2nd Chapter

13 0 0
                                    

Nagdissmissed na si Sir Gomez ng klase at lahat kami ay naghahanda na sa pag uwi..

Niligpit kona yung notebook ko, napatingin naman ako sa ballpen na hanggang ngayon ay hindi koparen nasasauli kay Lucas.

Hindi ko maipaliwanag pero kinakabahan ako na ewan sa tuwing tinitignan ko tong ballpen na to, at mas lalo pa akong kinabahan na ngayon ay dapat isauli ko na kay Lucas itong ballpen nato.

Iniwan ko yung bag ko dun sa lamesa ko at lumapit sa kanya. Tahimik siyang nagliligpit ng gamit niya. Napahinga ako ng malalim, nasa likuran niya lang ako kaya hindi niya pa ako nakikita.

Kinalabit ko yung balikat niya bg dalawang beses tsaka ko binawi yung kamay ko.

1....

2...

Lumingon siya saakin ng normal lang yung mukha, ngayon mas malapit na yung mukha niya at kitang kita ko yung maamo niyang mga mata, ang matangos niyang mga ilong at pati yung mapupula niyang labi.

"Bakit?" tanong niya. Mas rinig ko narin ngayon yung boses niyang malalim.

Saglit akong napatulala dahil sa kanya. Hindi ko na alam ang tunay na pakay ko dahil sa bigla kong napatitig sa kanya.

"Ah.. bakit?" Isa pa uling tanong niya kaya medyo natauhan na ako.

Pinaibaba ko yung tingin ko sa kanya at tumingin doon sa ballpen na hawak ko, hiyang hiya ako ngayon dahil bigla nalang akong napatitig sa kanya ng walang dahilan.

"Ah.. eh. Ahm..I-ito yung ballpen mo oh.. S-salamat.." nahihiyang sabi ko sabay abot sa kanya ng ballpen na hawak ko.

Hindi pa niya kinukuha yung ballpen ko kaya napa angat ang tingin ko sa kanya, nakatingin lang siya saakin, nakangiti yung mga mata niya pero yung bibig niya hindi naka korte yung ngiti.

Ako naman ay naghihintay lang na tanggapin niya yung ballpen habang nakatingin ako sa kanya nang nagtataka.

Tapos... ngumiti rin yung labi niya.. saglit akong napatulala dahil sa ginawa niya.. ang ganda. Sobrang ganda niya ngumiti. Tingin ko bawat tao na makikita siyang ngumiti ay mapapangiti narin dahil sa ginawa niya.

"Sa'yo nalang yan." Nakangiti niyang sabi saakin.

"H-ha? T-talaga? Seryoso ka?" Nag aalinlangan kong tanong.

"Mm. Sige. Kung ayaw mong tanggapin yan," nagbreak pa siya. "Bigyan mo nalang ako ng isang bagay." Sabi niya.

"Eh?" Weird na tanong ko. Ang weird din kasi ng sinabi niya.

Ngumiti lang siya "Isang bagay na luma na.. kagaya ng ballpen na yan." Nakangiting sabi niya.

"Huh? W-wala naman ata akong lumang bagay." Sabi ko sabay kamot sa ulo.

"Kung wala..  tanggapin mo nalang yan. Sa'yo na yan ha?" Sabi niya.

kinuha niya yung bag niya at tahimik na lumabas ng classroom at iniwan akong nakatulala roon.

Hawak hawak ko parin yung ballpen niya habang pinagmamasdan siyang umalis.

Nung bumalik na yung senses ko ay napatingin ako kay Clarice na kakagaling lang sa washroom.

"Tara na Sy?" Tanong niya.

Tinignan ko uli yung ballpen, tapos tumingin ako kay Clarice..

"S-sige." Sabi ko at pumunta sa upuan ko para kunin yung bag ko at sabay na kming umalis sa room ni Clarice.

~°~

Nandito na kami sa kwarto ko sa itaas, pagkagaling palang namin sa school ay dumiretso na agad is Clarice dito para samahan akong basahin yung letter.

A Letter From The Past (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon