FOL 13: You are the best gift that God gave me

7 0 0
                                    

"Ayiiieee Yoona, anong meron sa inyo ni Dylan?" kanina pa nila ko ginigisa sa kawali.

"Don't tell us kayo na teh?" litanya ni Megz.

"O baka naman nanliligaw siya sa'yo? Spill it out Yoona." hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa kanila. Hindi ko pwedeng sabihin na "FAKE" lang 'yung relationship namin. Urggh.

"Wag mo kaming bitinin, Yoona." sabay-sabay nilang sabi habang nilalamon ako ng nakakatunaw na tingin. Iniwasan ko na lang sila at humarap ulit sa monitor ng PC, tinype ko....

"WHAAAAAT?!" sabi ko na nga ba ganyan magiging reaksyon nila.

"Seriously? Kelan pa, Yoona?!" una nang nagtanong si Nhiel.

"Last Saturday lang. -_-" hindi pa rin ako natingin sa kanila. I can feel na hindi magaganda ang aura ng mga fez nila ngayon.

"Kelan siya nagstart manligaw?" sumunod na nagtanong si Eli.

"Bakit wala kaming kaalam-alam na nanligaw siya?" hindi pa ko nakakasagot sa tanong ni Eli nang nagtanong agad si Trizh.

"Summer Vacation, dun siya nagstart manligaw." feeling ko humahaba na 'yung ilong ko kakasinungaling. Yari ka talaga s'kin Monggi.

"Summer?! Then, July ngayon?! So wala ka talagang balak sabihin sa amin 'to?" galit na litanya ni Lian. I understand them, sa tropa namin walang lihiman. Kahit namatayan ka pa ng aso dapat sinasabi mo.

"What friends are for, kung hindi mo naman kami pinagkakatiwalaan Yoona?!" masakit na sabi ni Eli. Tagus-tagusan sa buto ko. Hindi kasi nag-e-english si Eli. Nag-eenglish lang 'yan kapag nasasaktan. Makakatikim ka talaga s'kin mamaya Monggi. Bakit kasi hindi ko naisip na magagalit sila s'kin bago ko pumayag sa favor ni Monggi. >_<

"Manahimik nga kayo. We're not highschoolers anymore so can you please stop acting as if you are." seryosong sabi ni Megz habang nakaharap sa PC.

"Sasabihin ko naman sa inyo kaso---" hindi pa ko tapus magsalita.

"You don't need to explain, Yoona. Nangyari na." patuloy lang si Megz sa ginagawa niya. Wala nang naglakas ng loob ma magsalita pa.

Natapus ang computer class namin ng hindi nila ko kinakausap. Nauna na rin sila sa akin pumunta sa next class namin. Dumaan muna ko sa locker ko para kunin 'yung calculus book ko. I miss them. Hindi ako sanay maglakad sa hallway mag-isa. Kung hindi lang talaga ko nakapag-promise kay Dylan, sasabihin ko sa kanila ang totoo. Hindi naman ako pwedeng mag-back out, para 'to sa Mom ni Dylan. Mahal ko rin ang Mom ko, kaya nararamdaman ko ang pagmamahal ni Dylan sa Mom niya.

Wuuuusshhh~~~

"Ang sarap ng hangin." anlasa? Lasang kape. :3 Tinatamad ako pumasok sa Calculus class, dumiretso na lang ako sa field at tinungo ang favorite kong senti place. Umupo na ko sa likod ng Narra Tree. Hayyy.. Ang sarap talaagang panuorin ang mga isda. Napaka-relaxing. 

Kinuha ko 'yung cellphone ko sa bag pati earbuds.

Makapag-soundtrip na nga lang.

Now Playing: Best Friend Forever

Tears you try so hard to hide, 

You hold it all inside, 

Pretend it doesn't matter, 

Why you keep it to yourself, 

When you got someone else, 

You know can make it better, 

You try to be so strong, 

But I always know when something's wrong

See you when your feeling down, 

Hey, wasn't it you who'd always be there for me?, 

Don't forget what we've been through together, 

Hey, isn't it true, 

We promised to always be best friends forever, 

Yeah.

Words, that you don't need to say, 

The sad that's on your face, 

Isn't hard to see through, 

I've been there once or twice, 

It's you that made things right, 

My turn to be there for you, 

You try to be so strong, 

But I always know when something's wrong

See you when your feeling down, 

Hey, wasn't it you who'd always be there for me?, 

Don't forget what we've been through together, 

Hey, isn't it true, 

We promised to always be best friends forever, 

When the rain comes down (I'll be there), 

I will always be around, 

Just wanna be the one to catch you when you fall, 

Hey, wasn't it you who'd always be there for me?, 

Don't forget what we've been through together, 

Hey, isn't it true, 

We promised to always be best friends forever.

Nakakasenti naman 'yung kanta. -_-

Geez, ayoko talagang nagkaka-misunderstanding kami, nagugutom ako. Di naman ako nakain ng lunch kapag walang kasabay. Hayst. >_<

Sumandal ako sa puno.

May naramdaman akong matigas na bagay, parang kahon.

Napangiti ako sa nakita ko. Isa na namang violet box with pink ribbon. Binuksan ko na 'yung box, tumambad sa akin ang dalawang cheeseroll. 

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis. Dahil sa lalaking nagbigay nito nagkalabuan kami ng mga kaibigan ko.

Hindi ko rin naman mapigilang mapangiti, nag-effort talaga siyang magpabake kay Tita Bel. May card ulit siyang kasama binasa ko 'yung nakasulat.

"You are the best gift that God gave me. I won't let anyone to steal you." - Dylan

Kasama pa rin ba 'to sa pagpapanggap? O baka naman sadyang inlababo lang s'kin si Monggi. Isa din siya sa nabihag ng buhok ko! XD

Fall Out LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon