2: Bully

3 0 0
                                    

Grabe. Lunes na agad. Sa wakas. Matatapos na din 'yung panaginip ko tungkol sa transferee. Simula kasi nung napanaginipan ko 'yun, pagnakakatulog ako, ayun at ayun lang ang napapanaginipan ko. Unli.

"Rio. Baon mo oh." Sabi ni mama sabay abot ng 100.

"Thankies." Hindi ako tumitingin kay Mama. Nakakairita 'yung tali na may bag. Tsk.

"Eto 'yung iyo Ria." Nagabot naman si Mama ng 50pesos kay Ria.

"Bakit 50 lang?" Nakangiting sinabi ni Ria. Napansin kong medyo gumalaw 'yung nakatali sa kanya. Eww.

"Bakit? Half day lang naman kayo ngayon 'di ba?" Sabi naman ni Mama.

"Ehh. Porket half day, half na din ang baon?" Naiinis na sinabi ni Ria. Choosy pa 'to. Nung elem nga ako 15 pesos lang baon ko.

"'Wag ng magreklamo at pumasok na lang ng school." Sabi ni Mama. Tama. Reklamador kasi masyado.

"Alis na ko Ma. Bye."

"Sige. Magingat sa daan Rio ha."

Teka wait. Itry ko kayang makipag apir kay Mama?

"Ma. Apir nga tayo?"

"Bakit?"

"Basta Ma." Nag apir kami ni Mama at nakakita nanaman ako ng slideshow sa utak ko. Ah. Ang sakit sa ulo.

"Ma. Pag maglalakad kayo mamaya sa kalsada, tingin tingin sa baba pag may time. Makakaapak kayo ng poopoo. Bye ulit!"

Pagkasabi ko nun ay umalis na ko.

"Ha!?" Narinig ko pang sinabi ni Mama.

6:30 pa lang ng makarating ako sa school. Tch. Ang dami na agad tao sa room. Mga excited pumasok.

"Rio! Wassup?!"

"Huh? Sino 'yun?"

Kunwaring hinahanap ko kung sino mang tumawag sakin.

"Haha. Nakakatawa grabe."

"Ay. Ikaw pala Stan. Akala ko hangin." Si Stanley Lopez ang tumawag sa akin.

Kung may Orion Pawa na bully sa babae. Siya naman ang sa lalaki. Kahit parehas kaming bully. Ayoko sa panget na 'to.

Lakas ng loob mambully eh pangit din naman siya. Tsk.

"Ang aga aga nambubully ka. Aw. Nasa dugo mo na talaga ang kasamaan." Pa-cute na sinabi ni Stan. Blegh. Kadiri. Papangit pala na sinabi ni Stan.

"Ano bang trip mo?" Bwiset na 'to. Ang aga aga.

Tapos nakikita ko pa 'yung nakatali sa leeg niya tapos sa dulo 'nun may... What the Shrek.

Lipstick?

"Wala lang. Gusto ko lang makita mukha mo." Eewwwwwwwww hangang sa kamatayan. Creepy 'day.

"Bakit? Kasi pangarap mong maging babae?" Lol.

"B-baba- Wha-. Anong sinasabi mo? Ha? A-ah. Sige. Later."

Huli ka balbon. Ah. Kaya pala lagi niyang tinitignan ang maganda kong face. Naiingit pala. Ahahaahaha. Bading.

"Rio? Anong nangyari kay Stan. Parang nakakita ng halimaw." Dumating na si Quell.

"Ewan. Baka tumingin sa salamin?" Sabi ko at pumasok na kami sa room.

Hindi sabay ah. Pag nagsabay kami pumasok, 'di kami kasya. Ahahaha.

"Hoy. Nilalait mo nanaman ako no? Nako. Bumibingo ka na sakin."

"Eto naman. Baka masapak mo lang ako, patay na ko agad. Bata pa ko huy."

"Buti alam mo. Hi Beck! Ano lunch mo ngayon?" Biglang lumindol nung tumakbo si Quell papunta kay Beck.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Invisible LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon