Chapter 6

17 0 0
                                    

Chapter 6: Because I care

Nathaniel's POV

Nakalabas na yata lahat ng estudyante ng Wilson Academy pero di ko pa rin nakikita si Gwen. Sumunod nang naglabasan ang ilang mga teachers.

Nakauwi na ba sya? Imposible. Kung nakauwi na sya, edi sana nakita ko sya. Maaga kaya syang nakauwi? Nakalimutan na ba nyang may dinner kame? Nag-effort pa naman ako tapos wala pala sya? Damn!

Tinignan ko kung anong oras na.
8:17pm na. Aaaaaah! Nakakainis!
- -
Glenn's POV

" Uhh, transferee?" tawag sakin ni Gwen.

"Baket?" tanong ko habang inaayos ko pa yung mga gamit na nagulo ko.

"Nabubuksan ko yung door knob.. Pero hindi ko mabuksan yung pinto. Parang naka-padlock din si labas?" -Gwen

"ANO?!" agad ko syang nilapitan. Pinilit ko ding buksan yung pinto. Pero hindi masyadong mabuksan dahil nakalock din sa labas! AAAAAAHHH!

"Paano tayo lalabas dito?!" mangiyak-ngiyak na nyang sabi.

Sa totoo lang, kinakabahan na din talaga ko. Pero nung narinig kong medyo nagcracked yung boses nya na parang maiiyak na talaga, natatawa ko. XD Marunong din pala 'tong kabahan? HAHAHAHA! Napatingin tuloy ako sa kanya.

Habang tinitignan ko sya, bigla kong naaalala yung scene kanina nung pilit nyang kinukuha yung fone nya saken.

Sobrang lapit namin sa isa't isa non. Kitang kita ko ang matatapang nyang mga mata ngunit nung mas tinitigan ko to, kakikitaan mo din ito na nababalutan ng lungkot.

Kitang kita ko din kung gaano katangos ang ilong nya. At kung gaano kanipis ang labi nya. Ang cute nya rin tignan sa bangs nya.

"I'll confiscate this for not paying attention." kinuha ni Ma'am Milagros yung fone ni Gwen sa kamay ko. Kung di siguro kami nadistract, baka kung ano nang nagawa ko..

"AAAAAAAHHH!" Ano ba 'tong mga iniisip ko?! >______<

"Ano ba?! Why are you shouting all of a sudden?!" saway saken ni Gwen.

"EWAN! Aish. Tawagan mo kung sinong pwedeng hingan ng tulong dyan!" Hindi kita pwedeng makasama ng matagal..

Nakita ko namang binuksan nya yung fone nya.

"FVCK! SH*T! AARGH!" Ang sakit sa tenga! >___< Aaah! Ako nga na kalalaking tao, hindi nagmumura! Ano ba kasing kinagagalit na naman nito?!

"Bakit?! Bakit 'to nareset?!! BAKIT NGAYON PA?! F***!" -Gwen

Nareset? Hindi kaya.. Nung nag aagawan kame kanina? Alam ko kung ano-ano na napindot ko dun e. -_____- Sige. Hahayaan ko na lang sya magmura. Tatahimik na lang ako.

"Hay.. Tawagan mo yung kaibigan mo."

"Nareset nga 'to diba?" -Gwen

"Hindi ka naman mawawalan ng load kahit mareset ang fone mo diba?" matabang kong sagot.

"Hindi ko memorize number nya." -Gwen

"Ano?! Bestfriend mo sya pero di mo saulo number nya?!" Argh! Anong klaseng babae ba 'to?! ><

*Kriiiiiing! Kriiiiiing!*

Sinilip ko kung sinong tumatawag.

*Unknown # calling*

Nareset nga pala.. Malamang di namin malalaman sinong natawag na yan.

*Kriii---*

"Who are you?!" galit na tanong ni Gwen! Ba't ba ganyan sya?! Sinenyasan ko syang kumalma.

Not AthenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon