Chapter 1

61 0 0
                                    

Chapter 1: Me

"Glenn!" halos lahat ng team ay sya ang unang nilalapitan pagkapanalo ng team nila sa isang practice match.

"Nice game dude!"

"Salamat. HAHAHA!" -Glenn

Nakamasid lang sa kanya ang ace player nila habang binabati sya ng buong team.

"Yow, Glenn! Galing natin kanina ah!"

"Naman! HAHAHA!" -Glenn

. . .

Pagpasok sa locker room ni Nathan, ang ace player ng volleyball team ng Clifford High, nakita nya ring nandoon si Glenn.

"Hey, zzup! Sayo attention ng buong team ngayon ah" Bungad ni Nathan kay Glenn pagkapasok nya ng locker room.

"Hahaha. Ginalingan ko lang siguro ngayon, Nath." sagot naman ni Glenn. Nginisian lang sya ni Nathan. Inis na inis sya dito at nayayabangan din sya sa kanya.

"You know what pare, you should be grateful by now. Binati ka na ng ace player. *smirk*" sagot naman ni Nathan kay Glenn.

"O...oh? HAHAHAHA! Salamat naman master!" Nawala ang ngisi sa mga labi ni Nathan ng marinig ang sinagot ni Glenn.

"What? Master? You think I'm kidding with you right now, aren't you?" inis na tono ni Nathan.

"Teka, teka. Easy, dude! Bat naiinis ka bigla? HAHAHA" nagtatakang tanong ni Glenn.

"Glenn, listen. If you think you winning the crowd's attention today was a joke, you're fuckin' messed up." -Nathan

"You're only a middle blocker, I'm the ace player here." dagdag pa nya.

Napatigil si Glenn sa pag-aayos ng mga gamit nya pagkarinig sa sinabi ni Nathan.

Humarap sya kay Nathan kaya hinarap din sya nito.

"Anong sinasabi mo?" pangising tanong nito kay Nathan habang nagpipigil ang kanyang mga kamao kahit gustong gusto na nyang manuntok sa narinig nya.

"Dude, this is how you joke. HAHAHA you look so offended right now" pang-aasar ni Nathan

"Nice joke, pare." sabi nalang nya pagkasara nya ng kanyang locker.

"Teka lang bat aalis ka agad? We're still having fun here oh. C'mon tell me more of your jokes!" nang-aasar na sabi ni Nathan pagtapos nitong harangan ang daanan ni Glenn.

"Gusto mong joke?" naaasar nang tanong ni Glenn.

"Ang taong nabubuhay sa inggit, may tae sa puwit. HAHAHAHAHA" Tawang-tawang sabi ni Glenn bago buksan ang door knob palabas ng locker room.

Pagkasabi nya non, walang anu-ano'y sinuntok agad sya ni Nathan sa kanyang kaliwang pisngi na siya namang ikinagulat nito. Agad nyang nilingon ng masama si Nathan.

"Your joke sucks, that's why." sabi ni Nathan habang iniikot-ikot ang kanyang kamao at naglakad na nga palapit sa pinto.

Hindi makapapayag si Glenn na umalis ito ng hindi sya nakakaganti.

*booogsh!*

"Oh, fuck." napangisi si Nathan nang bumawi si Glenn ng suntok.

Walang gustong magpatalo kaya naman tuloy ang dalawa sa pagsasagutan ng suntok.

Hawak hawak ngayon ni Glenn si Nathan sa magkabilang kwelyo ng kanyang uniform at akmang aamba na naman ng suntok ng maabutan sila ng kanilang coach.

"Glenn! Nathan! What's happening here?!" napangisi na lang si Nathan. Pinrovoke nya lang talaga si Glenn na suntukin sya. Pero dahil masyado syang padalos-dalos, hindi nya naisip yon.

Not AthenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon