Chapter 8: Butler Montefalco

5.8K 137 1
                                    

Purple's POV

Asa mall na kami ngayon at lingid sa kaalaman ni Montefalco na pagaari namin ito. Sa ngayon ay tinatahak namin ang daan papuntang National Book Store. Doon ko sya planong pahirapan. Tingnan natin kung hanggang san ka tatagal Montefalco.

Nang marating namin ito ay agad akong nagtungo papasok sa loob at inabot sakanya ang isang maliit na card. Hindi niya ito kinuha, sa halip ay tinitigan lang niya ito nang magkasalubong ang kilay kaya napagdesisyonan ko nang magsalita .

"Take It." makuhulugang sabi ko dito.

"Anong gagawin ko diyan?" I face palmed. Tanga ba sya?

"Ano bang ginagawa sa Credit card! Diba pinangbabayad? So please get it bago kita masapak dito sa mall. Ibigay mo yan sa cashier mamaya pag magbabayad na tayo." mahabang saad ko dito bago ilagay sa kanyang palad ang card na hawak ko kanina pa.

Tinalikuran ko na siya at nagtungo sa Wattpad books section. I motioned him to go behind my back na sinunod naman nya agad. I smirked. Marunong din pala sumunod ang gago.

Gayon pa man ay makikita parin sakanyang mukha ang matinding galit at inis. Hindi ko talaga lubusang maisip na natalo ko ang montefalco na to. Well, alam ko naman na magaling ako pero madami kasing nagsasabi na sa sport na yun sya pinaka magaling.

*Chuckle*

"Hoy Tsamba lang yun!" Napatigil ako nang magsalita sya, Nasabi ko ba ng malakas?

"Hindi ba halata?" Kumunot lalo ang noo ko, Is he a mind reader or what?

"I'm not a mind reader, idiot. Sinabi mo lang ng malakas."

"Sabi ko nga." Nagsimula na akong maglakad palayo sakanya, Hindi ko naman sya bet kausap at baka masapak ko lang sya bigla. Napangisi ako nang may masip na magandang ideya.

Lahat ng mahagip ng kamay ko ay binibigay ko sakanya. Kahit yung malaking dictionary at bible na malaki na pang library lang talaga ay kinuha ko. I secretly laughed when I saw him almost faultering down.

Nang akmang kukuha siya ng basket ay agad ko siyang sinangga dahilan ng pagkahulog ng mga libro sa kamay niya.

"Try to get one and you'll die." I coldly said. Hindi sya naapektuhan. Sa halip ay tumingin sya sa mata ko at tinaasan ako ng kilay. Muntik na nga kong matawa, nagtataray pala ang isang 'to.

"Are you serious Violet? Ipapabuhat mo talaga sakin 'to?!" Nanggigigil nyang tanong kahit pilit na hinihinaan ang boses.

Tensed ang muscle niya na animo'y handa na para makapatay ng tao.
Kung sya, hindi nagpapatalo, Mas lalo naman ako!

"Yes! I'm damn serious at wala kang karapatan para magreklamo. Let me remind you Montefalco! I won and you lose! so you better stick to our deal . UNDERSTAND?" Mas lalong lumukot ang mukha nya at napipilitang tumahimik.

Nakasimangot syang bumalik sa pwesto at pilit na binuhat lahat ng binigay ko. Narinig ko pa ang pagmamaktol nya na syang tinawanan ko talaga.

Still Purple's POV

Nakapila na kami sa cashier ngayon para magbayad at di maiwasang tumingin sakanya ng mga taong nakakasalubong namin dahil sa itsura niya.

May trentang  libro siyang hawak. Limang libro din na nakapatong sa ulo niya habang may tatlong makakapal na magazine na nakaipit sa pagitan ng hita niya.

Pinipigilan ko lang naman talaga ang paghagalpak sa tawa dahil sa sobrang dami ng tao. Pfft!

Sa iba nakatuon ang pansin niya kaya kinuha ko na ang pagkakataong yun para kunan siya ng litrato. Napangisi ako ng malaki nang makita ang litrato nya sa cellphone ko. Maganda sigurong ilagay 'to sa bulletin board.

We were next at the line pero halos tawanan ko ang pagmumukha nito ng makitang pulang pula ang magkabilang pisngi ng babae.

Binuksan pa talaga niya ang isang butones ng uniform nya enough para makita ang cleavage niyang walang kalaman laman.

And yes, flat-chested ang babaitang toh. Di naman ako aware na may ganto palang nagtratrabaho sa mall namin.

Di yata siya informed na wala syang dede! Binayaran na namin ang pinamili at tila pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha ng babaeng nasa harap namin. Siguro'y dahil hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Kristom.

Nang ibigay na samin ang pinamili namin na halos limang paper bag na ay inabot niya ito sakin.

"Anong gagawin ko diyan??" nagtataka kong tanong

"Carry It." diretsong sabi niya sakin

Gulat akong tumingin sakanya dahil sakanyang sinabi. The Nerve!

"As far as I know Montefalco, You're the one serving me! Not me! So please carry those and follow me outside. Got it?!"

Hmp! Buti nga sayo!

XOXO

Poisonous Rose ( S I G N E D ) Where stories live. Discover now