TUL 23: Past and Present

33 3 1
                                    

Chapter 23 : Past and Present

Stanely's POV

Nandito kami ngayon sa training room. Phil is giving Quinn instructions on how to defend herself. Ako dapat ang magtuturo sa kanya pero nauuwi lang kami sa pag-sasagutan. Hindi talaga siya nauubusan ng sagot.

We have to do this dahil mas lalong dumami ang death threats na nakukuha niya. At last, pumayag na siyang tumira sa mansion ko pero magkahiwalay kami ng kwarto. Akala mo naman, may gagawin akong masama sa kanya. Knowing her. Kahit abutin kami ng isang taon ay hindi siya bibigay sa akin.

Hindi ko alam kung bakit parang nangangalawang ako pagdating sa kanya. Wala akong nakukuhang matinong sagot sa kanya at pasiring 'pag kausap niya ako. Pasalamat siya at gusto ko siya. Kung hindi, isa na rin siya sa mga taong nailibing ko sa hukay.

Pero sadyang matigas ang ulo niya. Kailangan ko pa siyang pilitin para pumayag lang siyang mag-training. Napangiti ako nang maalala ko ang nangyari kanina.

"Bilisan mo ng konti ang pag-sangga mo. Pag hindi nagbago ang pacing mo you'll get yourself killed before you can even try to defend yourself," paalala ko sa kanya habang tinuturuan ko siyang sanggahin ang atake ng kalaban.

"Why do I even need to do this?! Kahit gano pa 'ko kabilis sumangga kung may baril ang kalaban mamamatay parin ako! It doesn't make any sense you know? Pinapagod mo lang ako,"  pairap niyang sagot habang humihingal.

Narinig kong humagalpak ng tawa si Phil na nanonood sa'min. Hindi pa siya lubusang magaling pero nakakakilos na siya ng maayos. Ang tanging ipinagbawal lang sa kanya sa ngayon ay ang makipaglaban.

"You need to train incase of close combat Quinn! Don't worry about the bullets because I'll catch them for you!" nangigigil na sagot ko sa kanya.

Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng to. Napipikon na ako dahil ginagatungan pa ng tawa ni Phil. Biglang siyang natuod at hindi nakapagsalita ng ilang saglit. I saw her blushed and rolled her eyes on me.

"You can't catch the bullet. You're slow," walang gatol na sabi niya sa'kin.

"What?! Anong slow?! I'm one of the fastest assassins  in the empire!" sigaw ko sa kanya. She really knows how to annoy me.

"Slow ka! Ikaw ang pinaka slow na taong nakilala ko! Joke nga di mo na makuha eh! Bala pa kaya! Slow!" mas malakas na sigaw niya sakin.

Rinig na rinig ko ang malakas na pagtawa ni Phil sa kabilang bahagi ng training room.

He's really enjoying this huh?

I'm giving up. I can't handle her. Kahit gusto ko siyang saktan, hindi puwede.

Pasalamat talaga siya. Gusto ko siya.

"Phil!" tawag ko sa kanya. Mabilis siyang nakalapit sa'min.

"Yes?" pigil-tawa niyang tanong sa'kin.

"Since you enjoy watching Quinn's training, why don't you train her while I'm taking my break?"

'Tingnan lang natin kung hindi ka mangunsumi sa pagtuturo.'

At yun ang dahilan kung bakit si Phil ang nagtuturo ngayon kay Quinn. But the opposite happened from what I expected. Hindi nagrereklamo si Quinn kay Phil. She's trying her best to learn what Phil is teaching her.

Anong problema ng babaeng ito sa'kin? I heaved a sigh.

Pawis na pawis na si Quinn sa paulit-ulit na pagsubok na mapatumba si Phil. Natututunan na niya ang pag-sangga. Counter attack naman ang itinuturo ni Phil sa kanya ngayon. Ngunit kahit halatang pagod na, makikita mo parin ang determinasyon niya na mapatumba si Phil.

The Untold Lies [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon