Chapter I

5 0 0
                                    

Alexandrea POV

Bago ang lahat mag papakilala muna ako, ako nga pala si Alexandrea Monte-Mayor at gaya nga ng iniisip nyo isa akong bampira, hindi lang basta bampira 2nd digree pure blood vampire ako gaya ng mga magulang ko, pero hindi pa panahon para malaman nyo ang katauhan ko darating din tayo dyan. Mabalik tao sa story. Nagulat ako ng iniinum ko ang dugo ng lalaking ito sapagkat kakaiba ito may kakaibang lakas ang naidudulot sa Sistema ko sapag pasok ng dugo nya sakatawan ko para akong nabibigyan ng bulta bultaheng lakas ngunit bigla kumunot ang noo ko sapagkat kung hindi ako nag kakamali dugo ito ng isang Pure blood ang dugong ito ay katulad ng kay King Isaac walker ang kasalukuyang namumuno sa mga bampira sa buong mundo ang pinakamalakas na bampirang nabubuhay sa panahong ito, bigla ko nalang nabitawan ang pag kagat dito at nasabing Isa kang Pure Blood.

Sa hindi inaasahang oras at panahon mukang magkakaron na ako ng ideya upang masimulan ang pag hahanap sa nawawalang prinsepe. Kaya agad kong binuhat ang lalaking ito at nag teleport sa condo na inuupahan ko, walang ilang Segundo andito na ko sa condo at inihiga ko sya sa supa upang mapunasan ng mainit na tubig dahil tyak naman ako na hindi ko ito napatay dahil hindi ko naubos ang dugo nya at pinalitan ko din ito ng venum ko, ng matapos ko punasan ng mainit na tubig ang mukha nya nagulat ako dahil sa hindi ko inaasahang pangyayari bigla nag liwanag ang buong katawan nito at ng dumilat ang mata nito ay sobrang pula  walang katulad ang mga mata nito kahit saang antas ng bampira kahit ang kasalukuyang hari ay hindi ganito kapula ang mata, at unti unti ding nag babago ang katawan nito ito ang senyales na umeepekto na ang venum ko hangang sa sumigaw ito ng pag kalakas lakas at nakakabingi mabuti nalang sound prouf ang condo ko at hindi ganun kalakas madidinig sa labas,

Nagulat ako pagkat sumuka sya ng dugo at tyak ko venum ko ang niluluwa nya, napaisip nalang ako dahil bakit nya niluluwa ang venum ko dahil ba pure blood ito at hindi tinatangap ng dugo nya ang venum ko marahil ay dahil sa mag kaiba ang venum ng dugo naming kaya ito nangyayare. At matapos nitong sumuka ay bigla ulit ito nawalan ng malay at unti unti nawawala ang liwanag sa buong katawan nya marahil sa pagod at sakit at nakatulog na ng tuluyan ang isang ito. Duon ko sya napag masdan at hahaha natawa nalang ako dahil sa pisikal nitong anyo hindi ito maituturing na pure blood dahil ang payat nito kanina at wala sa tamang hubog ang katawan at ang mukha nito hahaha epic, hindi sa sinasabi kong pangit ang lalaking ito pero basta kayo na bahala mag isip hahaha. Pero alam kong mag babago ang anyo ng taong ito sa oras na maging isa itong tunay na bampira, habang nag papahinga ako ay napaisip ako kung bakit katulad nito ang dugo ng hari at bakit isa itong tao dapat kung pure blood ang dugo neto ay dapat isa itong bampira. Ang daming katanungan pumapasok sa utak ko at hindi ko masagot dahil wala akong idea sa taong ito, pag kagising napag kagising nito gagawin ko ang lahat para malaman ang mga kasagutan sa mga katanungan ko.

Lucas POV

Pag ka mulat ng mata ko nasa madilim na lugar ako at wala akong maaninag na kahit ano duon ko naisip ang lahat ng nangyare sakin ng ubusin ng walang hiyang babaeng yun ang dugo ko marahil ay patay na ako at nasa kabilang mundo na ako ang hindi ko lang maisip eh bakit ang dilim kung patay na ako at nasa kadiliman ako baka naman sa impyerno ako napunta huhuhu bakit naman ganun naging mabuting tao naman ako bakit dito ako napunta huhuhuhu. Masisisi nyo ba ako dahil kahit naman sino ayaw natin mapunta sa ilalim diba. Pero habang nag mumukmok ako sa kinakatayuan ko may bigla tumawa at pag kamulat ko bigla nag iba ang paligid may nakita akong apat na pinto magkakaiba ang hugis at anya at sa bawat pintong ito ay may mga kakaiba akong raramdaman, lakas, kapangyarihan at misteryo hangang may isang lalakeng lumabas sa pang apat na pinto nagulat ako pagkat pamilyar sakin ang lalaking ito ngunit nagulat ako sapagkat ang bilis nito sa ilang sandali ay nasaharapan kona ito sa sobrang gulat ko napaupo at at gumapang, naiisip ko bakit hangang sa kamatayan eh hinahabol ako ng mga nilalang na ito hangang dito ba naman uubusin dugo ko langyang buhay to oh, ay mali langyang patay to oh, sapag gapang ko ay kinutongan ako napaaray ako sa sakit at napatingin ako sa lalaking ito duon nag salubong ang dalawang kilay ko dahil nakangiti ang loko, at sa hindi inaasang pag kakataon na sipa ko sya pero nailagan nya ito at saka humalakhak ng tawa nagulat ako sa turan ng lalakeng ito alam kong kakaiba sya at alam kong bampira ang isang ito at hindi ako natatakot dito dahil alam ko naman patay na ako at wala na din naman ako magagawa.

At bigla tumigil ang isang ito sapag tawa at dun sumeryoso ang mukha at bigla ito nag salita.

Nakakawalang gana naman ikaw pa ang pagsasalinan ng kakayahan ko nakakainsultong isipin na ikaw ang tagapag mana ng kapangyarihan ko - lalake

Kumunot bigla ang nuo ko at napaisip na nababaliw na ba ang isang ito kapangyarihan? Tagapagmana? Pero teka baka naman ito si kamatayan at sinusundo na ko nito at teka lang bampira pala si kamatayan.

Ano bang pinag sasabi mo dyang? Tagapag mana? Kapangyarihan? Aanhin ko yan eh patay na nga ko diba isa pa ayaw ko ngang maging kamatayan ikaw nalang mukang bata ka pa naman ehh. Kaya mo pa yang wag ka tamarin magagalit yung nasa taas ikaw din - ako

Tumawa lang ito at hindi mo pa naiintindihan darating din tayo dyan sa oras na ito kailangan munang gumising dahil hindi kapa patay dahil hindi ako papayag na mamatay ang taga pag mana ko. Sa gumugulong kaharian ng aking ama ay hindi ako makakapayag na magpatuloy ang baluktot na pamamahala at patuloy na maghahari harian ang kapatid ko.

Teka teka kung may hindi kayo pag kakaintindihan ng kapatid mo wag nyo ko idamay away nyo yan - ako

Damay kana simula palang ng ipanganak ka sa mundong ito - lalake

Pano ko nadamay eh hindi ko nga alam kung ano pinag aawayan nyo, kaharihan? Ano ka prinsepe? Haha wag ako kuya iba nalang pls. - ako

Malalaman mo din ang katotohanan sa katauhan mo at pamilya natin ikaw ang bagong tagapag mana ng kapang yarihan ko ay mali ikaw pala ang susunod sa yapak ko at yapak ng ating mga ninuno- lalake

Nababaliw kana ngang talaga - ako

Hahahaha gaya ng sabi ko hindi pa panahon para malaman mo ang lahat at hindi ako ang dapat mag paliwanag nito- lalake

Wag ako kuya pls iba nalang ho! - ako

Tumigil ka Lucas Fierer Aragon!! Nakaka binging hiyaw nito, natakot ako dahil sa kakaibang aurang lumalabas sa kanya at nanginginig ako.

Kung gusto mo talagang malamang ang katotohanan sa pamilya mo at katauhan mo tulungan mo ang babaeng kumagat sayo at umuwi ka ng probinsya at kausapin mo ang iyong ama alam nya ang lahat ng nakatagong lihim na ating pamilya!! - lalake

Sa takot ko ay napatango nalang, pero- ako

Bila nalang syang sumingit ng hindi pa ako tapos

Wala ng pero sundin mo ang gusto ko para din yan sa kaligtasan mo at kaligtasan ng kalahi natin pati ng pamilya mo - lalake

Bigla ako napaisip sa mga sinasabi nito alam kong malaking kalokohan ang nangyayaring ito. Pero bakit pakiramdam ko sa sarili ko kailangan kong sundin ang iniuutos nito marahil dahil damay na din ang pamilya ko. Pag tingin ko sa paligid ay wala na ang lalake at ako nalang mag isa ang nandoon na nakaharap sa apat na pinto. At bigla ko nalang narinig ang boses nung lalake at sabing kailangan munang bumalik at tuparin ang nakatakdang tadhana para sa iyo at dun bigla nalang lumiwanag ng sobra sobra at napapikit ako. Pag ka mulat ko nakahiga na ako sa kama at nasa ibang kwarto ako kwarto ng ibang bahay at hindi ito pamilyar sakin at agad din naman ako bumangon at nilibot ang aking paningin dahil hindi pamilyar ang kwartong ito. At duon ko naalala ang panaginip ko pero pakiramdam ko tutuo ang ngyaring iyon at bigla ko din naalala ang nangyare sakin kagabi at agad ko hinawakan ang leeg ko wala naman sugat at buhay pa ako pero may isang parte ng utak ko na nag sasabing tutuo ang mga nga iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Long Lost Vampire PriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon