Claire's POV
Nandito ako ngayon, umiiyak nagdarasal na sana ayos lang si Enrico at sana makaalis na ako dito. And oo. Nandito pa ren ako sa warehouse.. Nakatali. Yung para bang nabugbog pero may nakatali sa bibig ko.. May mga dugo na rin sa kamay ko. Dahil lubid ang tali at sa sobrang higpit, dumudugo na nang bahagya yung kamay ko.
*Wiroynk* bumukas yung pinto.
"Hoy kumain ka na. Iiyak iyak ka pa jan. Kain na dali!!" yung tauhan nung tanda nanjan. papatayin ko sila! They didnt know what I could do! Kaya ko rin gawin toh sa iba pero pag yung tipong may ginawa silang masama.
"Hoy! Ano pang hinahantay mo jan? Kain na!" tsaka linapag yung platong may kanin na may Itlog at tubig. Ayos ah! Ganto pala mga kidnapper masasarapang mga pagkain.
Ayesha! Focus ka sa mga kumidnap sayo ano kaba!
Opo na utak.. si utak yan epal na naman. pero may point sya. tama nga naman.
Kakain ako nang may tali sa mga kamay ko? Ala eh! Hindi ko kaya.
W-what? They want me to eat this like a dog? Fuck them!
Kumain na lang ako kesa umangal pa. Grr!
"Enrico, please,dumating ka please.. Ayoko na rito.."
Umiyak na naman ako sa lagay na yan.
Enrico's POV
"Holy shit! Enrico ano ba! Kumakain ako ehh! Kailangan pa bang tabigin ako ha?!" Si Roman yan. kumakain nga sya pero, hindi ko na mapigilan ang hindi magdabog. Ano na ba kasi gagawin ko?? Pano ko ililigtas si Ayesha?? Paano ba!!! Ohh crap!
May tumapik sa balikat ko.
"Tol, mahahanap natin sya. Kapit ka lang." Si Ajhay. Napakaswerte ko sa taong toh. Sa lahat ng problema, dinadamayan nya ako. Syempre narin ang mga leopards.
"Oowh Nga towl mahahanap drin nate shi Ayesshsha." Tangina talaga ni roman. May laman ang bibig nagsasalita pa. pssh.
"Tumahimik ka! Wag ka mag salita pag may laman yang bunganga mo!"
"opo" Bakit ba takot yun saken?
"Tangina, sinisisi ko ang sarili ko sa putang toh!!!!"
"Tol wag mong sisihin ang sarili mo. Minahal mo sya. kaya nga dapat dadalhin mo sya sa ibang bansa diba? Kasi gusto mo maging safe sya pero ang nangyare, fail nga lang." Ang galing magpaliwanag ni Tyrone. Buti na lang di nakipag ted failon toh.
"Oo nga pero, ayun, kung di ko siguro naisip na pumuntang airport, siguro di na sya nakidnap. Kasalanan ko toh!! Ahh shit!!"
Damn why I am crying? Dapat hindi ako ganito. Dapat maging malakas ako para sa taong mahal ko.. Ano ba toh!
"Hindi tayo magfafile ng kaso. Ako ang susugpo kay lo- hindi, kay tanda. Papatayin ko sya."
"Oh yan ka na naman ikoy, wala ka na namang sinasanto pag sobrang galit ka. Ahh syempre nga pala, buhay ni Ayesha ang nakasalalay." Si Eisson yan.
"Kingina mo Eisson tumigil ka! Basta kahit sino pa yan papatayin ko. Para lang sa taong mahal ko. You cant and they cant prevent me!" yan ang sinabe ko sa kanila. Dahil kahit sila ang gumawa nito kay Ayesha pati sila mapapatay ko kahit matatalik kong kaibigan at kapatid ang dalawa jan!
Ajhay's POV
Sabi ko na nga ba. Wala na naman syang sinasanto. Grabe ang aura nyan. Kahit pagseselos, may gagawin yan. Grabe noh? Mabait naman sya ehh. Kaso nga lang, pag nagalit hindi yan kikibo. Pag sinobra na. Ayun! Tumakbo ka na! Wag titingin sa likod dahil kung hindi itak ang dala nyan, pwedeng mataas na kalibre ng baril. And thats Ikoy's personality.
"Bakit? Mas matutulungan ka nila! Pano pag hindi ka nagtagumpay pano na yun??" Tanong ko kay Ikoy.. Laking gulat ko naman ng bigla syang nagtungo sa kusina at may dalang.... Waaa!! Kutsilyo!! Nakatutok saken. Si roman nailuwa ang kinakain. Nanlilisik kase ang mga mata ni Ikoy, at napakahigpit ng hawak nya sa kutsilyo yung may panginignginig effect pa. Damn it! Kalokohan na naman ako.
"Bawiin mo yung sinabe mo tang ina mo ka Ajhay!" jos ko.. tatakbo na ba ako sa aura nya ako kakausapin ko sya?
sila eisson naka nganga na.. lahat sila nakanganga at walang may lakas ng loob na umawat sa kanya.
Pero si Mark umawat na.
"Tol, walang ganyanan... Magtatagumpay ka promise! Kaya mo yan!" Natauhan naman ang gagong si Enrico.
"S-sorry tol.. Sorry. Di ko macontrol ang galit ko.. Sorry talaga."
"Ahh hehe ayos lang!! Ano ahh sorry rin sa nasabi ko.. hehe" hehe ako ng hehe noh?
he!
"Enrico!! Mahal na mahal kita!! I love you!! Ikaw lang ang mamahalin ko ever!!" Nagulat kami nung mag play yan. Nakita ko si enrico may speaker na maliit. naka connect dun ang cellphone nya na may records ata ng boses ni Ayesha na sinasabing mahal kita mahal kita!
"Daga! Kain na dali!! Uubusin ko ying cheese sige ka! Dali na!"
"Ayaw ko! Suboan mo ako Mommy!" pfft natawa ak ng bahagya. Tangina sya tulala sa tabi nung speaker. Wow ahh!
"Oh sige!"
"Hmm sarap naman ipis! Ang sarap mo mag luto kesa kay Clark."
"Ano kam--" bago pa matapos ni clark ang sasabihin nya, tinakpan ko na ang bibig nya. Ayun timahimik. Si ikoy? ayun. Liligawan. na ata yung sahig. Kanina pa sya nakatitig dun ehh.
"Enrico, ipangako mo na ako lang ang mamahalin mo at Iibigin mo. Dahil pag may iba ka na, mapapatay kita. Brutal ako kaya wag kang gumanon!" haha.. syempre sa isip ko lang yan.
"Oo naman. I love you.." ayun. Natapos na yung recordings.
Edwin's POV
Hindi ko kayang nakikita ang kapatid kong ganito. Ano bang nangyare oo alam ko ang nangyare pero ano bang nangyare sa kapatid ko at ganyan sya. What i mean, dapat hindi sya ganyan. Dapat, malakas sya kase alam nya sa sarili nya na kaya nyang patayin ung masamang tao-- teka, lolo namin yun ah! Pero! kay ikoy ako kakampi! Di siguro maka move on si lolo sa pagkatalo ng company.. Sila mommy nga ehh naka move on na. Pwede pa namang mag negosyo ulit. Magsimula ulit diba? Brutal kase yun ehh.
"Tol, nandito kami. Youre not alone." Sabi ko kay enrico pero ngumiti sya pero papilit. At saka tumayo sa kinauupuan nya. At ayun, sumakay sa kotse nya. ewan ko kung saan pupunta yun.

BINABASA MO ANG
Must Date The Playboy
Novela JuvenilSi Ayesha Claire Valdez ang babaeng medyo pikunin, mang-aasar, pero joker. Ayaw nya talagang pumasok sa mga lovelife.. Ito ang sinabi nya sa sarili nya: "Walang kwenta ang lovelife... Walang maidudulot na maganda saken yan. Ayoko pumasok sa ganyan...