Pagkauwi ko galing school, hindi na ako kumain at dumiretso na ng kwarto ko.
Pagkapikit ko, nakatulog agad ako at nanaginip.
Nakatayo lang ako at dinadaan-daan ng mga tao. Parang hindi nila ako nakikita.
Ang ganda ko kaya. Imposibleng hindi nila ako makita.
Ah. Nananaginip siguro ako.
Biglang may nadapang bata. Tinulungan ko siyang tumayo.
Napansin kong parang malapit na siyang umiyak, pero hindi lang 'yun 'yung napansin ko. May nakatali sa kamay niya na tali.
Isang mahabang linya.
Pero hindi 'to aabot ng lupa. Sa dulo ng tali, may stuffed toy din na nakatali na parang sobrang bigat. Banat na banat kasi 'yung tali.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa bata.
"..."
Ang creepy lang 'te.
"Ahhhh. Sige. Byee." Bahala ka dyan. Ang creepy mo boy.
SNAP!!
Nagulat ako sa narinig ko. Nakakabingi! Lumingon ako sa batang nadapa. Umiiyak. Putol na 'yung tali na may teddy bear.
Natakot ako kasi napansin kong lahat ng taong hindi ako pinapansin kanina ay ngayon nakatingin na sa'king lahat.
CREEPY MUCH!
"Wala 'kong ginawa dyan sa bata ah."
Nakatingin lang sila sa'kin. The hell. Ang creepy niyo kaya.
Lalo pa akong na-creepihan ng makita ko ung mga nakatali sa kanila.
'Yung isang babae may nakatali sa paa niya na color pink na tali tapos may nakatali pang bag.
May lalaki naman na may tali sa tuhod na color brown tapos sa dulo 'nun ay may bola na walang hangin.
May isa pang matanda na sa daliri naman may nakatali. Maikli lang 'yung sa kanya tapos may nakataling.. Never mind.
Basta sobrang dami nilang nakatingin sa'kin. Same silang lahat. May nakataling kung ano sa kanila.
"Wala nga akong ginawa sa bata!"
"...."
O..kay. Oras na para gumising.
SNAAAPPPPPP!!!!!!!
Biglang sabay-sabay naputol lahat ng tali sa katawan nila. Napakaraming linya.
"Ah!!"
Nahulog ako sa kama.
Naalala ko 'yung panaginip ko. Brrrrrr!!!
"Creeeepyyyyyy."
Tinignan ko 'yung orasan ko. Luh. 5 am na agad. May pasok pa 'ko. Friday pa naman.
Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili para sa pagpasok ng school, lumabas na ako ng kwarto at ready for breakfast.
"Aba himala. Ang aga mo ngayon Rio." Sabi ng mama ko.
"Binangungot ako eh. 'Yung mga tao daw may mga nakatali sa kanilang parang mga linya tapos-" Hindi ko na natapos 'yung sasabihin ko kasi pagkatingin ka sa mama ko, may nakatali sa tenga niya na color yellow na sobrang nipis na linya tapos sa dulo may nakataling hand bag.
"Ahh!!!!! Ano 'yan?!" 'Di 'ko napigilang sumigaw at mapatayo sa kinauupuan ko dahil sa gulat ko.
"Ha?! Ang alin?! Saan?! Ano 'yun?!" Sabi ng mama ko habang nagtatatalon.
"Anong meron?" Sabi bigla ng kapatid kong si Ria na kakagising lang.
"Ikaw din! Ano ba 'yan?!"
May nakatali na mang maikli na color pink sa bewang ni Ria at sa dulo ay napakalaking dictionary.
"Ang alin ba?!" Sigaw ni Ria.
Nagulat ako ng biglang bumanat 'yung tali sa bewang ni Ria. Parang mapuputol na.
"Hindi niyo ba nakikita?"
Pinukpok ako ni mama sa ulo.
"Aray!"
"Akala ko naman kung ano na. Tulog ka pa ba? Ha?" Galit na sinabi ni mama.
"Pero-. Sure kayo hindi niyo nakilita 'yang-. Ayan nakasabit- E-."
"Ewan ko sa'yo." Pagkasabi 'nun ni Ria bumalik sa dati ung string sa bewang niya.
"Hala. Nananaginip pa ata ako." Pinunasan ko 'yung mata ko at kumurap ng maraming beses. Tingin kay mama.
Andun pa din 'yung tali.
Mukha namang wala talagang nakikita si mama.
Gising naman ako? Luh.
So ako lang nakakakita ng kung ano man 'to?
Luh.
"Ang Creepy 'day."
BINABASA MO ANG
Invisible Lines
Short StorySi Orion "Rio" Pawa. Self-proclaimed "beautiful & genius". Isang gabi ay bigla siyang binangungot at paggising niya nagkatotoo ang bangungot niya. Ano ba kasi ang mga nakikita niyang linya na nakatali sa lahat ng mga tao na nakapaligid sa kanya? Kin...