Name?

3 0 0
                                    

"Jan! Dito tayo, may dala akong laruan pwede natin gamitin sa buhangin" ang saya kapag kasama mo yung mga pinsan mong maglaro. Kasalukuyan kaming naglalaro sa sand ng dagat, nagtatapunan, tabunan tapos habulan.

Nang mapagod kami umupo kaming tabing dagat, medyo dumami narin kasi yung tao.
"Itong tubig siguro ng dagat ang ginagawang salt"

"Oo, binibilad yan sa araw para maging salt" janjan.

"Tara kuha tayo, ito oh plastic cup tapos ilagay natin sa plastic bottle"

"Tara!" Nilagay na namin sa bottle yung tubig tapos bumalik kami kina mama na may dalang tubig dagat.

"Ano yan?"
"Ano yan Jan?" Bungad sa amin nina mama.

"Ma iuwi natin to, tubig dagat, para gawin nating salt"

"Hindi! Ibalik niyo yan doon, bawal yan. Hindi talaga kayo makakauwi niyan, sige kayo" yan na, ang magaling kong tita nananakot na, natakot din naman kaming hindi makauwi kaya binalik din namin. Pabalik na kami kina mama nang may dumaan na nagbebenta ng salbabida.

"Yang! Bili tayo nun oh, dali!" Kapatid ko si Yang. Nagtatakbo kaming bumalik kina mama.

"Ma, bili tayong salbabida"

"Ma, sige na"

"Wag na, may pera din naman siguro kayo diyan. Yung ipon niyo." Yan, ganyan yan eh. Kuripot talaga yan.

"Grabe.." No choice, dahil sa gusto talaga naming bumili kinuha namin yung pera namin na nasa garapon pa.

"Dali Yang, ligo na tayo!" Dala-dala na namin yung salbabida na binili namin.

---

Enjoy na enjoy kami ni Yang sa tubig, nasa cottage pa kasi sina Janjan pati mga kapatid niya.

"Yang, patagalan tayo sa ilalim"

"Sige ba"

"Bilangin mo sayo ha, bilangin ko din sakin"

"Ok"

"1.. 2.. 3.. go!"

--

After how many seconds napaahon ako, nanalo ako!

"Haha! Wala, talo ka"

"Ok lang, ble"

"Haha talo.."

"Jan! Akin na yang salbabida ko!" tingnan mo, tinalikuran ako. Lumangoy nalang din ako sa kabilang parte.

Habang lumalangoy ako, bigla nalang akong napaahon.
"Aray! Kainis, sino yun?! Sakit ha" Napahawak ako sa ulo ko sa sakit, pano kasi nauntog yung ulo ko. Sakit!

Maya-maya umahon din yung naka untog sakin habang nakahawak sa ulo niya. Maiinis na sana ako, sasabihan ko na sana siya na ang tanga niya pero natigilan ako tapos napatitig ako sakanya, syet yung puso ko.

"Ay, hi sorry " waahh! nag hi siya! kainis, hindi ako makapag salita! Parang gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko! Ano ba yan..

"hmm.. anong name mo?" Nakatitig lang ako sakanya, gusto ko na talaga magsalita, gusto ko din kasi siyang makilala pero hindi ko alam anong sasabihin ko. Ilang seconds pa niyang hinintay na magsalita ako pero yung nakakainis? Hindi talaga ako makapagsalita, may kaba sa puso ko. Kaba ba to? Ang bilis talaga eh.

Yung lalaking natitigan ko kanina habang tumatakbo, yung gwapong maputi na ang ganda ng ngiti, tinanong yung name ko? Anong gagawin ko?




-----

Unforgetable SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon