Kasalukuyan kaming naglalaro sa tubig kasama yung mga pinsan ko, nang dumating si Papa. Mga 3 pm na siguro.
"Nak, tumawag si tito mo sabi daw ng ninang mo doon daw tayo matutulog sa kanila"
"Ha? Sinong tito Pa? Sinong ninang?"
"Si tito mo, yung anak ng lolo mo, yung asawa niya na ninang mo"
"Ah.." napatingin ako sa mga pinsan ko, sayang ang saya pa naman dito.
"Ano nak? Doon tayo? Para maka alis na din tayo baka gagabihin pa tayo"
"Pa, pwede mamaya nalang? Nag eenjoy pa kasi kami dito"
"Sige" umalis na din si Papa. Napaisip tuloy ako tungkol kanina. Hayy.. aalis na kami mamaya hindi ko na siya makikita. Kung dito kami, makikita ko pa siya at posibleng magkakilala pa kami. Bakit kasi hindi ko siya nakilala?
Ang tanga, chance na nga kasi yun. Kanina ko pa naiisip yung nangyari kanina. Pano kasi tinanong niya nga lang yung pangalan ko tinalikuran ko pa. Oo yun talaga, tumakbo akong pabalik ng cottage sa sobrang kaba? O hindi ko lang talaga alam kung anong sasabihin ko? Habang nakatitig lang ako sakanya kanina, napapaisip ako kung ano ba talaga ang sasabihin ko. Yung nickname ko o yung totoong pangalan ko? ang tanga diba? Yun talaga yung problema ko kanina, kaya tumakbo nalang ako palayo. Nakakainis! Hindi ko na siya nakilala pa, ang saya siguro kung naging kaibigan ko siya :( I think its a good bye, dahil bukod sa hindi ko nakuha ang pangalan at hindi ko siya nakilala wala din kaming connection.
Ang lungkot ko tuloy pabalik ng cottage "Pa, sige na. Doon nalang tayo matutulog"
"Sige, mag ayos na kayo. Mag tataxi nalang tayo since pagabi narin. Ililigpit ko lang yung mga gamit niyo dito"
---
"Celina, alis na kami. Kita-kita nalang tayo bukas"
"Sige ate, ingat kayo"
Palabas na kami ng Samal nang makita ko yung boy na naglalakad. Napatingin ako sakanya. Napatingin din siya sa akin ng panandalian.
For now, its a good bye but, HOPEFULLY to see you soon.
----**----
BINABASA MO ANG
Unforgetable Summer
Non-FictionPaano kung na love at first sight ka tapos kinausap ka niya? --- Pinagtagpo ngunit hindi nagkakilala?