TUL 8: The Hacker

20 2 0
                                    

Chapter 8: The Hacker

Stanely's POV

NASA loob ako ng classroom at masuring tinitingnan ang record ng estudyanteng ito. He looks calm na parang walang pakialam. Kasama niya ngayon ang kanyang parents na sina Mrs. Jane and Mr. Jack Lannister.

Malungkot ang mukha ni Mrs. Lannister at mukhang kalmado naman si Mr. Lannister.

I heaved a sigh at bumasag iyon sa katahimikan.

"Sir, I am sorry if my son has been absent for the past few days," mahinahon na sabi ni Mrs. Lannister.

"It's not okay," seryosong usal ko at natakot naman si Mrs. Lannister. "As a student, he must be in school everyday and do his tasks as a student," mas seryosong usal ko.

"There was just an emergency sir," mataman ko siyang tiningnan dahil alam kong nagsisinungaling siya. "I-I mean, my son was...," wala siyang mahanap na sasabihin.

Mukhang hindi nila kayang makontrol ang anak nila. Mukhang ito ang nasusunod sa lahat ng bagay na gusto nitong gawin. I asked some teachers and they said that the student has been like this for the past few years.

Well, as his professor. I can't consider that.

"Hunter Lannister," tawag ko sa  kanya. Humarap siya sa akin at kalmado lang ang mukha niya. Wala akong nababatid na takot sa kanya. Interesting. There is something in him that I really want to know. "Why were you absent for the past 3 days?"

"Simply because, I don't need to study." anas niya.

I was like that before. This kid is really interesting.

"And why?" nagsusuring tanong ko pa.

"Because I am intelligent enough to live," anas niya.

Nice. This student already caught my attention and I am curious about him.

"Hunter, don't say that to your professor," singhal ni Mr. Lannister sa kanya. Nagkibit-balikat lang ito. "I am so sorry about my son's attitude. I will assure you that he will not be absent anymore," siguradong tugon niya pa.

"Well that's great to hear, Mr. Lannister. I hope this won't happen again," anas ko.

Tumayo naman sina Mr and Mrs. Lannister at nakipagkamay sa akin. Umalis na din sila at inihatid ko pa sila sa labas.

Hunter Lannister doesn't want to study because he said, he's intelligent enough to live. Yes he's right. I was like him when I was still studying kaya natuto ako sa sarili kong mga paa. But there is something in him that I want to know. Iba ang pakiramdam ko sa batang iyon.

But, I don't have to show him my sympathy. I need to be professional.

"Kyaaaahhhhhh!" sigaw ng isang babae na halos bumasag sa mga eardrums ko.

Nilingon ko siya at umkyat ang lahat ng dugo ko sa mukha. Siya na naman? Nando'n lang siya sa bintana at tinitingnan si... Hunter?

Nakita niya ako kaya bigla siyang napatakip sa kanyang bibig. She's insane just like her teacher. Siniringan ko siya ng tingin at halos matakot siya sa ginawa ko.

Lumapit ako sa estudyante at napatingin sa loob ng classroom. Nakita ko si Hunter na tulog na tulog. Puyat na puyat ba siya at hindi narinig ang malakas na pagsigaw ng babaeng ito? Tiningnan ko'ng muli ang babae at nag-peace sign ito sa akin.

As if we have the same level and age? Sinasagad ng babaeng ito ang pasensya ko. Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa niya sa hallway.

"Why did you scream?" malamig na tanong ko.

The Untold Lies [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon