1: Premonition?

7 0 0
                                    

"Bngakash tufshlog ka pasfh?"

"Ha?" Hindi ko naintindihan sinabi ni Quell. Puno kasi ang bunganga ng chichirya.

GULP!

"BAKA TULOG KA PA!!"

"Kailangan sumigaw 'te?! Punasan mo nga 'yang mukha mo. Ang dumi 'te."

Pinunasan ni Quell 'yung mukha niya.

"Kung hindi ka bangag, nakadrugs ka. Hm. Tama. Drugs 'yan. Masama 'yan 'te."

Pagkasabi niya nun kumuha siya ng isang dakot ng chichirya at pinasak sa malaking bunganga niya.

"Hindi ako naka-drugs timang! Tsaka muka ba akong bangag? Sa ganda kong 'to?"

"Luh. Magandsha dawsh shia." (Luh. Maganda daw siya.)

"Anong sabi mo?" Tsk. Dapat 'di ko na sinabi dito sa mataba 'kong kaibigan na tinalo pa si Hulk sa laki ng katawan.

"Hoy! Nilaisht mo ksho shia ishifp mo no?!" (Hoy! Nilait mo 'ko sa isip mo no?!)

"Hindi ah! Penge nga!" Medyo naintindihan ko sinabi niya. Lol. Mind reader lang.

"Nakakainis talaga! Isang linggo na 'kong ganito! Ano ba kasi 'yang mga 'yan? Ang Creepy!!"

Inis kong sinabi.

"Ang alin nga ba kasi?"

Ugh. Ako lang talaga ang nakakakita sa linyang nakatali sa malapad niyang braso na may nakataling skirt sa dulo.

"'Yan!!" Sabi ko sabay turo sa braso niya.

"Ay ang hard. Oo na, matagal na nating alam na malaki braso ko. Fact na 'yan. So ano nga nakikita mo?"

"UGH!!!" Kainis!!! Someone! Help me!!

BAM!

"Hallow Human and unknown creature. Nandito na si Captain Beck na pinatawag niyo!"

"Rebecca!! Tulong!!"

Umupo si Rebecca a.k.a. Beck sa tabi ni Racquell a.k.a Quell.

"Bakit? Sinakop na ba ng mga aliens and unknown creatures ang planet earth?"

Sabi ni Beck sabay kuha ng chips ni Quell.

Andito nga pala kami sa kwarto ni Quell nakatambay kasi half day ngayong araw ng friday at naisipan kong sabihin sa kanila ang prinoproblema ko simula pa last friday.

"Ikaw ata ang naka-drugs Beck."

"Kayafhs nsga. Unknoghswn creashture ka djyan." (Kaya nga. Unknown creature ka dyan.)

Dugyot talaga ni Quell.

"Haha. Ganito na talaga ako mga ate. Ano ba kasi 'yan Rio. 'Di lang ako pumasok kanina, nakulam ka na. Quell ubos na. Kuha ka pa."

Sabi ni Beck. Ay oo nga. Baka nakulam lang ako. Pero imposible eh. Wala namang akong kilala na galit sa akin.

"Hindi ako nakulam, imposible 'yun"

"Maka imposible wagas. Parang ang bait mo sobra ah." Sabi ni Quell na biglang may hawak na agad na hindi pa bukas na chichirya.

"Tse. Basta iba 'to."

"Ikwento mo na lang ng buo para mainitindihan namin ni unknown creature." Sabi ni Beck.

"Isha pang unknown creashure,aalis ka na sa kwarto ko." Sabi naman ni Quell habang nilulunok 'yung kinakain niya.

"Jokies lang."

Ikwekwento ko ba talaga sa tatlong- este dalawang 'to eh mukang mas malakas pa tama sa'kin netong mga 'to.

Invisible LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon