Tiffany's POV
Oo inaamin ko. Nagselos ako kanina nung nakita ko si Edwin na nag babay kay Ayesha yung ngiti nya, kakaiba pag kay Ayesha.
Nagulat naman ako nang makita ko si Clyde.
"Tabi nga!" Narinig kong sigaw nya. Namula naman ako dahil tumabi sya saken.
"Hoy edong anong nangyari sayo?" Tanong ni Ayesha.
"Sandali lang."
"Iwan nyo muna kaming dalawa." A-ano daw ?? Kaming dalawa lng? Ayos!
"Tiffany, ano kasi ah ano ano bayun! Ano mamaya puntahan mo toh.."
"Puro ka naman ano eh! Pupuntahan ko tong address na toh? Bakit?"
"Basta pumunta ka ha?!"
"O-ok.."
"sige na bye."
Madami pa kaming ginawa rito sa school. Puro naman kami kalokohan.. Tawanan doon, trip dito.... Ganyan kami ng mga kaibigan ko.. Kahit kelan hindi kami nag away. Mag away man kami pero hindi nag iiwanan. Kasama na namin ngayon si Michaela at si Jennylyn.
Matapos ang 4 na oras na paghahanda, naalala ko yung binigay na adress ni Edwin... Para kaya san yun??
Nag bihis agad ako kasi magkikita raw kami sa oras na 10:00. At sabi doon sa note:
163 San Diego St. Caloocan City
Mark's RestaurantPlease dumating ka doon ng 10:00 sa gabi..
-Clyde-
Ano naman kayang isusuot ko?
Ahh alam ko na..
Jeans, hanging blouse, at ang world balance kong Fernley Purple rubber shoes.
"Saan ka pupunta anak?" Tanong ni Mom.
"May pupuntahan lang po. Ill be back at midnight."
"Sige. Siguraduhin mo ha!!"
"Opo."
May biglang tumigil na sasakyan sa may harap namin..
"Mam sakay daw po kayo. Pinapasundo kayo ni Sir Stanford."
"Ahh sige."
Pag kasakay ko dun may message akong natanggap.
From: Edwin
Pinasundo na kita. Make sure na ikaw lang mag-isa.
To:Edwin
Oo ako lang magisa.
Message sent.
Pag dating ko dun....
Wow ahh! Parang kakainin ako sa laki ng chandelier. Pero pag pasok ko... Simple na. May isang lalaking nakatayo.
"Hi. Ah ma-maupo kana." Sabi ni clyde. Nauutal pa sya.
pinaghila nya ako ng upuan.
"Ito. Para sayo." Wow! Date nga siguro toh.... May bulaklak pa sya ahh! Pero, hindi ko.mapigilan ang hindi mamula.
"Salamat... Ahh, ano nga palang gagawin natin? Oo alam ko date to per---"
"Mag coconfess na ako sayo." Nagulat naman ako sa sinabe nya... Ano daw? Confess?
Ngumiti naman ako ng pilit.
"Alam mo bang matagal na kitang gusto. Oo gusto ko si Ayesha. Pero nang marinig ko ang balita, na sila na ni enrico, pumasok ka sa isip ko. Para kaseng..... Mahal na ata kita Tiffany."
"Ayos lang. Mahal na rin naman kita eh.. At mukhang seryoso ka. Kaya... Tinatanggap ko yung feelings mo.
"Tiffany...."
"Hmm?"
"May ipapakita ako sayo." Hinigit nya ako sa gitna. May mga kandila dun na naka pa heart shape.. Tapos, bigla nya ako hinalikan. Parang.... Parang biglang....Nag liwanag ang buong paligid ng halikan nya ako. Ang sarap sa pakiramdam...
At biglang:
"Will you be my girlfriend?" Tanong nya saken.
Sa di malamang kadahilanan, sumagot ako ng oo kahit na walang wala talaga ako sa sarili ko...
"Oo!!" Sabay yakap...
_____________________
A/N: Salamat sa mga sumusuprta!! Its highly appreciated. Keep supporting my story until end!! Lav yah!!
S A I S U M I
BINABASA MO ANG
Must Date The Playboy
Teen FictionSi Ayesha Claire Valdez ang babaeng medyo pikunin, mang-aasar, pero joker. Ayaw nya talagang pumasok sa mga lovelife.. Ito ang sinabi nya sa sarili nya: "Walang kwenta ang lovelife... Walang maidudulot na maganda saken yan. Ayoko pumasok sa ganyan...