In Another Time, Another Place

5.8K 138 138
                                    

by Hannah Frost

I smiled upon reaching the venue.

Ang ganda talaga ng pinili naming church. It was one of the oldest churches here in the country, at dito kinasal ang parents niya. Since sixteen years old pa lang kami, desidido na siya na dito magpakasal. 

And here we are now.

White roses and balloons decorated the place. A red carpet was in order. Everything seemed perfect. Pati ang panahon, nakiki-ayon. Ang ganda ng araw. This was how I imagined my wedding.

Mula sa loob ng kotse, kita ko na ang dami nang tao. Yung mga flower girls, nireretouch ng moms nila at pinapapila na nung coordinator. Yung ringbearer tumatakbo at pawisan na, hinahabol siya ng daddy niya. Yung mom and dad ni Gray, side by side, nag-uusap. No doubt, nirereminisce nila yung times na bata pa ang anak nila. 

Look at him now. 

Matured na matured na siyang tingnan, especially in his suit. His hair is still messily styled, he refused to comb it and part it in the middle. He had that easy grin, carefree pa rin, as always. 'Yung mga pimples niya nung high school, walang trace sa face niya ngayon. Yung dimples niya, lalong naging prominent. At kung dati, halos magka-height lang kami, ngayon magmumukha akong bata pag tinabi sa kanya. Hinila siya ng coordinator and I lost sight of him.

"Ang gwapo niya." my mom said.

I would have agreed, but my thoughts were already in another time, another place. 

Eight years ago, I met him. Kieffer Grayson de la Fuentes, siya ang pinakamayabang at masungit na lalaking nakilala ko. Naging kaklase 'ko siya nung fourth year. In fact, seatmates kami. Pero he didn't a single word to me for one month. Ganun siya ka taray.

 

"Ang gwapo niya. (*u* )"my best friend, Jane, whispered. "Isa siyang biyaya sa kababaihan ng section na 'to."

"Gwapo? Sang banda? At kung gwapo siya, na-cancel out din dahil sa katarayan niya."I complained. "I bet he doesn't even know my name. Parang hangin lang ako sa kanya eh."

Eh paano ba naman. Mapapanis na laway ko dito dahil sa katahimikan namin ni seatmate. Kahit i-engage ko siya sa conversation parang wala lang rin sa kanya. Nakakainis. I've never been ignored like this before.

Later that day, napansin kong naka-smirk sa akin si Gray. Tinaasan ko siya ng kilay at tumawa siya. Nung makita niyang nakatalikod yung teacher, lumapit siya at bumulong sa tenga ko. Those first words na sinabi niya sa akin, hindi ko makakalimutan.

"Sino kaya sa atin ang mataray?" tanong niya. "Ikaw si Diana Narcissa de Vega. Last year, binasted mo yung tropa ko. The year before, binasted mo rin yung tatlo ko pang kabarkada. Sa pagkakaalam ko, man-hater ka raw. Kaya wag kang maangas, parehas lang tayong mataray."

"What?" nagtatakang tanong ko. "How does that make me 'mataray'? Maybe alam ko lang na hindi ako sineseryoso nung friends mo. Alam kong di sila sincere kaya malamang binasted ko. That doesn't mean na mataray ako, unlike you."

In Another Time, Another Place (Parts 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon