This is my first time! First time kong bumyahe ng apat na oras kasama ang mga kapatid ni mama't mga pinsan namin, first time ko ring magsuka na punong puno ang cellophane, first time kong sumakay ng van, first time kong makaapak ng mall, first time kong makapunta ng Davao at first time kong matulog sa pamamahay ng iba. Kaya ang resulta?
"Wag kana namin isama sa byahe sa susunod, walang tigil yung pag susuka mo Jew!" Diba? Galing! Talent ko yun. Hayy.. iba talaga yung pakiramdam ko sa tiyan basta nagbabyahe.--
We're here for vacation, only for 4days. Sa sobrang ignorante ko,
"Grrr.. lamiiiig! Parang cold water ang tubig! Hoo!"Pupunta kaming mall, para mag grocery. Pupunta kami kinabukasan sa Samal, Island. Yun siguro talaga ang purpose ng pagpunta namin dito para mag bonding.
Ang saya! Pati sa mall naka suka ako, malapit pa talaga sa casher, tsk. Nakakahiya, ang daming naka tingin, nasa bahay pa talaga yung cellophane kaya yung kamay ko yung sinukahan ko, no choice, kaya binalot narin ni Papa yung kamay ko ng towel papuntang cr. Pangalawang araw na namin dito sa Davao, kaya nag iko-ikot muna kaming G-mall at SM Lanang. Nakakamangha! nagiging ignorante na talaga ako, pano first time eh.
---
On the way to Samal! Dala-dala na namin yung lahat ng gamit namin, dito na rin siguro kami matutulog.
Dahil nga sa ignorante ako, pinigilan ko yung sarili ko. Nakakatakot kasi yung mga mata ni mama. Yung lalakihan ka ng mata kapag sobrang kulit mo na, yun yung 'wag kang makulit look', Kaya pagpasok namin ng Samal parang gusto kong tumakbo dito pati doon kaya lang nung nasa kalagitnaan na kami banda habang naglalakad, may nakaagaw ng pansin ko. The boy who's running. Tumatakbo siya with another boy, sobrang excited sigurong lumangoy. Kaya lang habang tumatakbo siya parang bumagal parang ang bagal ng pakakatakbo niya, natitigan ko na nga siya. Ang gwapo niya at ang puti, sobrang saya niya tignan ang ganda ng mga ngiti niya. Napaisip ako, crush ko na siya. Syet, ano to? Ganun na yun? Bata kapa Jew, tss. Bumalik ako sa katinuan nang nagsalita si tita.
"Dito daw tayo, dali"
Syet, asan na yun? Nawala tuloy sa paningin ko. Sobrang gwapo niya talaga, isang magandang tanawin, hayy. Sana makita pa kita mamaya.----
BINABASA MO ANG
Unforgetable Summer
Non-FictionPaano kung na love at first sight ka tapos kinausap ka niya? --- Pinagtagpo ngunit hindi nagkakilala?