ED' POV
Maamaa!!! Ma!! Bat mo naman kami iniwan?? Sabi mo hihintayin mo pa kaming lumaki??? Mama!!!. Halos iyak na akong iyak. Hindi ko talaga mapigilan yung mga luha nung mga sandaling yun.
ATE!! Tama na yan. Hindi matutuwa si mama pag nakikita ka nyang umiiyak. Please ate. Si Al parang pinipigalan niya lang ang umiyak.
Masakit para sa aming dalawang tanggaping wala na si Mama. At ngayong nagdudusa kami ay hindi man lang namin nahagilap ni kahit anino ng magaling naming ama.
Ngayong ito ang pinakamasakit ng katotohanan na sumampal sa amin ay wala siya nang kailangan namin siya. Hindi man lang nagpadala mg sulat na hindi sya makakapunta dahil may inasikaso siya.
Patuloy lang ako sa pag iyak nun. Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na ako.
Naalimpungatan na lang ako ng may maramdaman akong may yumuyugyog sa akin.
ATE!! Uy gumising ka nga. Yung panaginip ko namang yun. Lagi na lang akong dinadalaw. Napamulat ako sa sigaw na yun. Si Al lang pala. Napatingin ako sa relo ko. 8:30 na. Pero madilim pa lang naman ah.
Wait----- Naku. Late na ako. Tang ene naman.
Huyst. Bat ba naman late mo na akong ginising?? Malelate na ako. Pupunta na sana ako sa banyo ng... Pfffft. .xD Halos nagpipigil sya ng tawa ng sinulyapan ko sya.
Hahahaah!!!!Nakakatawa itsura mo ate. Wahahahaha. Para kang natatae na ewan. Inadjust ko lang naman yung relo mo. Hahahaa. Pffftttt. Di ko naman alam na maniniwala ka. !!! Pinipigilan niyang tumawa. Kaya ang nagawa ko ay hinampas ko sya ng unan ko.
Aray naman ate. Mashaket nemern. Pabebeng sagot nya.
Uy pabebe ka pa dyan. Hambalusin kita eh. Naiinis kong saad sa kanya.
Ah nga pala ate. May nagpadala pala ng sulat ngayun ngayon lang. Ang aga nga eh. Akalain mo 5:00 lang ng umaga. Saka abot ng sulat. Pagbukas ko ay napanganga ako.
Ang sabi lang naman ay may misyon na naman ako ngayon. As in ngayon. Ewan ko na lang kong ano yun.
So yeah readers . Nakalimutan ko palang may intro. pa pala ako. Hi!! Im Edrian Elrics also known as Metalhand Alchemist. Kung bakit ganun tawag sa akin ay hindi ko din alam. Wahahaha.
So ayun na nga. At dahil maaga akong nagising ngayon ay magsisipag sipag muna ako. Pumunta ako sa rooftop at inayos ang mga dapat ayusin dito.
At hindi lang ako naging alchemist for nothing. Wala pang segundo ay naayos na ang mga sira sirang kahoy at butas na yero.
Binigyan ko din ng paunang lunas ang mga pabagsak ng metal sa may bandang likuran ng bahay.
Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng sikat ng araw sa aking mga balat. Isa na namang araw na puno ng kaguluhan ang kakaharapin ko.
BINABASA MO ANG
The MetalHand Alchemist
Action"Hey! Come on. I miss you" The voice which she longs for a hundred years. In the world where alchemy exist. A world which human beings depend on. Unti unti nating subaybayan ang pagbuklat ng katotohanan sa kanyang buhay. Edrian Skyler Elrics, the Me...