Consy's POV
Timecheck: 5:30AM
First day ko today sa school na bagong papasukan ko. Ang bilis nga ng panahon kasi biruin nyo? Parang kahapon, kinder pa lang ako tapos ngayon third year na?
Well, hindi kami mayaman kagaya ng mga friends ko pero may kaya kami. So, let's move on na.
Nagaayos na ako para sa school kasi usually at 7AM ang start. Katatapos ko nga lang maligo. May flag ceremony din kasi bilang pagwelcome sa new school year. Medyo kinakabahan ang beautykels ko pero keribels na. Bumaba na ko para kumain ng almusal. Naabutan kong nagbabasa ng dyaryo si papa at umiinom ng kape si mama habang ang kapatid ko naman na pogi ay kumakain na.
"Good morning, guys!" napahawak ako sa bibig ko dahil napunit ni papa ang dyaryo nya, natapunan si mama ng kape nya, at nalaglag ang kanin ni Neil. Oopsy! My bad. Tiningnan nila ako ng masama at sabay sabay silang naglakad papalapit sakin.
"A-anong g-gagawin nyo, h-ha?! Isusumbong ko kayo sa mamang pulis!" Don't mind us. Ganito talaga kami.
"Kilitiin si ate!" Sigaw ni Neil kaya napatakbo na ko. Ayun, naghabulan kami sa maliit naming sala. Wag sana nila akong maabot kundi katapusan ko na.
Huhu. Wag po! Marami pa akong pangarap na gustong makamit. Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral para matulungan sina mama at mapaaral si Neil. Gusto ko pang mahanap ang prince charming ko. Para may pamalit na ko sa pangit kong ex na kamukha ng uod. Ay hindi! Mas masahol pa ang mukha nya sa uod kaya walang maipapagkumpara sa kanya.
Wala na..
"Waaa! Hahaha! M-mama haha! Wahaha P-papa! Yahaha Neil! YAH! T-tama na! SORRY NA!" unti unti na akong nawawalan ng hininga. Malapit nang pumikit ang maririkit kong mga mata.. Kung hindi lang sila tumigil. Jusme. Inaantay lang pala ang sorry ko.
Hooh! Thank you, Lord at hindi Ninyo ako pinabayaan. Hinabol ko ang hininga ko at tiningnan sila ng masama na tinawanan lang nila.
Ang abnormal ng pamilya ko..
Bumalik na sila sa kanya-kanya nilang gawa. Si papa, naghanap ulit ng dyaryo sa cabinet nya. Si mama nagtimpla ulit ng kape. At si Neil naman pinulot ang kaning nalaglag at inilagay sa pagkainan ng aso. Pinagpawisan ako doon ha. Inamoy ko ang uniform ko at buti nalang talaga dahil hindi amoy pawis.
Nakakahiya ako nito pag nagkaton. Aba. Bagong school kaya yun. Ibig sabihin, bagong friends, bagong room, seatmate, classmates, schoolmates, and maraming fafables! Harthart.
Naalala ko mga friends ko sa former school ko. I'll miss them so much. Pero kailangan nating tanggapin na may mga tao talagang aalis sa buhay mo. Charot! So, let's move on na ulit.
Umupo na ako sa tabing upuan ni Neil which is katapat ni mama at kumain. Sa totoo lang, naawa ako kay mama eh. Mainit pa naman yung kape nya tapos natapon pa sa braso nya.
"Mama, ayos lang po ba yung braso nyo? Kasi diba natapunan yan ng mainit na kape?" inangat ko ang tingin ko papunta sa kanya. She looked at me and grinned. Nakita ko tuloy ang ngipin nyang sing puti ng perlas.
"Ano ka ba, anak. Ayos lang. Malamig na rin kasi yung kape kong yun eh. Haha," napakamot nalang ako sa batok ko. Abnormal ni mama. Hahaha. Tinapos ko na ang pagkain ko at agad na nagtoothbrush sa banyo.
Pagtapos ko, kinuha ko na ang bag ko na nasa sofa at nagkiss na sa cheeks ni mama at papa at ginulo ang naka-gel na buhok ni Neil. Buti nga. Bwahaha.
BINABASA MO ANG
The Past
ChickLitMagkaiba pala talaga ang Prince Charming mo, sa knight in shining armor mo, pero paano yun? Sa Knight in Shining armor ko, ako nahulog? Paano na? Handa niya kaya akong iligtas dito sa nararamdaman ko para sa kanya? Oo, kaya niya akong ipaglaban, per...