandyan na yung bride! Everyone! Punta na sa position!"

Shit. May mas awkward pa ba dito? Yung hahawakan mo yung braso niya habang naglalakad kayo sa aisle. Tulad sa mga prom. I admit! Bitter here -__-

Heart beats fast

Ang aking Bestman (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon