Claire's POV
Andito ako ngayon sa school para daw sa surprise party dito sa school at kaming 2nd year college ang assign para paghandaan ang surprise party na toh..
"Oy!! Hello ladies!" sino toh?
"Hi sino ka?" Tanong ko naman.
"Wow! Ka team ako ng boyfiend mo hindi mo ako kilala?" Pssh kaya naman pala ehh.
"Ano nga pangalan mo?" Tanong ko ulit.
"Call me Aaron. Dahil yun naman talaga ang pangalan ko." Ahhh
"Ok. Nasan si Enrico?"
"Andun sya. May inaasikaso. Nasa headquarter."
"Ahh ok."
"Yo! Wisdom!! And.. Sino yan?" Tanong ng isang lalake. Ano daw Wisdom?
"Oh yeah Aaron Wisdom. Ang pangalan ko."
"Ah. Hehe.."
"Hi!! Ayesha Claire Valdez."
"Oy!! Ikaw ba ang gf ni Enrico?"
"Ahh oo ako nga."
"Ganda mo ah!" Nabigla naman ako nang makita ko si Enrico. Ang sama ng tingin nya samin ni Aaron at ni... Sino ba tong isang toh?
"Hoy! Who the hell give you a permission to talk to my girlfriend?" Si Enrico.. Grabe ang aura nya. Seloso ata tong mahal ko eh.
"Daga, chill lang. Gusto ko makilala lahat ng ka team mo. Ano namang masama kung may crush sila sakin diba?" Sabi ko na talagang lumabas ang... Evil aura ba toh?
"Hoy rela---"
"Yo!! Enrico!! Oh sya naba yung girlfriend mo?" Tanong nung.... Lahat sila matangkad ehh.. Kung tingnan nila ako para akong unano. Pagtingnan ko naman sila para silang mga poste. Hayss..
"Hi!! Kayo ba ang team leopards?! Ay!! Gusto ko lahat kayo kilala ko!!!" Excited kasi akong makilala sila.. Pero.. May mga nakasabit sa mga t-shirt nila... Pangalan at apilyido.
1. Tyrone Mathew Cole
2. Edmon Carlo Cruz
3. Kenneth Frits So
4. Ajhay Cunanan
5. Mark Angelo Fleinstein
6. Roman Delos Reyes
7. Clark Anton
8. Robert Ashton
9. Silver Black Torres
10. Enrico Mateo Stanford
11. Edwin Clyde Stanford
12. Eisson Stanford
13. Aaron Wisdom
"Eh sino captain sa inyo?" Tanong ko
"Si Eisson." Sagot ni.. Tyrone ata ito.
"Wow.. Yang mokong na yan." Nakakainis.
"Bakit ex mo ba si Eisson?" Tanong ni Mark Fleinstein.
"Hindi."
"Oh bakit ganyan ka?"
"Dont ask her that nonsense."Si enrico yan.. Beast mode na. Kanina pa nag seselos kay aaron
ngayon pati si Eisson. Hays.
"Sige na. Mag practice na kayo!"
"Bye ipis. Love you." Paalam sakin ni daga. Nginisian naman ako ni eisson. Nag brace naman si Edwin. Nag brace din naman ako.
"Bye. Love you too!" Sabi ko.
"Yun oh!!" Si Silver Black yan.. Kilaka ko na sila yes!
Ngumiti na lang ako.
"Alam mo ayesha, ang swerte mo. Malas nga lang ng mga babaeng patay na patay sa mga leopards. Kasi lahat sila may crush sayo. Yung iba hanggang pangarap lang."
Si Tiffany yan.
"Oh bakit parang ang lungkot mo?" Wala lang syang respond sakin.
"Kasi si Clyde Stanford, crush ko sana naman mapansin nya ako." Sabi ni tiff. Kaya pala. iba sya makatingin nung nag babay sakin si Edwin.
"Hay... Pede pa naman mag bago ang isip nun ah! Pag ipinakilala kita baka mamaya magkagusto yun sayo diba?"
"Sana nga may pag-asa. Bakit kasi lahat sila ikaw ang type ehh!"
"Aba malay ko!" Hindi naman ako maganda, medyo lang. Kung tutuosin, mas maganda sya sakin.
"Pero alam ko wala sa ganda yun. Alam ko nasa panloob na anyo. Ikaw, mabait ka naman ah! Hindi mo ko katulad na wagas kung magmura minsan. Ito na lang, sabihin mo na kung bakit mo gusto si Clyde." Sabi ko sakanya dahil bakas sa mukha nya ang pagkamalungkot.
"Dati, dahil pogi sya.... Dati crush ko lang sya... Ngayon parang nag level up, ngayon mahal ko na." Malungkot na saad nya. Hays..
"Nandito kami ni jamie para tulungan ka. Maasahan mo kami." Sabi ko at niyakap nya naman kami.
"Hey, bakit umiiyak si Tiffany?" Kung sineswerte nga naman. Si Edwin.
"Wala." Sabi naman ni Jamie.
"Tabi nga!" Sabi ni Edwin kay jamie.
"Hoy edong anong nangyari sayo?" Tanong ko.
"Sandali lang." Tinabihan nya si Tif...
_____________________________
BINABASA MO ANG
Must Date The Playboy
Teen FictionSi Ayesha Claire Valdez ang babaeng medyo pikunin, mang-aasar, pero joker. Ayaw nya talagang pumasok sa mga lovelife.. Ito ang sinabi nya sa sarili nya: "Walang kwenta ang lovelife... Walang maidudulot na maganda saken yan. Ayoko pumasok sa ganyan...