Claire's POV
"Claire!! Gising!! Bakit kase natutulog ka pa sa tanghali!! Claire!! Uy!! 5:12 pm na uy!!"
"Sino bayan?! Natutulog pa nga ohh!! Ang gulo mo Enrico!" Sabay tapik sa gumugulo saken.
"Hoy! Anong Enrico?? Tanga si Jamie toh!"
Minulat ko ang mata ko at nakita ko nga si Jamie naka tabi saken psssh.
"Ay sorry.. Napanaginipan ko lang sya."
"Ayiiiiie! Tinamaan na sya ni Enrico!"
Bumangon na ako at hindi na sya pinansin... Naligo na lang ako dahil ngayon na nga pala ang camping..
Pagkatapos ko, lumabas na sila jamie. Kasama nya si tiffany.
Sumakay kame ng Trycicle dahil may van na maghahatid samen sa Airport....
Papunta kameng school...
Pagdating namen dun... Tumambad kaagad saken si Enrico at ang dalawa pa nyang kapatid....
"What's up my lovely Claire?" Sabi saakin ni Eisson pero di ko na sya pinansin...
"Sorry sa ginawa ni Eisson ah? Loko loko yun ehh." Sabi naman ni Edwin.. Mabait sya. Parang mas gusto ko personality nya kesa sa dalawang kutong lupa na yun..
"Ok lang." Sabay ngiti..
Ngumiti sya at umalis.....
Matapos ang isang oras na paghahantay, nag salita ang teacher sa harapan....
"Ok everybody!! Nandito na ba lahat?"
"Opo!!" Sabay sabay na tugon namen.
"Ok. Ito mga bus no. nyo."
"Sa sec.A muna tayo."
Section namen yun ahh!
"Bus no. 7 Stanford brothers... Ayesha, Michaela, Jennylyn, Yna, Jamie, Tiffany, blah blah blah....."
Di ko inintindi ang iba.. Ilang saglit pa ay inihatid na kami sa bus.. Bus pala ang sasakyan.. Hahaha kala ko kase van.. Assumera! Ahahaha
Habang nasa byahe nagtrip ako....
"Langya. Ang init sa bus na toh." Sabi ko. Bigla namang kumunot ang noo ni Tiffany.. Katabi ko kase sya eh...
"Wow! Naka aircon tayo oh!! Tapos mainit?! Ano toh lokohan?!!!" Natatawang sabi nya. Hayss.. Kahit kelan talga seryoso tong babaeng toh.
"Alam ko. Sakyan mo na lang kase ang trip ko eh!"
"Di ako maka-relate sa wengyang TRIP mo."
Ngumisi na lang ako. Langya di talaga sya maloko.
Puta naman oh. Ang tagal mapunta sa airport. Nakakainis. -_-
***
Ilang oras ang lumipas at nasa airport na ren kame. Hays..
"Ay puta!!! Nakakagutom talaga langya.." Sabe ng gagong enrico. Hays. Sa payat nyang yan hindi halatang patay gutom.
Bakit ko alam na patay gutom yan?
Nung linibre ko sya. Ayun halos maubos ang combo ng chicken at rice. Langya. Hindi ako tinirhan kahet sauce man lang. 0_0
"Ok pasok na kayo sa loob. Bahala na kayo kung saan nyo gusto umupo."
Sabi nung tour guide... Teka.. Pano makakakain si Enrico? Bleeeee!!
Umupo na ako... Pero ngayon hindi si Tiffany ang katabi ko. Michaela daw ang pangalan nya
BINABASA MO ANG
Must Date The Playboy
Teen FictionSi Ayesha Claire Valdez ang babaeng medyo pikunin, mang-aasar, pero joker. Ayaw nya talagang pumasok sa mga lovelife.. Ito ang sinabi nya sa sarili nya: "Walang kwenta ang lovelife... Walang maidudulot na maganda saken yan. Ayoko pumasok sa ganyan...