GiHan's Note:
Magpapasalamat lang sana ako kay Rishly_KY dahil sa pagbibigay saakin ng lyrics. Hahaha. 5 chapters to goo! ^^
--
Nakatingin lang ako sa kanila habang nagwawala na ang puso kosa loob. Kung ano ano ang sumasagi sa isip ko.. kaya ba nila ako pinalilibutan dahil babarilin nila ako? Yung kagaya ng pagkamatay ni Jose Rizal? What the hell?!
Mas lalo akong kinabahan ng lahat sila ay nilagay ang mga kamay nila sa likod.
Nanlaki ang mata ko ng may hinugot sila mula sa kanilang likod kaya napapikit nalang ako ng mariin at tinakpan ang dalawang tenga ko. Ito na ba iyon? Maghihintay nalang ba ako na pumutok ang baril at mataaman ako?
Nanatili akong ganoon ang posisyon. Hindi pa ako handang mamatay.. ni hindi ko pa nga nakikita si Mama o kaya si Lucas eh! Bakit ba ganito?
Hinintay kong dumapo saakin ang baril. Napakunot naman ang noo ko ng ni isang putok o tunog man lang ay hindi ko marinig.
Unti unti kong dinilat ang mata ko at ibinaba ang kamay kong nakalagay sa magkabilang tenga ko.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang mga taong nakapalibot saakin ay wala ng mga suot na mask sa bibig nila.
Napaawang ang bibig ko ng makita ko kung sino sila isa isa. Nasa harap ko ngayon si Clarice habang sobrang lawak ang ngiti na nakatingin saakin, meron sa kanyang kamay ang isang blue rose.
Napakunot ang noo ko habang nakanga nga parin, sinulyapan ko ang nasa gilid ko at halos malaglag ang panga ko ng makita ko si mama, ganun din ang kanyang ekspresyon at may hawak din siyang kulay blue na rose.
Tumingin din ako sa likod ko at nakita ko ang isang hindi kilalang lalaki na seryoso lang ang mga matang nakatingin saakin, may hawak din siya rose. Napakunot ang noo ko ng mapagtantong siya yung taong binatukan na nangidnap saakin.
Tama nga ang hinala ko at gwapo ang mukha niya. Umiwas agad akong tingin at tumingin sa kanyang gilid. Andun yung isang lalaki na may mapaglarong ngiti sa kanyang bibig, may hawak din siyang rose.
Napanganga nalang ako at tinakpan ang aking bibig. Anong ibig sabihin nito? So..hindi pala totoo? Andito silang lahat nakapalibot saakin at may hawak hawak na bulaklak? Ano ako mamamatay na?
Nagulat ako ng isa isa silang lumapit saakin at ibinigay ang roses na hawak nila. Unang lumapit si Mama na naluluha ang kanyang mata.. what's with that face.
Nilapitan ko si mama at sinalubong ng yakap, sobrang nag aalala ako sa kanya, akala ko hindi ko na siya makikita.. niyakap din niya akong ng mahigpit.
"Para sayo anak." Nakangiting sabi ni mama at binigay saakin ang rosas na hawak niya.
Nagtataka ko iyong tinanggap mula sa kamay niya. Umalis si Mama at sumunod na lumapit ay si Clarice. Nakangiti din siya habang naluluha.. ano ba ito?
Niyakap niya ako ng mahigpit, napangiti ako at niyakap rin siya pabalik, una siyang kumalas sa yakap at ibinigay din saakin ang rosas na hawak niya. Tinanggap ko iyon..
"I'm so happy for you, Sy.." masayang sabi niya at umalis. Napakunot nalang ang noo ko..
Napangiwi naman ako ng makita kong lumalapit din yung lalaking nangidnap saakin, siya lang ang naiibang ekspresyon sa lahat, imbis na nakangiti siya ay poker face lang siyang nakatingin saakin.
Seryoso niyang binigay saakin ang rosas. Napataas ang kilay ko.
Umirap siya sa hangin at kinuha ang kamay ko at nilagay doon ang rosas.
BINABASA MO ANG
A Letter From The Past (Short Story)
Cerita PendekI keep having a letter, even it's 21st century. At sobra pa akong nagtataka kasi imbis na 2016 ang date sa letter.. it comes out na 1975 ang nakalagay. And I really wonder kung sino ang nagpapadala saakin nun. Dear Sender, kung sino ka man. Malaki...