Chapter 9

12 0 0
                                    

Chapter 9: Roadtrip

"Attention! Everyone, attention!"
tawag samen ni Sir Martin pagkapasok nya sa bus.

"Class President.Everyone already here?" -Sir Martin

"Uhh, si Frias po medyo malelate pero on the way na daw." -Class president

"Hay.. Okay. Okay! Sa three days and two nights natin sa Laguna, mag-enjoy kayo. Pero, wag na wag nyong kakalimutan, mag-ingat! Are we all clear?!"

Papuntang Los Banos ang roadtrip na to na may kinalaman sa Science. Kaya si Sir Martin ang kasama namen dito kase Science Teacher namen sya.

"Yes Sir!" sigaw nilang lahat.

"Whooo! Excited na ko!"

"Yeaah!"

"Makinig muna! Bago ko pala malimutan. Kung sino man ang katabi nyo ngayon, yan ang makakapartner nyo. Dapat hindi kayo magkakahiwalay. Walang mawawala. Okay?"

"Aish. Ikaw partner ko?!"

"Yieee! Magkapartner sila! HAHAHA!"

Kanya kanyang usapan na sila.. Minulat ko naman saglit yung mata ko at tinignan sinong katabi ko.

Aaah.. Oo nga pala. Sino pa bang makakatabi ko kundi si Steff. Nakabase kase yung seating arrangement namen sa kung sino ang unang magbayad. The earlier you pay, the higher the chance na makapamili ka ng seat na gusto mo. Since maaga at sabay kaming nagbayad ni Steff, magkatabi kame.

Pumikit na ulit ako. Inaantok pa ko. Sobrang aga kong gumising para dito. Psh.

"Sir paano kami? Tatlo kami dito oh!"

"Ah. Oo nga pala. Sige. Kayong tatlo magkakapartner. Wag kayong mahihiwalay ha?" -Sir Martin

"Opo sir!" sagot nung tatlong babae sa likod yata namen?

"Oh my, girl! Kahit ilang beses ko syang tignan, ang gwapo nya talaga!"

"Kadiri ka bes. Teacher yan! Wag ka nga!"

"Ano bang masama dun? 20 pa lang naman sya diba? Mga tulad kaya nya type ko. Yung mature na? Duh!"

"Oo nga! Tsk. Conservative ka kasi masyado Lian! Agree ako kay Aira."

"Ang gwapo nya no?"

"Oo! Hihihi!"

"Hmph. Ewan ko sa inyo."

Napakalalandi! Kainis!

"Uhh, dito ba ko?"

"Ah. Oo! Ba't ngayon ka lang?"

"Sorry. Medyo nalate ng gising. Ako na lang ba hinihintay?" may naramdaman akong umupo sa tabi ko. Sa left side.

Hm? Alam ko nasa kanan ko si Steff nung tinignan ko sya ah? Minulat ko ulit yung mata ko.

"Uhh, nagising ba kita? Sorry. Sorry!" bumungad sakin ang mukha nung transferee student. -_______-

Bakit hindi ko naisip na may vacant seat pa pala sa tabi ko?

"Wala nang kulang?" tanong samen ni Sir Martin.

"Andito na po si Frias Sir." sigaw nung class president

"Uhh, Aloner, since ikaw katabi ni Frias ikaw na mag explain sa kanya nung sinabi ko kanina." -Sir Martin

Tinignan ako ni Sir. Tinaasan ko lang sya ng kilay.

Nilihis na nya yung tingin nya sa iba. Saka bumaba ng bus. Nananadya ba sya? Alam nyang never akong nakikinig sa mga reminders.

"Maghanap ka ng kapartner mo. May kapartner na ko." sabi ko kay transferee student.

Not AthenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon