"Girl! Yung manliligaw mo nasa labas na."
Halos mapatalon ako sa sigaw nitong baklang to. Nag aayos kasi ako ng gamit dahil uwian na.
"Gaga. Hindi ko manliligaw yun no!" sabay sukbit ng bag ko.
"Whatever you say bakla. Ang gwapo pa ng papabol mo na yan ah! Baka maagaw pa sa'yo yan." pang aasar pa niya.
"Will you please shut up?" pang aasar ko sa kanya.
"Naku Mia, ikaw na bahala." natatawang sabi niya. "So mauna na ako ha? Baka maka istorbo pa ako." maharot na sabi niya at tsaka ako bineso at kumaway lang kay Agos.
Samantalang si Agos natatawa na lang.
"Nakaktuwa yang kaibigan mo ah." kasabay nun yung matamis na ngiti.
"Ireto ktia gusto mo?" sabay tingin sakin ng masama.
"Abnormal ka din no?"
"Ngayon mo lang nalaman!? Mag iisang taon na tayong mag kasama, ngayon mo lang nalaman? Ako pa abnormal ng lagay na yon?" kurot ko sa tagiliran niya.
"Oo." tipid niyang sabi habang natatawa.
Naglakad lang kami hanggang sa makalabas na kami ng school.
Sanay na ako na ganito kami. Aabutin ng ilang oras sa pag lalakad... hindi naman kami nababagot sa isa't-isa.
Sa halos amg iisang taon naming mag kaibigan, hindi mawawala ang tampuhan at awayan. Lalo na kapag...
"Hi Agos!" maharot na sabi ng isang babae kasama ang mga barkada niya.
Nag bow lang si Agos at tsaka kumaway pabalik at binigyan ng ngiti ang babaeng tumawag sa aknya.
Dahil sa inis ko ay kumapit ako sa braso niya sabay flip ng hair ko.
"Baby, sino siya? Kilala mo?" tanong ko habang tinitingnan ang babaeng ngayona y nag sorry samin.
Napangiti lang si Agos dahil sa inakto ko. at agad ding bumitaw nang makalampas samin yung mga babae at dali dali akong lumayo sa kanya.
"Hey wait. Galit ka nanaman eh." bigla akong humarap sa kanya para tumama sa kanya yung buhok ko. But sad to say hindi naman umabot sa mukha niya.
"Naks. Gumaganon oh! Maiksi naman yung buhok." pang aasar pa niya kaya tinabig ko yung kamay niya.
"Ewan ko sa'yo!" nilalait niya kasi yung buhok ko eh! T_T
"Eto parang binibiro lang eh." pag lalambing niya habang inaakbayan ako. "Mag pahaba ka na kasi ng buhok."
"Alam mo naman ang deal ko. Sorry wala pa akong nakikitang right guy para sakin kaya hindi ako mag papahaba ng buhok."
Nag nod na lang siya at pilit na ngumiti sakin.
Nakaramdam naman ako bigla ng pag katahimik niya.
"Mia, may itatanong ako sa'yo." seryosong sabi niya habang lumalakad pa din kami.
"What if bigla na lang ako mawala?" Napatigil naman ako sa pag lalakad at hinarap ko siya.
"Wag ka ngang magbiro ng ganyan! Gusto mong bugbugin kita?" naaasar kong tanong, sa lahat ng ayoko ay ganong biro.
"No no. I just want to know your answer. Para alam ko kung laalban pa ako o hindi na."
BINABASA MO ANG
SMILE in the Rain
Fiksi Remaja~(n) a lover of rain; someone who finds joys and peace of mind during the rainy days.