Hillary and Tristan Story Chapter 2

77 2 0
                                    

- Dumating na si Tristan galing states, binigyan si Lary ng task ng Daddy nya na siya ang magpapasaya at magbigay aliw kay Tristan. Saan nga ba hahantong ang pagiging NBSB at NGSB ng dalawa? Ang pagiging magkaibigan ba nila ay hahantong sa Magka-ibigan?

Nasa school na si Lary and nasa Classroom na rin nila, naririnig ni Lary ang pinag uusapan ng Grupo, yung ano yung kuya ni Trissa na dumating galing States, nagtataka daw si Trissa kung sino ang sumundo sa kuya niya eh, ni hindi naman daw nag text or tumawag sa kanya... Sympre kilig na kilig din yung mga kaibigan niyang sila Kerrin, Nicola, Cassidy at Casandra na parang may pagnanasa sila sa kuya ni Trissa.

Kasi nga naman gwapo nga naman talaga si Tristan eh... Hanggang sa biglang may isang babaeng studyante sa labas ng classroom, nagtili at sumigaw na.. "Oh may gad! Ang guuwaapoo niya...". Dali daling lumapit ang mga studyante at nakita nila si Tristan, may kotse, naka leather jacket, naka shades, na parang hollywood celebrity na hotness overload talaga. Dun na din lumabas ang grupo ni Trissa hanggang sumigaw si Trissa na "Kuya Tristan!" At dali dali itong bumaba at tumakbo patungo kay Tristan at nag hug.

Nagkwentuhan ang magkapatid, hanggang sa tinanong ni Trissa kung bakit nandun yung kapatid niya, at sinabi din naman ito ni Tristan na sinusundo niya si Lary. Syempre! Galit na galit na galit si Trissa kay Lary, na para bang... Gusto niya itong sabunutan kaladkarin at basta! Alam mo yun.. Nagmakaawa si Trissa kay Tristan ng "Kuya iba nalang. Idate mo na lahat basta wag lang sa Ibañez sisters! Pls kuya pleaase!" Pero tumawa lang si Tristan sa mga pinagsasabi ng kapatid niyang si Trissa hanggang sa, tuluyan ng bumaba si Lary, sa building at pumunta ito kay Tristan.

Tinanong ni Lary si Tristan kung bakit ito nandito, at sinabi din naman ni Tristan kay Lary na kaya siya nandun kasi sinusundo niya itong si Lary, kasi yun daw ang sabi ng Daddy Gabby ni Lary. Kasi nga daw may pupuntahan silang dalawa.. At nagtaka itong si Lary, kung anu-ano na naman yung pinagsasasabi ng Daddy niya kay Tristan. Hanggang sa napapayag siya ni Tristan na umalis.

Papunta nila sa Parking lot eh, nagtaka si Lary kung bakit wala si nong bert, yung driver nila.. Sinabi din naman ni Tristan kung bakit wala si nong bert, ito ay dahil si Tristan mismo ang nag drive ng kotse para sa sarili niya papuntang Cally, at pinauwi nalang ito ng Daddy ni Lary. Kaya yun.

Nagpunta ng Mall ang dalawa, pagdating nila dun sila ay kumain kasi nga gutom na daw si Tristan. Masaya silang nagkwekwentuhan, nagtatawanan at pagkatapos nilang kumain ay naglaro silang dalawa sa Timeworld. Naglaro sila ng naglaro hanggang sa naabutan sila ng 6pm sa Mall, kaya nagpasya na silang dalawa na umuwi na at ihatid itong si Lary sa Bahay nila at magkikita pa sila Gavin at Tristan mamayang gabi. At dun din pala nag sstay si Tristan sa Condo ni Gavin.

pagdating sa bahay nila.. Nag usap si Fia at si Lary about sa kung anong nangyari the whole afternoon na magkasama sila Lary at Tristan. Lahat Lahat...

pagkatapos, si Tristan naman at si Gavin ay nagkita na.. Kinwento ni Tristan kay Gavin kung ano at kung saan sila pumunta ni Lary... Syempre masaya niyang kinwento yun..

**THE NEXT DAY SA SCHOOL**

Sinundo ulit ni Tristan si Lary sa school, at parang nagseselos na si Trissa kay Lary kasi nga two days straight na silang magkasama. Syempre marami na ring nagseselos na mga girls kay Lary... And si Fia naman masaya sa kung ano man ang meron sa Ate niya.. Then again gumala na naman ang dalawa, nag kwentuhan.. Kumain... Nagtawanan... The whole day yun lang ang ginawa ng dalawa.. Hanggang sa may tumawag ka Lary, Tumawag kay Lary yung daddy Gabby niya. Kinakamusta sila.. Kung saan daw sila at kung pwede daw muna na pumunta sila sa Office kasi gusto silang makausap ng Daddy Gabby niya. At nagdali dali ang dalawa na pumuntang office.

Pgdating nila doon, pumasok sila sa Loob ng Opisina ng Daddy Gabby ni Lary at nag usap na sila. Pinapa hanap si Lary ng Condo. Condo na para kay Tristan. Para may matirhan ito. Kasi ayaw ng Daddy niya na magstay si Tristan at Gavin sa iisang condo. Pero doon din siya pinapakuha ng Condo na kung saan nandon din ang condo ni Gavin pero sa ibang unit lang. Okay lang din naman kay Lary kasi nga okay naman na daw sila ni Tristan.

Umuwi na si Lary sa Bahay, at syempre nagkwentuhan na naman sila ng Kapatid niya... Pero this time kasama na nila yung mommy alex nila. Ikaw ba naman magkaroon ng Cool mom like Mommy Alex eh, hindi kapa makukuntento niyan? Kilig na kilig si Fia at si mommy Alex sa kwento ni Lary.. Na para bang sila yung naka feel ng feeling ni Lary. At parang may nahalata na ang Mommy Alex nila kay Lary...

Si Tristan naman ay niyaya ng Tito Gabby at ng bestfriend niyang si Gavin na lumabas. You know, boys night out... Walang girls, only them. At nung lumabas na silang tatlo ay panay ang tanong ni Daddy Gabby kung kamusta yung pag aaliw ni Lary sa kanya. Kung okay ba'to... Kung mabait ba... Syempre sinabi lahat ni Tristan, at mga magagandang salita pa ang mga binitawan niya kay Daddy Gabby. Masayang nagkwekwentuhan yung tatlo, hanggang sa dumating na sila sa isang sikat na bar, uminom ng konti, kasi nga hindi pala inom tong si Tristan, nagkwentohan at umuwi na rin sila. Dun pa rin pala umuuwi si Tristan sa condo ni Gavin kasi hindi pa ito nakahanap ng Condo si Future Girlfriend, ay este si Lary pala.

The next next next day...

Same routine ang ginagawa nila ni Lary at Tristan, sa umaga, nasa office si Tristan and nasa school si Lary, sa hapon sinusundo ni Tristan si Lary sa School. nagselos na nga si Trissa kay Lary eh. Kasi bakit palaging si Lary nalang daw yung binabalingan ng time ng kuya niya.

Hanggang sa isang araw, galit na galit na si Trissa kay Lary, nagkaharap na naman ang dalawang grupo. Nagpalitan sila ng mga masasakit na salita, hanggang sa hindi na nakayanan ni Lary si Trissa at pinuwersa ito na tinanong kung ano ba talaga ang problema ng grupo ni Trissa sa grupo ni Lary, sinabi naman ito ni Trissa, Na inaagaw daw ni Lary lahat. Kung hindi daw si Fia si Lary, gusto daw kasi niya nuon si Gavin pero huli na ng nalaman ni Triss na magkapatid daw si Lary, Fia at Gavin. Kaya move on si Trissa, tapos si Axel naman daw na inagaw na naman niya si Axel kay Trissa. Pero naging mas galit siya kasi sinaktan ito ni Lary si Axel, at yun yung dahilan kung bakit nag away yung grupo ni kuya niya at grupo ni Axel. Kaya nagka intindihan ang dalawang grupo at nag sorry sila sa isa't isa hanggang sa nag okay na ang grupo ni Trissa at ang grupo ni Lary.

The next day,

Niyaya na naman ni Tristan si Lary but this time out of town na.. Pumunta silang boracay, syempre sagot lahat ni Tristan, yaman kaya niya. Hehehe at napaalam na lahat ni Tristan sa kay Fia, Gavin, kay tita Alex and tito Gabby sa plano niya..

Umalis na yung dalawa puntang boracay. 1 week sila mag sestay doon, nagkwentuhan ang dalawa, kinwento na rin ni Lary yung nangyari sa grupo nila ni Trissa at sa grupo niya. Kinwento niya din na nagka ayos na ang dalawang partido. Atleast kung ano man ang balak ni Tristan okay na ang lahat...

Naging masaya ang pag babakasyon ng dalawa sa Boracay hanggang umabot na sa huling gabi nila dun, niyaya ni Tristan si Lary magdinner. Pero hindi lang isang simpleng dinner kundi sa isang engrandeng dinner. Na exclusive lang yung restaurant sa kanilang dalawa, may instrumentalists may petals yung nilalakaran nila.. As in bongga talaga! Lumabas yung dalawa.. May prenipare pala si Tristan na Fireworks para kay Lary at sa huli, yung fireworks nag create ng Letters na nagsasabing "Will you be my Girl?"

Umiyak sa tuwa si Lary na para bang hindi niya alam ang sasabihin niya kay Tristan, at syempre choosy pa si Lary? She gave her "YES" kay Tristan.. Hindi pala alam ni Lary na pinaalam na lahat2 ni Tristan sa Pamilya ni Lary at sa Pamilya din mismo ni Tristan tungkol sa nararamdaman niya para kay Lary at dahil sa tulong narin ng dalawang pamilya kaya naging ganoon ka successful yung proposal niya kay Lary... Propose as Girlfriend palang, hindi pa kasal. Wag excited,

Naging masaya ang dalawa sa bakasyon nila. Umuwi na sila ng manila, nag dinner ang family ni Lary, si Trissa at Tristan at kinwento nilang dalawa ang mga nangyari at ang ginawa nilang dalawa sa bakasyon nila at kung ano na ang score between the two of them. Masayang masaya ang pamilya nila Lary at Tristan para sa Kanila.

The next morning (Thursday)

Naka recieve si Lary ng phone call. Yes! Phone call from an unknown number, at hindi number ng Pilipinas kundi number sa ibang country. Sinagot niya ito... Si Maggie, yes si Lady Margarette Satam! Yung childhood bestfriend nila ni Fia, uuwi daw ng Pilipinas... On Saturday,

Secret Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon