Chapter 8

10 0 0
                                    

Chapter 8: Don't let me go

Ini-start na nya yung motorbike..

"You're really going to leave huh?" napangisi na lang ako ng nakakaasar.

"Frias. Don't worry about her. Makakauwi ka na." -Sir Martin

Tinignan ko lang si transferee student. Hoping na hindi siya aalis.

Iniwas na nya yung tingin nya at ini-start yung motorbike.

"Alis na po ko." -transferee student

What's his name?! What's his name?! DAMN IT!

"FRIAS!" sigaw ko sa kanya. Nung lumingon na sya, umiling ako sign na wag syang umalis.

Hinila na ko ni Sir Martin at pilit akong pinasok sa kotse nya.

Nakita kong bumaba si Frias sa motorbike nya pero parang naghehesitate syang lapitan kame.

"Are you out of your mind, huh?!" galit na galit kong tanong pagkapasok nya saken sa kotse nya.

"Wala ka bang pakelam kung makapansin si Frias?! A normal teacher wouldn't argue and insist to drive his student home! Hindi mo ba naisip yon?!"

"Let's talk first." sa dami ng sinabi ko, yun lang ang naisagot nya.

I see he's really out of his mind.

"Ano pa bang kaylangan nating pag-usapan?"

"I want things to be clear with you, Gwen." -Sir Martin

"Ano pa bang hindi malinaw saken?  Ginagawa mo lang lahat ng 'to dahil inutos ni papa! I heard it clearly with my own ears! Now tell me, ano pang hindi malinaw don?"

Bigla nyang iginilid yung kotse.

"Gwen hindi nga ganun yon!" kinakausap nya ko ngayon na parang hindi nya estudyante.. Kundi parang kung paano kami magkausap dati..

"Ever since bang makilala mo ko, kilala mo na rin ang papa ko?" nagcrack na yung boses ko. Pilit kong pinipigilan na wag maiyak. Umaasa akong "Hindi." ang isasagot nya..

"Yes. Pero---" -Sir Martin

"That already answers everything. Ihatid mo na ko samen. Pagod na ko."

Bakit ba hindi ko naisip yon noon? He was too good to be true. Sino ba naman ang binatang magmamalasakit na tulungan ang isang bata at eventually ay mainlove dito? That was only all my fantasies.

"Alam mo ba bakit dumating sa point na naging ganito tayo? Kasi never mo kong binigyan ng chance na mag-explain.." -Sir Martin

Sarcastic na lang akong napatawa sa kanya.

"What else were you hiding from me, huh? That you were so desperate para lang makausap ako."

"Hindi ko rin alam. Bakit nga ba ako desperadong makausap ka? Alam ko namang hindi mo ko papakinggan. Hahaha! Ang tanga ko diba?" -Sir Martin

"Oo. You're stupid."

  Napatango tango na lang sya.. "*sigh* You were always like this. Sarili mo lang ang pinapakinggan mo. Hindi mo ko binibigyan ng chance na mag-explain sayo." -Sir Martin

"Pagod na ko. Gusto ko nang umuwi."

Pinaandar na ulit nya yung kotse  at tahimik lang kaming bumyahe hanggang sa makarating samen.

Pagkauwi ko, dumiretso agad ako sa kwarto.

"AAAAAAHHH!" nagulo ko na lang yung buhok ko.. Hindi ako makatulog. -_____-

Not AthenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon