Bakit di ko kayang sabihin sayo?Pasensya ka na, takot ako.
Naalala ko nung sinabi mo na kung bakit ang hilig kong ilayo ang sarili ko.
Di ko sinagot yung tanong mo. Nagchange topic ako.
-
Bakit kasi ako pa?Oo nga, bakit ako pa sa lahat nang pwede mong mahalin?
Bakit nung una, okay lang sakin kasi akala ko laro lang.
Akala ko kasi, di rin tatagal.Nasanay kasi ako na lahat ng lalaking dumaan sa buhay ko, lalaruin ko lang.
Alam ko naman kasing landian lang.
At hindi ako nagkakamali doon, dahil pagkalipas ng isang buwan wala na talaga.Nung una talaga, ang dali lang sakin.
Nakikipagpustahan pa nga ako kung hanggang kelan ka pa tatagal eh.Di kasi ako dapat magseryoso, dapat kasi hindi eh.
Di ako nabalitaan,
Nagkaseryosohan na pala.Ang sabi mo, sakin ka lang nagkaganito. Sa isip isip ko, "Tanga, gasgas na yan. Ilang lalaki na nagsabi nyan sakin." Natawa ako, mahirap ako seryosohin.
Kahit ako mismo, di maintindihan ang nararamdaman ako.-
Bakit ka kasi nagparamdam?Ikaw pa sinisi ko. Ang gusto mo lang naman ay lapitan at makausap ako. Ikaw, masaya ka. At sakin, normal lang.
Wala akong inasahan sa taong tulad mo, at sumobra ka pa pala sa expectations ko.
Oo, mabait ka. Nagbago ka para sa akin. Sa tingin ko, ang babaw na dahilan na magbago para sa akin. Tinigil mo lahat. At nagsosorry ka kapag alam mong sinira mo ang pangako mo.
Wala lang naman sakin yun. Di naman ako ang magkakaproblema sa bisyo na yun.
Pero napaisip ako. Pumasok ako sa isip mo. Nanghihingi ka pa ng tawad.
Di ko alam. Bakit ako mahalaga sayo?
-
Pero habang tumatagal, ang dami ng tanong sa utak ko at di ko makuha ang sagot...Bakit feeling ko hinahanap hanap kita?
Bakit kailangan na kita?
Bakit ganto na?
Hindi naman ako ganto noon, kaya ko mag-isa. Nalampasan ko lahat ng lalaki ng wala ka.Masaya din naman ako kahit wala ka pa.
Pero bakit ngayon feeling ko sa tuwing makikita kita, sumasaya ako?Alam kong meron na, pero hindi pwede. Ayoko.
Pero kahit tumagal to, alam kong may mag-iiba.
Ayoko na umasa sayo, ayoko na nagmumukhang kailangan ka.Lahat ng mga bagay na ito, sa una lang masaya.
Bakit feeling ko may iba na?
Bakit feeling ko may pagitan na?
Bakit feeling ko dumidistansiya na?
Bakit feeling ko may nagbago na?
Akala ko ba di ka susuko?
Sabi na nga ba eh, wala lang to. Buti nalang, hindi ko pa nasabi.Pero bakit ngayon pa kung kelan akala ko kaya ko na?
Bakit ngayon pa na alam ko na?
Bakit ngayon pa kung kelan gusto ko nang sumaya?
Bakit ngayon kung kelan may isang tao na akong pwedeng pagbigyan?
Kasalanan ko rin siguro. Ako din naman kasi ang takot. Ako din naman kasi yung papilit.
Balik ulit sa tanong na "Bakit ko ba nilalayo ang sarili ko kahit alam kong gusto ko?"
Alam ko na ang sagot.
Nilalayo ko ang sarili ko kasi ayoko ng idea na masaktan.Nilalayo ko ang sarili ko kasi laging panandalian lang ang nasa isip ko.
Nilalayo ko ang sarili ko kasi bawal pa.
Nilalayo ko ang sarili ko sa lahat ng panandaliang saya.
Nilalayo ko ang sarili ko kasi pakiramdam ko di ko deserve to. Pakiramdam ko di ako dapat tratuhin ng ganto.
Bakit ba pinaparamdam mo sakin na napakaganda ko?
Bakit mo ko tinatrato na prinsesa?
Bakit mo ko pinapasaya?
Bakit kahit inaaway kita, nandito ka pa din?
Napapagod ka na ba?
Naiintindihan ko kung pagod ka na. Kasalanan ko naman eh.
Pero hanga ako sayo, dahil ikaw lang ang nagtagal sa buhay ko.Kaya mo pa ba?
Nakakatawa isipin na tinatanong kita ng ganto.Oo, kaya mo pa.
Pero napapagod ka din naman diba? Bat ayaw mo sumuko? Ayaw kitang sumuko pero kasi parang mahihirapan ka lang sakin.
Konting tiis nalang, masasabi ko na.
Konting hintay pa, makukuha mo na din ang pinapangarap mo.
Konting panahon pa, malilinawan na din ako.
Sa oras ba na hinihingi ko kaya mo ibigay?
Kasi gusto ko sigurado na ako.
Kasi ikaw lang ang nagtiis.
Kasi ikaw lang ang sumugal.
Kasi ikaw lang ang nagmahal sa buong pagkatao ko.
Kasi ikaw ang nakakaalam sa mga kasamaan ko at hindi mo ako tinalikuran.
Kasi ikaw ang nagpasaya sakin, kahit ayoko man aminin.
Pero sa panahon na ayaw mo na.
Wag kang mag-alala, di kita pipilitin sa buhay ko.
Pero sa huling pagkakataon, mamahalin kita.
Sa huling pagkakataon, ipaparamdam ko na naging mahalaga ka.
Sa huling pagkakataon, sasabihin ko ang lahat.
Sa huling pagkakataon, hahagkan kita at sasabihing "Salamat. Pinasaya mo ko."Pagkatapos nun, bibitaw na ako.
Dahil sa panahon na to.
Alam ko...Nagiging makasarili pa rin ako.
May 24, 4:04am
BINABASA MO ANG
Words Unsaid
PoetryAuthor's thoughts. Midnight Rendezvous. Mornight Questions. Words that are always left unsaid. I'm writing these thoughts hoping to clear out my doubts. Hoping that someday, I can speak my heart out. (c) crazyetserious 2016