FOL 1: You're such a great friend

85 1 0
                                    

*Tik-tak-tik-tak*

*Tik-tak-tik-tak*

Anong oras na ba at kung maka-sirena 'tong alarm clock ko wagas. Yes, alarm clock ko 'yun. Makaluma noh? He-he. Actuallly, nirecord ko pa 'yung tunog ng pendelum ba 'yun? Basta 'yung malaking orasan sa bahay ng Lola ko tapus ginawa kong alarm tone. Ang weird ba? Mas nagigising kasi ako sa mga creepy sounds like that. Hihihi. Osha mamaya na ko makikipagdaldalan at maliligo muna ko baka gusto niyong ikwento ko pati pagsha-shampoo at pagsa-sabon ko. XD

I fix my bed and walk towards the bathroom.

"Naalala ko pa... nung nililigawan pa lamang kita... dadalaw tuwing gabi, masilayan lang...." kung hindi niyo naitatanong model, singer and actress ako. Model sa kwarto, singer sa banyo at actress sa salamin. Hahaha.

"Oh shets. Mala-late na ko." dali-dali ko nang kinuha ang bag ko at mala-flash na pumara ng masasakyan.

Kung minamalas ka nga naman oh. Trapik pa ampupu. >'< Nakakinis talaga ang DPWH. Naku! Papasalvage ko officers nun. Dahil sa mga pinagsisira nilang kalsada, buhol-buhol ang trapik. Dapat naisip nilang mag-eksperimento noon pang-summer hindi ngayong may pasok. Gruu.. Absent pa naman 'yung driver ng helicopter ko. Hahaha. Eksahiradang baklang tomboy. XD

After one decade nakarating na rin ako sa university na pinapasukan ko. Di na ko nagpatumpik-tumpik pa kara-karaka at nagmala-runner ang peg ko. Hindi pa man ako nakakalayo nang makasalubong ko si Amae.

"Yoona, aga-aga makatakbo para kang nasa marathon." bati sa akin ni Amae.

"Heh. Late na ko sa first subject ko, Amae. So una na ko. Babush." ipinagpatuloy ko na ang pagtakbo ko patungo sa Computer Laboratory.

*knock* *knock* *knock* Sabi kasi ng matatanda "knock three times before you enter the door". Oh di ba, masunurin akong bata. Hoho!

"Sorry Sir Raffy, I'm late." pumasok na ko sa loob ng comp lab.

"There's nothing new about that, Venice." sarkastikong sagot ni Sir Raffy. I'm used to call him on his nickname, para lang kasi namin siyang katropa.

"Eh kasi naman Sir Raffy super trapik. 'Yung mga kalsa---" di ko na natapus 'yung pagrereklamo ko.

"Yung mga kalsada, sinisira? Tapus 'yung DPWH Officers, papasalvage mo na? Ikaw nga talaga si Lheona Venice, ang dakilang reklamador." natawa naman 'yung mga blockmate ko sa litanya ni Sir Raffy.

Umupo na ko sa tabi ni Eli. Wala pa kong energy para makipagbalagtasan kay Sir Raffy. At ang mga alaga kong tapeworm kanina pa nagwre-wrestlingan sa loob ng tiyan ko. Di na kasi ako nakakain ng agahan kakamadali.

"Hey girl, what's with your face? 'Yan na ba ang latest emoticon? Haha!" pang-aasar ni Eli bruhilda.

"Shattap! Nagugutom na kasi mga alaga ko. So kung wala kang maipapakain sa kanila, just close your mouth." nginudngod ko na lang 'yung pagmumukha ko sa table. Tae nagugutom talaga ko. 

"Hahaha. May cheeseroll pa naman ako." bigla kong inangat 'yung ulo ko para tignan kung totoo ang sinasabi ni Eli bruhilda.

"Cheeseroll? Asan po?" maamo kong tanong kay Eli.

"Cheeseroll. Cheeseroll. Kaso inaaway ako nang isa diyan, kaya ako na lang kakain nito." inilabas na ni Eli bruhilda 'yung cheeseroll. Shocks. Cheeseroll nga. *o*

"Hey Eli my dear. Sino ba ang umaaway sa'yo at ipaparape ko sa kambing? Pahingi naman ng cheeseroooolllll. Pleeessshhh." pang-uuto kong sabi. Nagcra-crave talaga ko sa cheeseroll.

Fall Out LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon