GiHan's Note:
Hi! This Chapter is dedicated to Rishly_KY. Hope you'll like it girl! ^^
---
Nakahiga lang ako sa kama habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Hindi parin ako nakatulog ngayon dahil sa kakaisip tungkol sa letter at lalo na yung naencounter ko yung lolo dun sa park.
Napbuntong hininga ako nung naalala ko, tinignan ko kasi yung puno dun para tignan kung ano yung kinakapa ni lolo dun kaya mas lalo akong nagulat ng makita ko yung naka-ukit dun sa puno.
Lucas tapos may heart shape pati nakaukit dun yung pangalan ko.
Mas lalo akong hindi mapakali dahil kaming dalawa nga ni Lucas yung tinutukoy dun sa letter nayun. hindi ko alam pero hindi naman kami masyadong close ni Lucas. Pero, paano kung gumawa ng paraan yung tadhana para maging close kami.
Napapikit nalang ako sabay sinabunutan ko yung buhok ko. Ano ba tong iniisip ko?
Pero bigla akong natauhan ng may biglang nagdoorbell sa pinto namin.
Agad akong napabangon at sumilip sa bintana kung sino yung nagdoorbell sa pinto namin.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong naghuhulog ng letter sa mailbox yung lalaking nakasumbrero at agad na umalis sa bahay namin.
"Kuya! Kuya saglit lang!" Sigaw ko dun sa bintana ko pero huli na ang lahat dahil sa sobrang bilis niya ay hindi niya na ako narinig.
Nagtaka naman ako, postman kaya yun? Mukhang hindi eh. Hindi naman siya nakauniform, tsaka wala siyang dalang mga ibang sulat para ipadala sa ibang bahay eh.
Sino naman kaya yun?
"Anak. Kuhanin mo nga yung sulat sa baba. Maghanda kanarin sa pagpasok mo." sabi ni maa pagkatapos kumatok sa pinto ko.
"Opo ma." Sabi ko.
Bumaba na ako mula sa kwarto ko at agad na lumabas para kunin yung letter sa mailbox. Sigurado akong ganung letter nanaman ang matatanggap ko at hindi bill.
Binuksan ko agad yung mailbox at agad na pumasok sa loob dahil mainit sa labas. Umupo ako sa sofa at tinignan yung letter dun. Napabuntong hininga nalang ako na ganun parin nga yung letter dun.
Babasahin ko na ba ngayon?
Napatingin ako sa orasan ko at magsisix o'clock na pala at hindi pa ako nakakapaghanda sa pagpasok. Agad akong tumayo at dumiresto sa taas, nilagay ko muna sa bag ko yung letter at dumiresto na sa CR para maligo.
"Bye ma. Alis na po ako." Sabi ko sabay halik sa pisngi niya.
Papunta na ako sa pintuan pero agad din akong napabalik kay mama ng may maalala ako.
Kinuha ko sa wallet ko yung pambayad ng kuryente at agad na lumapit kay mama
"Ma. Eto po oh, pambayad sa kuryente." Nagmamadaling sabi ko at kinuha yung kamay niya para ipatong dun yung pera.
"S-saan naman nanggaling to ana--" hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya dahil agad din akong nagsalita.
"Basta ma. Bayaran niyo na po yan ah? Baka maptulan pa tayo, bye maa!" Sabi ko.
Umupo ako sa may pintuan at saka nagpalit ng sapatos ko.
Binuksan ko na yung pinto at tsaka naglakad papasok sa school. Walking distance lang naman kasi yung school namin dito kaya di na ako nag aabala pang mamasahe. Sayang lang sa pera kung malapit lang naman yung eskwela.
Nakarating naman ako agad sa klase ko at thank god dahil wala pa yung adviser namin.
Natamaan ko pa yung pwesto ni Lucas na ngayo'y nakatingin saakin. Ngumiti naman siya na ikinagulat ko pero agad din akong nagrespond ng ngiti sa kanya.
BINABASA MO ANG
A Letter From The Past (Short Story)
Short StoryI keep having a letter, even it's 21st century. At sobra pa akong nagtataka kasi imbis na 2016 ang date sa letter.. it comes out na 1975 ang nakalagay. And I really wonder kung sino ang nagpapadala saakin nun. Dear Sender, kung sino ka man. Malaki...